At dahil bakante na lahat ng upuan sa harapan, nagdecide nalang ako na umupo sa sahig sa tabi ni Chesca. Nagulat pa ito sa biglaang pagsulpot ko sa gilid niya. Nginitian ko naman ito.
"Oh, ba't ka andito?" Takang tanong nito.
"Hindi ko kinakaya katabi ko," sagot ko rito habang nakatutok ang mata sa pisara. Nilingon naman ni Chesca si Kyle.
"Nag-away kayo?" Takang tanong ni Chesca.
"Nangangasar," maikli ngunit inis na sabi ko rito. Natawa naman si Chesca dahil sa sinabi ko.
"Hehe, eh pikon ka rin kasi Grace kaya masarap ka asarin," I raised my brow to her.
"We're not friends, kaya wala siyang karapatan makapag biruan sa akin," I said. Napa tahimik naman si Chesca roon. Akala ko ay ititigil na niya ang usapan hanggang sa muli itong nagsalita.
"Ayaw mo kilalanin?" Mabilis ko itong nilingon kasabay ng pagkalukot ng aking noo. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kilabot dahil sa sinuggest niya.
"Seriously?" I said as if it was the most unacceptable thing I have heard. She just shrugged. Mas lalo pang nalukot ang mukha ko. Ano ba pumasok sa isip ng babaeng 'to at napicture out niya na maging magkaibigan kami nung tao na yun?
"Mabait naman kasi si Kyle eh," oh that statement again! Ano, sa akin lang siya ganun? Wow, I feel so blessed!
"Maybe for you but not for me. I just really can’t see the kindness in him that y’all are pointing out, " sagot ko. I couldn’t help it but to think she’s just bias. Since sa aming tatlo, si Chesca ang pinaka soft hearted. Ayaw niya manghusga ng tao kahit kahusga husga naman na. Naniniwala siya na lahat ng ginagawa ng tao, masama man o mabuti, ay merong dahilan, kaya mas mabuting intindihin na lang ito. Inshort, madali siyang mauto at mabilog.
"Uyy, hindi ah! Mabait talaga yan si Kyle. Makulit lang saka... oo, hindi siya ganun ka-mabuting estudyante, pero hindi siya gaya nung iba na nakikipag-away o mayabang. Friendly nga siya sa lahat eh saka magaan kausap. May something sa kanya na hindi mo ma-pinpoint pero alam mo yun? Alam mong hindi siya masamang tao." Pagtatanggol nito. Anong magaan kausap eh halos sama ng loob nga lang nakukuha ko tuwing kausap ko yung tao na yun.
"Crush mo?" Pangangasar ko rito. Unti-unting iniiba ang usapan dahil kinikilabutan na ako sa sinasabi ni Chesca. Nanlaki naman mata nito.
"Hindi, ayoko lang na pangit image mo sa tao na alam ko namang mabait," pagtatanggol nito. Napangiti naman ako roon. My beloved Chesca, being nice again.
"You're way too nice Chesca. Mag-inggat ka, you might protecting the wrong person tapos in the end ikaw lang din masasaktan," pag-iiwan ko ng payo rito. Which is true, hindi lahat ng tayo ay deserve ng kabutihan. Kadalasan, kabutihan na nga ibinibigay mo, hinanakit naman ang ibabalik sayo. And Chesca don't deserve that, no one with a kind heart deserve that.
"Hindi 'to pwede! May chismisang nangyayari tapos wala ako," ramdam ko ang pagtalon ng puso ko ng makarinig ako ng boses galing sa aking likuran. Paglingon ko ay pati na rin si Denden ay nasa sahig na rin. May hawak na notebook, eh hindi naman siya nag nonotes. Hindi namin mapigilang matawa ni Chesca.
"Pst, ano yung kanina ha? Ba't bigla kang sumigaw?" Pagtatanong ni Denden. Tinawanan ko naman ito.
"Wala! Andito ka di ba para magnotes?" Pagbibiro ko rito. Inirapan naman niya ako kaya hindi ko mapigilang matawa. "Magsulat ka na!" Pag-uutos ko rito bago ito talikuran at magsimulang mag-focus sa discussion, mapapahaba na ang usapan dahil nandito si Denden.
"Tsk." Narinig ko ang pagmamaktol ni Denden. Ginulo at pinilit pa niya ako magkwento pero mas pinili ko mag-focus sa klase. Nang mapagtanto na wala siyang makukuha sa akin ay lumipat siya kay Chesca, kaso mukha si Chesca ay gusto na ring magseryoso dahil nagsusulat na rin ito.

BINABASA MO ANG
All with you ( With You Series 1)
Teen FictionMirasol Grace G. Tolintino, a smart and responsible student leader who is also known for her beauty, calmness and grace. In every situation she is in, she always finds a way to find a solution. She always knows how to control her emotions. Always pu...
Chapter 3
Magsimula sa umpisa