抖阴社区

Chapter 5

4 1 0
                                    

Alan Kirby Cera POV

Nang bumukas ang Elevator ay ako ang pinauna ni Sem na pumasok tapos pumwesto sya sa likod ko, Pinindot ko ang Floor ng Condo ko.

" Bagong Gawa lang ito diba? " Sem.

" Yup " Sagot ko dito.

" Mas marami siguro ang mga estudyanteng nag dorm dito " Sem.

" May kamahalan pero maganda naman " Sagot ko, Nilabas ko ang Cellphone ko para magpicture ulit kaming dalawa, After kong makakuha ng dalawa kami ay napalingon ako sa salamin kaya humarap ako duon tsaka nagpicture ng nakatalikod si Sem, May Times pa na Nag saside view siya para silipin ako, Pero ang mas nagpagulat sa akin ay ang bigla nyang pag yakap mula sa likod ko.

Alam na alam ang Assignment.

Pagdating sa Palapag ng Condo ko ay lumabas na kami, Pagdating namin sa Dulo ng Hallway ay nilabas ko ang Susi ko para buksan ang pintuan ko, Binuksan ko ang Ilaw ng Sala tsaka nagtanggal ng Sapatos para makapagsuot ng slippers, Nagtanggal din naman si Sem ng Sapatos at aapak sana siya sa Tiles ko ng pigilan ko siya.

" Teka lang, Malamig yung sahig may tatlo pa naman akong extra slippers dito, ipagamit ko sayo yung isa " Sabi ko dito at binuksan ang Cabinet na pinaglalagyan ko ng tsinelas ko, Itim ang Inabot ko sa kanya.

" Sabi mo mag isa ka lang?? Bakit may Ibang tsinelas dito? " Sem.

" Mag isa lang ako, Tsaka iyang Slippers binili ko talaga para may Extra ako, Minsan kasi napunta yung mga kaibigan ko, Kuya ko or kapag Nasira yung isa May magagamit pa ako " Paliwanag ko.

" Ahh, Then who's Your Friend?? " Sabi nito ng tuluyan na siyang makabasok sa Condo ko.

" Magpahinga ka na muna dyan " Sabi ko dito, " Mag Cocoffee ka diba? Anong Gusto mong timpla sa kape mo Barako o instant nalang? " Tanong ko kay Sem na umupo sa Sofa ko.

" Instead of drinking coffee, Wala ka bang beer dyan? " Sem.

" Ha?? Ahhm, Meron naman pero Coffee ang inalok ko sayo " Ako.

" I don't think I want to drink  coffee for now " Sem.

" Mag bebeer ka, Diba Uuwi ka pa ng QC? " Tanong ko dito.

" Oo, Pero Isang Can lang naman, Meron ka ba dyan? If Wala naman, Walang problema " Sem, Sabay lingon sa balcony ng Condo ko, Studio type lang naman ito, Lumapit ako sa Ref at Nakita ang Limang Can beer sa Gilid nito.

" Red Horse? " tanong ko kay Sem, Agad naman siyang lumingon sa akin pabalik, Kinuha ko ang Dalawa para tag isa kami, Inangat ko ito.

" Magluluto ako ng French Fries " sabi ko dito, Inopen ko yung stove ko para mag prito ng French Fries, Lumapit naman si Sem para Kunin yung isa, Binuksan nya ang can beer pareho kaya napatingin ako ng iabot nya sa akin ang Isa sabay sandal sa Lababo ko.

" Upo ka muna " Sabi ko dito, Habang inaantay lumutong ang Fries nagkatinginan kami ng uminom siya sa Beer nya.

" I Preferred standing beside you " Sem.

" Ikaw bahala, Baka mapagod ka " Sabi ko dito at hinalo ang Fries.

" Mas Gusto ko nga yung pinapagod ako eh " Nangunot ang noo ko sa May Kahulugan na sabi ni Sem at nang makita nya ang reaksyon ko ay tumawa siya.

Happy pill yarn??

" Sanay akong mapagod, Actually exercise na din sa akin yung tayo ng tayo lang " Palusot ni Sem kaya tumango ako ay hinango ang First batch ng fries na naluto ko, Uminom ako sa Beer ko sabay kain ng pulutan, itinukod ko ang Dalawang palad ko sa Tiles ng counter ko habang pinagmamasdan kumulo ang mantika ng Fries ko.

D'Application [BL] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon