抖阴社区

Chapter 6

1 0 0
                                    

Behind his back


Matalino akong tao, at aware ako roon. Matalino ako lalo na kung sa academics at performance sa school ang titingnan. Mula pagkabata hanggang sa elementary at sa mag-highschool na ako, palagi akong kabilang sa honors list. Palagi rin akong nasa top 1 at kahit kailanman ay hindi pa bumaba mula roon.

I could answer all the math problems that were given. I could write speeches, essays and poems easily and with the right choices of words and phrases.

Pero ngayon, dahil sa narinig kong sinabi niya, isang parirala lang talaga ang aking naisip.

Wow... what the actual fvck?

Never in my whole life I thought na makakatagpo ako ng isang bagay, pangyayari, o tao na kayang kunin ang salita ko. Kayang patigilin ang utak ko at gawing blanko ito. Wala akong ibang maisip o mahanap na sagot sa sinabi niya. Kahit nararamdaman ay hindi ko na rin alam.

Disappointed? Why? I didn't expect anything grand from him. Sad? Why would I be? Offended? Anger? What?

I don't know!

Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya. Lost in his words, and in my thoughts.

Why am I taking this as a big thing?

I don't know maybe because a lot of people don't see HUMSS as a strand that is also hard. They only see HUMSS as a strand that is as easy as eating a piece of cake since there is no math or whatsoever. Belittling the strand that focuses on social and political issues. And hearing it from someone who is also in the same strand. Wow just wow!

Wala ba talaga siyang pake sa mga bagay bagay?

I couldn't control myself. First time in a while, I lost control of myself. Hinayaan ko ang sarili kong makain ng negatibong emosyon.

I smiled, yet I didn't feel any sweetness. It felt pure uneasiness and bitterness. "Sige, pasa ko lang 'to," pagpapaalam ko rito. 'Di ko alam kung anong expression ang pinapakita ko, basta tumayo ako at iniwan siya roon.

Mabigat ang loob ko dahil sa pag-uusap naming iyon. Pero mas pinili kong ipagwalang bahala ito, bakit ko ba need isipin siya? Eh gusto niya yan eh. Sino ako para pakealaman siya?

Inaamin ko, kahit na wala akong ineexpect sa kanya, nakaka-disappoint pa rin iyong sinabi niya. Ang iba sa amin ay halos di na makatulog para lang maging mataas ang grade na makuha o makapasa. Ang iba sa amin ay naglalaan pa ng sobrang oras para lang matapos ang mga projects at assignments na binigay sa amin, tapos siya parang wala lang?

I don't see him as someone who is hard working, he's far from being one. Halos wala siyang pake sa studies niya, at hearing na minamaliit niya lang strand namin is something I find offensive.

Nakakainis, pero wala rin naman akong magagawa. Hindi ko naman makokontrol ang nasa utak niya. Marami rin akong ginagawa at iniisip para dumagdag pa siya.

"That's all, any question or suggestions para sa mga activities natin for next month?" Pagtatanong ko. Tapos na ang klase ko kaya napagpasyahan na naming magmeeting ng mga ka-members ko sa council para sa mga activities na gagawin namin next month.

Every month, may mga ginagawa kaming activities para sa mga student. And every second week before the last week of the month ay ang monthly meeting namin. Nag-rereport kami about sa mga progress na ginawa namin and para na rin sa mga activities.

Nang wala ng nagsalita pa ay tinapos ko na rin namin ang meeting. Nagpaalam na ang iilan samin samantalang ako naman ay naiwan para mag-ayos ng aking gamit. Sa maliit na office na meron kami ay ang lugar kung saan na rin kami nag-meeting. Masikip but hindi naman ganun ka-liit para mabother kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

? Huling update: Nov 19, 2023 ?

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

All with you ( With You Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon