抖阴社区

CHAPTER 2:

1.1K 48 0
                                        


  The Awakening of a Killer Queen

SOLANA BLAIRE / SABRINA LUNA CALYPSO

Ang babaeng nasa salamin ay mahina. Pero ako, hindi ako siya. Ako si Solana Blaire Ocampo—ang pinakamapanganib na assassin sa ilalim ng Ocampo Clan.

Pero ngayon…

“I’m in her body…?”

Dahan-dahan akong lumapit sa salamin, tinignan ang bagong anyo ko. Mahaba ang buhok, kulay pilak na may asul na tint, at ang balat niya ay parang porselana—marupok, parang babasagin. Ang mga mata niya... kulay asul din. Katulad ng mga mata ko noon. Katulad ng mata ni Gustavo... ng tunay kong ama.

Muli kong tiningnan ang katawan ko. Ang mga kamay na ito—hindi sanay humawak ng baril. Ang katawan, payat, mahina. Pero… may sigaw sa loob ng kaluluwang ito.

"Hindi mo alam kung sino ang pumasok sa katawan mo, Reyna."

Huminga ako ng malalim, pinikit ang mga mata. Hinayaan kong lasapin ang katahimikan ng bagong mundong ‘to.

Biglang bumukas ang pinto.

“Your Majesty, the King is asking for your presence in the Grand Hall,” sabay yuko ng isang aliping babae. Halatang naiilang siya habang kinakausap ako.

Dati, si Solana ay sanay utusan ang lahat. Ngayon, siya na ang inuutosan. Nakakatawang isipin.

“Sige. I’ll come.”

Kahit nagtataka ang babae, hindi siya kumibo. Sumunod ako sa kanya pababa sa napakagandang marble staircase ng palasyo. May mga painting ng mga nakaraang hari’t reyna, mamahaling chandelier at carpet na parang galing sa langit.

Pero sa mata ni Solana, ito’y walang halaga. Isa lang itong palasyong puno ng taksil, lihim at kasinungalingan.

---

GRAND HALL

Nang makarating ako, nandoon na ang Haring Kael, nakaupo sa kanyang trono. Matalim ang mga mata. Gwapo, oo. Pero malamig. Walang puso.

Tumingin siya sa akin na parang basura lang ako sa harap niya.

“At last, bumangon ka rin. Akala ko tuluyan ka nang pinabayaan ng langit.”

Langit? Kung alam mo lang... galing ako sa impyerno.

Hindi ako nagsalita. Nilapitan ko siya ng may tuwid na likod, hindi kagaya ng dating Sabrina na laging nakayuko’t takot.

Napansin ko rin ang tatlong duke sa gilid niya. Lahat sila, matahimik, pero halatang nagulat sa bagong aura ko.

“May problema ba, Mahal na Hari?” tanong ko sa malamig at kalmadong tono.

Nagtaas ng kilay si Kael.

“Ano’ng sinabi mo?”

Ngumiti ako, pero hindi iyon ngiti ng takot kundi ng panganib.

“Wala po, aking mahal na Hari. Ako po ay handang sumunod sa anumang utos. Pero sana, igalang mo rin naman ako bilang Reyna ng kaharian.”

Napatahimik ang buong bulwagan.

Patay. Hindi ganito magsalita ang mahina at iiyak-iyak na Reyna Sabrina.

Si Kael ay tumayo at humakbang papalapit sa akin. Masyado siyang malapit, parang sinusuri kung sino ba talaga ang kaharap niya.

“Bakit parang... nagbago ka?” bulong niya.

Because the old Queen is dead. And a killer has taken her place.

Ngumiti ulit ako. “Maybe... I just finally woke up.”

---

LATER THAT NIGHT

Balik ako sa kwarto ng Reyna. Pinagmasdan ko ang mga gamit niya—mga libro, diary, perfume bottles. Binuksan ko ang drawer at may nakita akong maliit na notebook.

“Dear Diary, bakit hindi niya ako kayang mahalin?”
“Gusto ko na lang mawala. Wala akong halaga sa mundo na ‘to.”

Durog ang puso ko kahit hindi ko ito angkin na damdamin.

> This girl was broken… abandoned. Ginamit lang… pinagtabuyan. Hindi katulad ko noon na lumaban, siya… sumuko.

But not anymore.

Kinuha ko ang pluma at nagsulat sa huling pahina ng diary.

> “Solana Blaire Ocampo. Assassin. Reincarnated as Queen Sabrina Luna Calypso. Mission: Survive. Take revenge. Rule.”

---

THE NEXT MORNING

Maagang gising. Hindi pa sumisikat ang araw pero bumangon na ako.

Tinawag ko ang pinakamalapit na kasambahay.

“Maghanda ng bagong dress. Yung may pulang detalye. At itigil na ang pagpapadala ng bulaklak sa silid ng Hari. Ayoko ng rosas.”

“P-pero po... sabi po ni Duke Valentin—”

“Sinabi kong AYOKO. O gusto mong ikaw ang unang maranasan kung paano magalit ang bagong Reyna?”

Hindi siya nakasagot. Tumango na lang at nagmadaling lumabas.

Ngayon, titiyakin kong hindi na nila kayang apakan ang babaeng ito. Dahil ang katawan man niya ay mahina…

...pero ang kaluluwa niya ngayon ay mamamatay-tao.

REINCARNATED AS A STUPID QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon