抖阴社区

Chapter 3

0 0 0
                                    

Pader

"Bakit na-fafall ka?" Pagbabato nito ng tanong na siyang ikinagulo ng sistema ko. Sa sobrang gulo nito ay halos walang pumasok sa isip ko habang nakatitig sa mukha niyang… hindi ko ma-describe pero enough na para maramdaman ko ang pagkulo ng aking dugo dahil sa nag-iinit ko na damdamin. 

Ramdam ko ang pag-akyat ng lahat ng dugo ko papunta sa ulo ko. Ang pagpigtas ng aking pasensya. Mabilis na nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito. Kasabay nito ang pagtayo ng aking balahibo at ang paglalim ng pagkunot ng aking noo.

"Siraulo ka ba?!" Inis na usal ko rito.

"Huy!" Agad na naagaw ng atensyon ko ang kaklase kong sumita sa akin. Duon ko lamang napagtanto na masyadong napalakas ang boses ko dahilan upang mapunta sa akin ang atensyon ng lahat. Pati na rin si Ma'am ay natigil sa pagsasalita at nilingon na rin ako.

"Yes, Miss Tolentino?" Pagtatanong nito sa akin. Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi at ang kagustuhang lumubog nalang o magtago. Agad akong nilamon ng kahihiyan ng mapagtanto kung ano ang nangyari.

Pinilit ko na lamang ang aking sarili na ngumiti. "W-wala po Ma'am, sorry po," paghihingi ko ng paumanhin. Tiningnan lang ako ni Ma'am ng ilang segundo bago muling bumalik sa pagtuturo. Rinig na rinig ko ang munting halakhak ng katabi ko.

"Apaka ingay mo Madam President," pangasar nito sa akin. Gamit ng matatalim na mata ay nilingon ko ito.

Gamit ng lahat ng cells sa katawan ko ay kinausap ko muli ito. "Siraulo ka ba?" Madiin at puno ng gigil ko itong tinanong. May pinagdadaanan ata 'to eh. 

Kaswal lamang ito na nagtaas ng kilay. "Nagtatanong lang," pagklaklaro nito na akala mo ordinaryong tanong lang yung sinabi niya kanina. Anong pagklaklaro? Hindi ba halata na ayaw ko sa kanya? Susungitan ko ba siya kung gusto ko siya? Siraulo talaga. 

"Mukha bang crush kita?" pilit na kinakalma ang sarili ng siya ay tanungin ko.

Makulit, palaging late, tulog 'pag nagkaklase, hindi marunong sumunod sa rules and regulations, palakol ang grades, at barkadista. Iilan lang yan sa mga dahilan kaya malabong magustuhan ko siya.

Kaya papaano pumasok sa utak nito na nafafall ako sa kanya?

Umayos ito ng pagkaka-upo. Humalukipkip ito at aktong nag-iisip.

"Hmm... Oo? Na hindi? Eh kasi sa akin ang sungit sungit mo pero pagdating kay Kian ang bait mo..." pagsasalita nito na para bang sarili niya lang ang nakakarinig. Ipinakita niya saakin ang dalawa niyang daliri bilang simbolo ng numerong 2.

"Dalawa lang yan..." Itinuro niya ang kanyang sarili habang diretsong nakatingin sa akin. His smirk grew wickedly while I remain confused and puzzled. "Ako yung crush mo kasi sakin ka lang nagsusungit..." Nanlaki naman ang mata ko roon, bago pa ako makasagot ay agad na niya akong tinuro at pinagpatuloy ang gustong sabihin. "O si Kian crush mo kasi sa kanya ka lang ngumingiti?"

Napanganga ako. Grabeng logic kahit si Einstein hindi alam kung saan niya nahugot yang katangahan na yan.

And I freaking mean it! Because I sit there for a whole freaking minute unable to comprehend or even give a feedback. Sa tuwing ibubuka ko labi ko, tila ba ninakawan ako ng boses dahil wala akong marebat.

At itong si Bwisit mas lalo pang ngumi-ngumiti kaya mas lalo pa akong nawawalan ng salita.

In the end, I just decided not to give him a response since it will surely give him satisfaction to see me lose my mind because of him. Bahala siya dyan mag-isip ng gusto niya isipin. I gave up since I'm tired of arguing. Kinuha ko na lamang ang notes ko at at tumayo. Lilipat nalang ako ng upuan, kunwari hindi ko makita.

All with you ( With You Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon