Alan Kirby Cera POV
Halos mabaliw na ako kakatanong sa mga estudyanteng pinagtatanungan ko kung mayroon ba silang napulot na Iphone Sa hallway kaya lang wala daw, Yung lost&Found naman ay sarado pa, Sana naman may makapagbalik nuon.
" Alan, Kailangan na nating bumalik " Nelsa, Napadaan kami sa Court.
" Sandali, Mauna na kayo magtatanong lang ako dito sa Court " Sabi ko dito at tinanggal ang kamay nya na nakahawak sa akin.
" Balikan nalang natin sa Lost&Found baka may magbalik " Marlie.
" Mabilis lang ako " Sabi ko dito at tinakbo na ang Loob ng court, May iilan na naglalaro duon kaya nilakasan ko na ang loob kong magtanong tanong pero lahat sila wala daw nakitang cellphone na nahulog, Nilibot ko ng tingin ang buong audience bench at napatigil ako ng makita ko si Benjo.
Baka naman may nakita siya, Sana.
Paglapit ko ay nakita ko kaagad ang phone case ko kaya nanlaki ang mata ko ng makitang nagtatype duon si Benjo, Nabuksan nya!!!
Agad ko itong hinablot mula sa kanya, Kaya napatayo siya at halata sa reaksyon nya na hindi na nya ako makikita simula ngayon.
" A-Ahh, I was about to Give it back to you, Alan " Sabi nito.
" Pinakialaman mo? " Nakataas ang kilay kong tanong dito, Tinignan ko ang Cellphone ko at nakita ko ang kakaChat nya lang kay Sem.
" You even said you are boyfriend?? God, Benjo!! " Gigil kong sabi dito, Sinubukan kong tawagan si Sem pero Hindi na siya nasagot, Tinignan ko ng masama si Benjo.
" Hindi ka pa ba kuntento sa kalokohan mo?? Pati cellphone ko papakialaman mo? " Inis kong tanong dito, Magsasalita na sana siya kaya lang biglang tumunog ang bell na hudyat na oras na ng unang klase.
Tinignan ko siya ng masama bago maglakad palayo sa kanya, He even tried to stop me by calling my name but I didn't bothered to look back at him, Tapos na akong magpauto sa kanya.
Nang Mag uwian ay nagyaya si Nelsa kumain sa SM, Dahil wala naman akong gagawin sa bahay ay sumama na ako, Kaysa magmukmok ako kakaintay sa text ni Sem.
Speaking of Sem, Pinagmasdan ko ang picture namin ng magkasama sa Nuvali, Nagalit kaya siya dahil sa chinat ni Benjo? Magpapaliwanag naman ako na hindi ko Boyfriend yug kausap nya, Sumubo ako ng Burger habang nag iintay pa din na mag online si Sem.
" Huy, Nakikinig ka ba Alan? " Tapik ni Marlie sa Kamay ko na nakapatong sa lamesa, Agad kong ibinaba ang cellphone ko para makausap ko silang mag jowa.
" Busyng busy sa kachat, ah?? " Sita ni Nelsa sa akin, Pinatay ko ang Cellphone ko para hindi na nila ito makita.
" Pero infairness, Bhe Ang gwapo tsaka mukhang laking manila talaga " Puri ni Marlie dahil nakita na nya ito sa picture kaninang lunch.
Tinanong nila kung paano ko nahanap, Gumawa nalang ako ng palusot para mapaniwala sila dahil ayoko ng dagdagan pa yung kasalanan ni Benjo, 'wag nalang sana nyang ulitin gumawa ng ikakagalit ko.
" Alam mo, Wala naman nagtatagal sa mga nagkakakilala dyan sa Dating App na yan, Pakikiligin ka lang at dahil Malayo naman kayo sa isa't isa malamang may ibang kameet up na yan or worst!! May Kahook up na palang iba " Pagpapa Overthink sa akin ni Nelsa.
" Ouchie, Love ha!! Madami din akong nakilala sa Dating app bago maging tayo " Pagtatanggol ni Marlie sa mga nagamit ng Dating App, Alam ko naman yun Wala talagang nagtatagal sa mga nagkakakilala sa Online, But what can I do?? Sem looks so different, Kumportable ako sa kanya at sa tingin ko hindi lang naman kahapon yung huli naming meet up.

BINABASA MO ANG
D'Application [BL]
ChickLitAlan Kirby Cera is a Nursing Student in Cavite, He's one of the Charming Bisexual you'll ever known, Masyado siyang tago sa kasarian nya pagdating sa ibang tao, Never had a Chance to date a Guy, Dahil sa pagiging busy sa kanyang Kurso. He Install 5...