Parang di naman
A week pass every since the canteen incident happened. Isang linggo na ang lumipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makakapag-pasalamat kay Kyle sa ginawa niya saakin. I don't know if it was me talking or my pride, but I really can't bring myself to present him my gratitude.
Ayaw ko pa naman ang magka-utang na loob. It feels like I signed my life into something that will backfire later on. And it's not like I don't want to do favors for other people, it's just that, some favors will bring more harm than good, and we can't do anything about it but to do what they want since we have signed our conscience to them.
So... I can't bring myself to present myself to him... so I let Ma'am Mary do it instead.
"Today, let's do some small activity. I want you to form a pair, and after that, copy and answer the worksheet!" Ma'am Mary said as soon as she entered the room.
Mabilis akong lumingon kila Denden at Chesca, na siyang ginawa rin nila. Sabay sabay kaming napanguso kasabay ng pagbagsak ng aming mga loob. Looks like I won't be able to pair up with my friends.
"Psst, Madam President!" Pagbulong sa akin ng masamang damo. Nilingon ko naman si Kyle na ngayon ay nakatukod ang siko sa kanyang lamesa habang nakapatong sa kanyang kamay ang kanyang baba.
Tinaasan ko naman ito ng kilay. "What?" Masungit na tanong ko. His smile grew bigger as he stared at me.
"Pair tayo!" Masayang sabi nito. Hindi ito tanong, hindi niya hinihingi ang aking consent o pagpayag na kami ang maging magkapartner.
"Ayoko nga," pagsusungit ko rito. Hindi ko mapigilang mapa-ikot ang aking mga mata. Rinig ko naman ang munting pagtawa nito. Muli akong bumalik sa pagsusulat.
"Bakit?" Natatawang sabi nito. Kumunot naman ang aking noo.
"What do you mean 'Bakit'?" Naguguluhang sabi ko. Hindi ko masyadong maintindihan ang ibig niyang sabihin.
"Bakit ayaw mo sa akin?" Automatikong tumigil sa paggalaw ng aking mga kamay sa pagsusulat. Nilingon ko ito upang makita ang kanyang expression.
Kalmado lamang ang kanyang mukha. Hindi ito galit o nababanas, sa halip ay kalmado ito habang may ngiti sa kanyang mga labi. Na tila kahit gaano katagal ko pa siyang sungitan ay ayos lang.
Bakit nga ba ako inis sa kanya? Naiinis ako kasi ang kulit niya akala mo hindi senior high school. Naiinis ako kasi ang tanda na pero bata pa rin kumilos. Naiinis ako kasi pabaya siya sa pag-aaral niya. Hindi siya marunong rumespeto sa mga tao. Naiinis ako sa presensya niya, sa lahat!
Naiinis ako kasi siya yan... di ko alam kung bakit pero ganun ang nararamdaman ko pagdating sa kanya.
Mabibigat ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Ang segundo ay parang naging minuto sa tagal ng paggana ng aking utak. Nagtaas ito ng kilay sa akin. Unti unting gumuhit sa kanyang labi ang mapaglaro na ngiti na siyang nagpalalim ng pagkunot ng aking noo.
Inirapan ko na lamang ito para kahit papaano ay mawala ang ilang na nararamdaman ko sa kanyang pagtitig. "Kasi ang kulit mo. Wala tayong matatapos na gawain dahil sa kakulitan mo," ang tanging na sabi ko. He chuckled as if he found my answer amusing instead of offending. May sapak talaga to sa ulo.
"Hindi ba pwedeng masayahin lang?" Mahinahong sagot nito na mababakasan ng pagkatuwa.
"And the difference?" Tinaasan ko naman ito ng kilay.
Nanlaki ang mata at mas lalo pang lumawak ang ngiti sa mga labi. "Hala, umi-english na ulit si Madam President!" Natatawang sabi nito na animo proud. Umikot naman ang aking mata. English lang yun, what's the big deal?

BINABASA MO ANG
All with you ( With You Series 1)
Teen FictionMirasol Grace G. Tolintino, a smart and responsible student leader who is also known for her beauty, calmness and grace. In every situation she is in, she always finds a way to find a solution. She always knows how to control her emotions. Always pu...