抖阴社区

Chapter 2: Fall

Magsimula sa umpisa
                                    

Naligo muna ako at nag-ayos bago ako kumain. Habang kumakain ay panandalian akong nagbukas ng social media. Nang matapos kumain ay napagpasyahan ko ng mag-aral.

As much as possible ay nag-aadvance study ako sa mga lesson. Paminsan kasi ay kinakain ng oras ko sa pagiging member ng student council ang oras ko sa mga class. Kaya may mga pagkakataon na excuse ako sa klase para sa organization namin, kapag nangyayari iyon ay muling natatambakan ako ng gawain.

Hindi ko na namalayan pa ang oras. Siguro sa dami ng aking inaaral ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Ginising na lamang ako ni Manang Flora na kakain na. Mabilis ko namang inayos ang sarili ko bago bumaba sa hapag kainan.

Pagdating ko roon, tanging si Lola lamang ang naroon.

"Maupo ka na Grace, at ng makakain na tayo," mahinahong sabi ni Lola. Agad ko naman ito ginantihan ng ngiti at sumama na rin sa pagkain.

Si Lola, Mama, Manang Flora, Manong Lucio, at ang 2 pa naming kasambahay ang kasama ko rito sa bahay. Ang Mama ko ay kaugali ko rin, workaholic. Paminsan ay hindi ko na ito nakakasabay sa pagkain, at ayos lang sa akin iyon. Naiintindihan ko si Mama, kaya kahit madalas na hindi kami magkasama kumain ay ayos lang.

'Pag wala si Mama, si Lola ang kasama ko. Masaya kasama si Lola, kalmado lamang ito at halos hindi makabasag pinggan. Mahilig din ito magkwento ng mga nangyari noong bata pa siya, at willing ako na pakinggan iyon. Lalo na tuwing nagkukwento siya ay naroon ang kakaibang liwanag sa kanyang mga ngiti at mata, lalo na sa tuwing nababanggit niya si Lolo. Matagal ng wala at sumakabilang buhay si Lolo, ngunit kahit na ganun ay buhay na buhay pa rin ang pagmamahal ni Lola para sa kanya. Isang uri ng pag-iibigan na mahirap nang mahanap. Kahit papaano, sa simpleng paraan ay bumabalik ito sa kanyang panahon at nakakasama muli si Lolo.

Matapos kumain ay sinamahan ko si Lola manood ng paborito niyang palabas sa telebisyon. Hindi ko ito maintindihan dahil hindi ko rin naman ito sinusubukan na intindihan. Para sa akin, pagsasayang lamang ng oras ang panonood, maliban din duon ay dahil na rin siguro sa hindi ako ganun kahilig manood. Nang matapos iyon ay umakyat na rin kami para matulog.

Kinabukasan, napaaga ang gising ko. Nadatnan ko na rin si Mama sa kwarto niya na mahimbing na natutulog.

Tila may humaplos sa aking puso ng makita kong mahimbing na natutulog si Mama. Sobra ata siyang napagod sa trabaho niya. Nilapitan ko ito at maingat na hinalikan sa kanyang noo. Gumalaw ito ng kaonti ngunit mahimbing ang pagkakatulog nito kaya kahit papaano ay hindi naman siya nagising.

Lulong sa trabaho si Mama. Mag-isa na lang kasi siyang nagtataguyod para sa aming dalawa. Siya na rin kasi ang humahawak sa business na dating hawak ni Lola at Lolo. Kaya as much as possible, ginagawa ko ang lahat para mag-excell sa acads, para kahit papaano ay makaganti naman ako sa mga bagay na ginawa ni Mama para sa akin.

Dahil maaga akong nagising ng araw na iyon ay naisipan ko nalang na ako na ang magluto ng almusal. Simpleng itlog, hotdog at bacon ang naisipan kong lutuin. Ako na rin nag-ayos ng baon ko.

Hindi nagtagal ay nagising na rin si Manang Flora. Nag Prisinta siya na siya na lang ang magluto pero nagmatigas ako. Kung kaya ko namang gawin, ba't ko iaasa sa iba?

Hinayaan na lamang ako ni Manang Flora. Nasanay na rin siguro siya dahil paminsan ay ako ang nagluluto ng almusal.

Nang matapos ay nagsimula na akong mag-ayos para pumasok.

***

"Goodmorning!" Pagbati ko sa mga tao na nasa hapag kainan. Lumawak ang aking ngiti ng makita kong gising na si Lola at pati na rin si Mama. Ngumiti naman sa akin si Mama ng magtama ang aming mga mata.

All with you ( With You Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon