The Weak QueenSABRINA LUNA CALYPSO
Napatingin ako sa salamin. Maputla ang kutis ko, namumugto ang mga mata at walang buhay ang tingin.
“Ang pangit ko,” mahinang bulong ko habang pinipilit ngumiti pero agad din akong napaiyak.
Ngayong araw ay ika-limang anibersaryo ng pagkapakasal ko sa Hari. Pero gaya ng nakasanayan, wala siyang pakialam. Isa lang akong babae na ginamit para sa political marriage. Isang mahina, walang silbing Reyna na hindi kailanman minahal… nirespeto man lang.
Naglakad ako palabas ng silid at sinalubong ako ng mga aliping may mapanuring tingin.
> "Diyos ko, 'yan ang Reyna? Akala ko mas elegante siya."
"Kung hindi lang siya pinilit ipakasal kay Haring Kael, baka nasa kulungan na 'yan."Ramdam ko ang bulungan. Hindi na bago sa akin. Sanay na akong maging invisible kahit suot ko pa ang pinakagarbong gown.
Nang dumating ako sa trono hall, naroon na ang Hari—Haring Kael Azrael Calypso, ang lalaking minahal ko kahit hindi niya ako kailanman tinignan ng may pagtingin. May hawak siyang dokumento at ni hindi man lang tumingin sa direksyon ko.
> “Huwag mo akong abalahin, Sabrina. Useless ka na nga, istorbo ka pa.”
Parang tinusok ng karayom ang puso ko. Pero ngumiti pa rin ako. Dahil kahit sa sakit, umaasa akong balang araw... mapapansin niya rin ako.
---
That Night...
Umulan. Malakas. Kulog at kidlat.
Dahan-dahan akong pumasok sa hardin kung saan ako laging umiiyak mag-isa. Umiiyak ako sa ilalim ng ulan, naka-yakap sa sarili. Wala akong ibang kaibigan kundi ang katahimikan.
Pero sa gabing ito… may kakaiba.
> “W-wait… bakit ang sakit sa dibdib ko…?”
Biglang bumigat ang katawan ko. Para akong sinasakal ng sarili kong kaluluwa. Tumumba ako sa lupa, nanginginig.
> Ba’t ang lamig? Parang… mamamatay ako…?
---
SOLANA BLAIRE
Madilim. Tahimik. Pero hindi ito kamatayan.
> “Asan ako…?”
Unti-unting bumukas ang mga mata ko. Masakit ang ulo ko at mabigat ang katawan. Tiningnan ko ang paligid—kama ng hari, gintong kurtina, malambot na kumot?
> This is not Hell…
Pagtingin ko sa salamin—
> “WHAT THE—?!”
Hindi ko mukha ang nasa salamin. Hindi ako ito. Hindi ito ang itsura ng assassin na kilala bilang Black Mamba of the Ocampo Clan.
“Who the hell is this… weak, crying girl!?”
---
Solana Blaire Ocampo is dead… But I, Queen Sabrina Luna Calypso, have just awakened.

BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS A STUPID QUEEN
Historical FictionSolana Blaire Ocampo-isang kinatatakutang assassin at tagapagmana ng pinakamalakas na organisasyon-namatay sa kamay ng sarili niyang ama. Ngunit sa halip na tuluyang mawala, siya ay muling isinilang... bilang isang mahina at hangal na Reyna. Si Quee...