抖阴社区

CHAPTER #9

1.3K 42 7
                                    


-CHAPTER #9-

-TWO SECTION IN ONE GROUP!-

"Paano kapag tinamaan kita nang bola south?Anong gagawin mo?" Inosenteng tanong sakin ni klayklay habang nag lalakad kami papunta court. "Feeling ko kasi tatamaan ka eh,Feeling ko lang naman, hindi pa ako sure, Bigla lang dumaan sa isip ko,hehe"

Pinag singkitan ko naman sya nang mata habang inaayos ko ang buhok ko. "Nahiya kapa, dapat Sinigurado mo muna... Kasi ako?Wala nang feeling feeling, Tatamaan ka talaga sakin mamaya ng bola" sabat ko naman sa kanya at binilisan ang lakad!. Nakaka haggard si Klayklay, Para akong nag anak nang ewan.

"Eh paano kapag hindi bola tumama sayo? Paano kung ako pala?" Dagdag pa nya kaya napahinto ako, Nang tingnan ko sya ay napangiwi ako nang nakagat labi pa ang bata, Nag pogi sign pa habang nag lalakad papunta sakin.

"Alam mo klayklay?" Napabuntong hininga ako bago lumapit sa kanya nang konti, malaki naman ang ngiti nang bata na halos kita na ang gilagid.
Mabilis na kinurot ko sya sa tagiliran nya dahilan para mapasigaw sya.
"Ako tigil tigilan mo Klayklay! Alam kong gutom ka ngayon pero wag mo akong idamay! Baka mamaya i shoot kita sa ring na hinayupak ka"

Napanguso naman sya sa sinabi ko, Lintik na to, kanina pag labas namin sa cafeteria, Nag reklamo na nagugutom na ulit, Hanggang sa makapag palit nang PE uniform, Nagugutom daw ulit , Tapos sakin pa iniwan nina travis ito dahil mag papalit sila kaya nauna na kami, Kaso!...Sa sobrang gutom ata nito! Pati utak nadamay! May hugot pang nalalaman.

"Ayaw mo ba sakin? Gwapo naman ako ah! Mas gwapo pa sa Humabol sayo kanina! Hindi naman ako baliw---south naman ihhh!Intayin mo naman ako!"

Mas binilisan ko ang pag lalakad sa hallway dahil naririndi na ako sa kasama ko!. "Hindi ako napatol sa grade 1!" Sigaw ko sa kanya. Hindi baliw? Eh hindi panga napapatingin sa doctor ata yan alam nang adik yan. Baka nga nasinghot na nang Sinigang Mix yan nang hindi ko alam eh.

Sumunod nalang sya sakin hanggang makarating kami sa court. Nang pagpasok namin ay nandun na agad ang ibang section, Pahagdan ang mga upuan at may pangalan kung saan ang bawat section, Nauna pa ata kami ni klayklay kami wala akong pakeng nag lakad at nilagpasan ang bawat section Hanggang makarating kami sa pwesto namin. Nilapag ko ang bote nang tubig ko at bimpo para mamaya, Umupo na kami doon ni klayklay habang inaantay sina daze na sobrang tagal.

"Section E sya?"

Ay hindi, Hindi ako section E, Engot to!. Invisible lang ako.

"Akala ko fake news na may babae sa section E, In fairness ang ganda at lakas nang dating nya ah"

Huahua, Thanks, hindi fake news yan ate. Salamat sa lahat.

Nang mapansin kong nakatingin ang iba sa amin ay tumaas ang kilay ko, Nang tingnan ko naman si klayklay na nasa tabi ko ay nakain lang ito nang yakult na dala ko at halatang hindi nakikiramdam sa paligid.


Lumapit naman ako nang konti sa kanya at bumulong. "Bakit sila nakatingin satin? Anong meron?" Seryosong tanong ko, Nakita ko pa yung nakaaway kong masama ang tingin sakin habang nag tatawanan yung mga pangit nyang kasamang babae.


"Hayaan mo sila south, Ganan talaga sila...Baka ngayon lang nakakita nang maganda at gwapong tulad natin" walang hiyang sagot ni klayklay sabay lagok ulit nang yakult. "Masanay kana south, Ganan talaga sila kapag nakakakita nang section E dito" dagdag pa nya kaya Kumunot ang noo ko.


The Only girl in Section E |? (Part one: Beginning) Where stories live. Discover now