CHAPTER #32
-SPORTS DAY-
📝
"Anong ginagawa mo dito?" Sumisingkit ang mata ko na parang si damulag habang pinag mamasdan si Klayklay na kumakain sa harapan ko.
Ngumiti sya sakin habang hawak ang isang manok. "Susunduin ka.. Makikikain na din sana" Oh diba! Ang kupal makikikain lang pala. "Saktong seven thirty mamaya ang simula ng sports day ha! Manonood tayo ng basketball!"
Tinaasan ko sya ng kilay. "Kung ang papanorin lang naman natin ay si Chikiro at Daze ay wag na. Mas gugustuhin ko nalang manood ng cocomelon kesa panoorin ang dalawang hotdog na yan" Pang raratrat ko sabay saksak ng tucino!.
Hindi man halata ay naiinis ako, natatakluban lang talaga ng ka gandahan ko... kapal naman ng mukha ko.Naiinis pa rin ako sa ginawa ni Daze. Natapakan hindi lang ang natitira kong dignidad sa buhay kungdi ang kapal ng mukha ko. Nakakahiya dahil lahat ng classmate namin ay nakatingin, buti kung naawa sila pero mas natatawa pa sila at nakikisama pa sa katarantaduhan ng boss nila! Mha pakyah!.
"Naku! Mag lalaro din si Travis!-" Napahinto ako sa sinabi ni Klayklay, Nanlaki agad ang mata ko. "Saka yung dalawang president ng section B at G.. Si ano..Si Clyden at Harry! oo kasama sila sa basketball!"
(0_0) O to the M to the G! Mag lalaro sina Crush! Ayieeee! Ahihihi! kinikilig ako!! Inimagine ko ako mag bibigay sa kanila ng tubig tapos pupunasan ko ang pawis nila tapos sasabihin nila
"Thank you, south".. Ayieeeee!! Mamaaa!.
"Nakakatakot ka--" Natigil ako ng makitang pinag mamasdan ako ni Klayklay na para bang isa akong malaking baliw at tanga. "Mas nakakatakot ka pa kay annabelle at chuky doll"
Binato ko sya ng tissue, Bastos tong batang to ha!. "Nakangiti lang baliw na agad?! hindi pwedeng may iniisip lang yung tao?"
"Ay tao ka pala?" Gulat na gulat nyang tanong, agad akong tumayo at inambahan syang susuntukin.
"Mukha ba akong hindi tao sa lagay kong to?" Pag timtimpi ko, Napatayo na agad sya ng makitang papalapit ako. "Lumapit ka dito! iluwa mo yang kinain mo! kingina mo ka, nakikikain ka na nga lang nang gagago kapa!"
"South naman ih!!" Agad syang tumakbo ng makalapit ako. para syang batang hinahabol ng nanay dahil nagala. "Joke lang naman! parang hindi mabiro eh! Tao ka, promise! mukha kang tao kahit--"

YOU ARE READING
The Only girl in Section E |? (Part one: Beginning)
RomanceWelcome to section E, Kung saan Walang babae,puro lalaking,pala away, Masungit at isang tingin mo palang ay nakakatakot na.... Section na kinatatakutan nang ibang section sa loob at labas nang paaralan.... pero mag babago ang lahat nang dumating at...