抖阴社区

Chapter 2: Fall

0 0 0
                                    

Fall

Ala-singko ng hapon na ng matapos ko ang gawain ko. Ramdam ko ang pagkirot ng likod ko at ng leeg ko. Wag naman sana ako magka-stiff neck.

Ipinikit ko ang mata ko itinuwid ang aking pag-upo. Hindi ko mapigilang tahimik na mapa-ungol sa kakaibang ginhawa na gumapang sa akin sa pag-stretching ko sa aking braso at likod. 

What a day, iyon na lang ang aking masasabi.

Kasabay ng pagdilat ng aking mata ay ang pagguhit ng isang ngiti na puno ng ginawa. "Tapos na rin sa wakas!" Masayang bigkas ko habang inaayos ang gamit sa lamesa.

"Tapos ka na?" Tanong ni Marc na siyang naka-agaw ng atensyon ko. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.

"Yes, ipapasa ko nalang 'to sa guidance then pwede nako umuwi," sabi ko. I still need to fix my things though.

"Ako na magpasa niyan. Mag-ayos ka na lang gamit mo para sabay na tayo, tapos na rin ako eh," pag-aalok nito. Agad naman akong umiling.

"No need, ako na," pagtanggi ko rito. Tumayo naman ito at lumapit sa lamesa ko. Inilahad ang palad niya na akala mo ay bibigay ako ‘pag ginawa niya iyon.

"Let me, tungkulin ko na pagaanin trabaho mo."

"And you are doing a great job. Kaya ako na," pagmamatigas ko. I earned a soft chuckle from him. As if he was amused with our conversation. His eyes softened as he look at me.

"Edi samahan na lang kita," pag-aalok nito. Hindi ko nalang mapigilang matawa sa pagiging matigas niya.

"Sige," pagsang-ayon ko ng matapos na ito.

Mabilis kong inayos ang gamit ko. Inayos na rin namin ang buong office bago lumabas. Agad kaming dumiretso sa guidance office para ibigay ang record namin. Madaldal si Marc, pero hindi ganun ka-daldal para mairita ka, kaya hindi siya naka-iilang kasama.

Saktong pagpunta namin ay wala roon ang guidance counsellor namin kaya iniwan nalang namin sa kanyang desk. Mabuti na lang din at pareho kami ng gate na inuuwian ni Marc kaya napahaba pa ang usapan namin.

"Oh, andito na pala sundo ko," sabi ko ng makita ko ang sasakyan namin.

Narinig ko ang mahinang bulong ni Marc na sa sobrang hina ay hindi ko na naintindihan pa. Mabilis ko itong nilingon.

"May sinasabi ka?" Pagtatanong ko rito. Mabilis naman itong ngumiti at umiling.

"Wala, kako mag-ingat ka," sabi nito.

"Ikaw rin, ingat sa pag-drive!" Sabi ko rito bago ako magpaalam ng tuluyan at dumiretso sa sasakyan namin.

Binati ko si Manong Lucho na siya rin namang ginantihan niya. Si Manong Lucho ay ang nakagisnan kong family driver namin. Matagal na ito sa amin at tila pamilya na ang trato namin sa kanya, ganun din siya sa amin.

" 'Musta School ‘nak?" Sabi nito, agad na uminit ang aking puso ng marinig ko ang tawag niya sa akin.

"Ang dami pong gawain," Pagrereklamo ko rito na agad niyang ikinatawa. Hindi ko na mapigilang magkwento sa kanya ng mga pinaggagawa ko kanina sa office na siyang ikinatawa niya.

Sa buong biyahe pauwi ay nag-usap lamang kaming dalawa ni Manong Lucho tungkol sa mga nangyari sa araw ko. It was comforting, knowing na may mapagkwekwentuhan ka about sa nangyari sa araw mo.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa bahay. Bumati muna ako kila Manang Flora (ang punong kasambahay rito sa bahay), at kay Lola, bago ako dumiretso sa aking kwarto. Inanyayahan pa ako ni Manang na kumain ng meryenda na siyang pinaunlakan ko. Kumuha na lamang ako ng sakto para sa akin at dinala ito papunta sa kwarto.

All with you ( With You Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon