抖阴社区

CHAPTER #25

949 29 4
                                    

CHAPTER #25

-DEAL-




"Pasalamat ka nalang sa gwapo kong mukha at nailigtas kita sa nag aalburutong galit pemangkis ni kuya luis". Nag sisimula nang humangin sa paligid. Cignal no.20 na ata sa loob ng kwarto ko. "Kababae mo naman kasing tao ka, sa sabungan ka pa talaga pupunta! Bobo mo pemangkis, nireregla kang tao pero manok iniintindi mo, babae kaba talaga? Huh?".




Ibalibag ko kaya ito ng tumigil?. Ang daming sinasabi, ang daming tanong! Akala mo naman si boy abunda.







Napailing ako bago tinutok sa kanya ang ballpen na hawak ko. " Pwedeng tumigil ka muna? Kanina ka pa eh, pepektusan kita dyan". Pag babanta ko sa kanya.








Tinutok nya din sakin ang kutsilyo na hawak nya. Pag ako tinamaan nan, ikaw una kong mumultuhin. "Don't talk to me like that". Pag iinarte nya, ok na sana eh, naka apron pa kasing pink. "Ano ba kasing ginagawa mo sa sabungan na yan? Sino kasama mo? Tumaya ka ba? Nanalo ka? Ilan tayaan sa kanila?". Sunod sunod nyang tanong habang nag gagayat ng carrots.







"Wala.." iyan lang ang naisagot ko. Sa daming nangyari kanina ay wala na akong masabi. "Ano ba yang lulutuin mo? Kanina pa ako dito nag gagayat ka parin?" pag iiba ko ng usapan.







Nandito kami sa kusina. 12:10 na ng gabi at nag tatangahan pa kami dito. Wala si kuya luis ng umuwi ako kasi biglaang tawag daw sa meeting nila. Ito namang si demian ang naabutan ko na nag zuzumba sa harap ng TV.
(--__--). Nasabi sa kanya ni luis ang sinabi ko sa tawag kaya hayan, ang daming tanong, akala ko naman unlimited.






Humarap sya sakin hawak pa rin ang kutsilyo, umilag din agad ako dahil parang wala syang pake kung sino tatamaan nun. "Ibaba mo yan! Pag ako tinamaan nan ha!" sigaw ko sa kanya.






"Ay hehe" mabilis nyang ibinaba ang kutsilyo sa lababo bago umupo sa harap ko, Nakulo na ngayon ang niluluto nya. "Sorry naman pemangkis, Hara hara ka kasi dyan eh, Uso kasing tumabi, ano? Yung kutsilyo pa yung mag a-adjust?" pang babara nya pa sakin. (--__--). Mas kinampihan nya pa yung kuysilyo kesa sakin.







Ganan ang isip ng mga sinobra sa hangin ang utak... Buti safe pa ako.






" Mag luluto ako ng sopas--" panimula nya."Manonood ako ng anime mamayang alas tres, kailangan ko ng pagkain"






The Only girl in Section E |? (Part one: Beginning) Where stories live. Discover now