CHAPTER#30
-TIMOG-
"🎶Sana ngayungg pasku, Ay maalala ko parin akuu🎶".
Napahawak ako sa ulo ko. Bumalik ata sakit ng ulo ko--Hindi!Buong katawan pala! Imbis na gumaling ay lalo lang lumalala dahil sa pinag kakakanta ng batang nasa tabi ko.
"South, Ayos kana?"Tanong ni Klayklay matapos ng limang minutong kanta nya. Nakanguso itong nakapangalumbaba sa gilid ko.
"Uwing uwi na ako.*Pout*Magaling kana diba?Kanina kapa tulog! Dinaing mo pa si Sleeping Beauty, Puyat Version ka nga lang" Walang hiyang sabi nya pa sakin.Masama ko syang tiningnan bago tinutukan ng kamay kong baril-barilan. "Kita moto?...Ito tatama sa lalamunan mo kapag hindi ka tumigil". pag babanta ko.
Inutil na to!. Puyat Version daw ng Sleeping beauty!. Hindi pwedeng natulog lang! Ha! Masama ba matulog?! Sagutin nyo ako! Nanggigigil ako sa inyo! Sasakalin ko itong katabi ko!.
Hooo.... Kalma south... Kalma pre.
"Pero.. Ano talagang nangyari sayo?, Kung hindi pa ako bumalik baka hanggang ngayon ay nakahilata kaparin sa tapat ng room natin". Seryosong tanong sakin ni Klayklay. Napatingin ako sa kanya bago inayos ang benda sa tuhod.
"Inatake ako ng tatlong Gangster--"
Walang hiyang sabi ko, Pero true.
"Tatlong Kaka singhot lang ng Mik-Mik.." Dagdag kopa habang nakatingin sa kawalan."Mik-mik?" Takang tanong ni Klayklay. "Uso na pala yun. Akala ko ikaw lang ang Expert dun, May Member kana pala--" Parang mas walang hiya ang sagot ng animal nato.
"Hays" Napakamot ako ng kilay. "Putang*n*, Hindi ko alam kung bakit umiintindi ako ng Sira ulo".
"Aray ko!Maka sira ulo ka naman south! Nasaktan ako! Nasaktan ako!" Malakas akong hinampas ni Klayklay sa balikat kaya napasigaw din ako sa sakit. Napatakit sya ng bibig bago madramang sumigaw, Kinagat nya pa ang towel na hawak nya at doon parang gagong nag wala.
"Ouch! Napaka ouch!, Hindi pwedeng gwapo lang talaga ako?--" Tumigil sya bago ako kinindatan.
"Siraulong gwapo kamo".Ngumiwi ako. Siraulong tarantado kamo.
Umiling nalang ako. Baka mahawa ako ng tuluyan kapag kinausap kopa ang isang to. Minsan nga nakikita ko nalang ang sarili kong natawa ng walang dahilan. Natatawa habang nakain, Natatawa habang naliligo. Mas malala kapag nagigising ako sa madaling araw tapos matatawa ako.

YOU ARE READING
The Only girl in Section E |? (Part one: Beginning)
RomanceWelcome to section E, Kung saan Walang babae,puro lalaking,pala away, Masungit at isang tingin mo palang ay nakakatakot na.... Section na kinatatakutan nang ibang section sa loob at labas nang paaralan.... pero mag babago ang lahat nang dumating at...