"Good morning sweetie, salamat sa paggawa ng breakfast!" Pangbungad sa akin ng mama ko. Nilapitan ko naman ito at hinalikan sa kanyang pisngi.
"Anything for you Ma," pagsabi ko rito. Mama asked about school in which I gladly answered. Hindi nga lang nagtagal ang kwentuhan namin dahil need na ni Mama pumasok. Naiintindihan ko naman at nasanay na rin ako kaya ang maliit na pag-uusap na iyon ay sapat na para pasayahin ako sa buong umaga.
Noong umaga nga lang...
Tuesday morning, base sa schedule namin, 7:30 am ang pasok namin. Homeroom time na rin namin yun pero mostly wala ang adviser namin so vacant na din namin yun. Ang first subject naman namin ay nagsisimula tuwing 8:00 am, major subject din iyon kaya kung may pake ka sa grado mo ay hindi mo gugustuhing i-skip yun.
Pero sino nga ba niloloko ko? Mukha bang may pake 'to sa pag-aaral?
11:10 am ang klase ni Ma'am Mary saamin, sa oras na iyon din pumasok si Kyle.
Wow, hanga talaga ako sa lalaking 'to.
Hindi na nagulat si Ma'am Mary, pati na rin kami, sa biglaang pagpasok ni Kyle. Matagal na siyang ganyan. Palaging late, maliban pa roon ay naka improper uniform pa. Nakabukas ang polo nito at kitang kita ang black shirt niya sa ilalim. Magulo rin ang buhok nito na kulang nalang dapuan ng manok. Kahit na ganun ay nagagawa pa rin nitong tumawa na akala mo may nakakatawa sa mga pinaggagawa niya.
Napa-iling na lamang si Ma'am Mary kay Kyle, wala na siyang ibang nagawa kung hindi hingiin ang admission slip at letter niya kung bakit siya late. Samantalang automatic namang sumama ang mood ko nang makita ko siya. Grabe may talent din siyang wasakin mood ko kahit wala pa siyang ginagawa.
Akala ko magkakaroon ako ng tahimik na araw ngayong absent siya, tila nakalimutan ko rin na palaging late siya at may sarili siyang oras ng pagpasok.
"Late ka nanaman Mr. Ramos," kaswal na sabi na lamang ng teacher ko habang binabasa ang admission slip nito.
Ngumisi lamang si Kyle. "Sorry Ma'am na late ng gising..." pagdadahilan nito.
"Utot! Nambabae lang yan Ma'am eh!" Pangangasar ng isa sa mga kaibigan niya. Nanlaki naman ang mata nito at mukhang na eskandalo.
Dahil magkalapit lamang si Ma'am Mery at si Kyle, gamit ng isang kamay ay nagtaas ng gitnang daliri si Kyle sa likod ni Ma'am Mery at natatawang tingnan ang kaibigan.
"Ma'am si Kyle nagmumura," agad naman niya itong binaba ang kamay at inosenteng tumingin kay Ma'am Mary. Tingnan naman siya ni Ma'am Mery ng matang nagdududa.
"Ma'am hindi, mema lang yan si Drew!" Pagtatanggol nito. Pabirong sinabunutan ni Ma’am Mary si Kyle na siyang ikinareklamo niya.
"Ikaw bata ka talaga, umupo ka na roon!" Pagsaway nito. Walang nagawa si Kyle kung hindi pumunta sa upuan niya, which is sa tabi ko, habang tumatawa. Mas lalo lang bumigat at sumama ang aking mood ng magtama ang mata namin.
"Oh, ito na naman si Idol!" Natatawang sabi niya habang umuupo. Gamit ng matalas na mata ay nilingon ko ito.
"Will you stop calling me that?" kalmado ngunit banas kong sabi. He does a great job ruining my day and getting into my nerves.
Nagtaas naman ito ng kilay sa akin."Oh ano gusto mo? Pre? Tol?" Kaswal na sabi nito, mukha itong babaeng nagtataray.
Pre? Tol? Do I look like someone he can call with those names? Inirapan ko na lamang ito at binigyan pansin si Ma'am. Nagsisimula na itong magsulat ng lesson sa board.
Narinig ko ang munting tawa nito sa aking gilid. "Ito naman si Pre ang sungit," manghang sabi nito.
I took a deep breath.
Mabilis ko itong nilingon, kalmado ko itong sinagot. "Grace, call me Grace," I told him as calmly as I could. I thought that he would stop but his smile grew wickedly.
"Sige Pareng Grace," sabi nito. Inirapan ko na lamang. Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa harap ng board, kung nasaan ang discussion.
Kita ko sa gilid ng mata ko ang paglagay ni Kyle ng kanyang braso sa desk niya at ang pagpatong niya roon ng kanyang ulo. Laking pasasalamat ko dahil mukhang matutulog na ito. Mas gugustuhin ko pang matulog 'to kaysa sa guluhin ako.
Pero nagkakamali ako, lahat ata ng hinala ko sa lalaking 'to mali eh.
Akala ko ay pababayaan na niya ako pero hindi, sa halip ay tinitigan ako nito. Ang uri ng titig na mabigat, na tila binabasa ka. Inaalam ang nasa loob ng iyong utak. Ang uri ng titig na ikinukulong ka.
At ayoko nun.
Sa muling pagkakataon ay nilingon ko ito at tinaasan ng kilay. "What? May sasabihin ka ba?"
His smile grew... softer as he spoke. "Masungit ka ba talaga o sakin ka lang masungit?" Ang boses nito ay kalmado, walang halong pangangasar at purong pagtataka.
"Makulit ka ba talaga o sadyang sakin lang?" Pagbabato ko ng tanong pabalik. Natawa naman ito sa sinabi ko.
"Bakit na-fafall ka?"

BINABASA MO ANG
All with you ( With You Series 1)
Teen FictionMirasol Grace G. Tolintino, a smart and responsible student leader who is also known for her beauty, calmness and grace. In every situation she is in, she always finds a way to find a solution. She always knows how to control her emotions. Always pu...
Chapter 2: Fall
Magsimula sa umpisa