抖阴社区

Chapter 8

2 0 0
                                    

Alan Kirby Cera POV

Nagsuot ng gloves si Benjo, Kaya itinaas ko na ang manggas ng uniform ko para magkaron siya ng access sa Braso ko, Pinisil nya ito kaya niligon ko siya ng may masamang tingin.

" Sorry, Masakit ba?! " Paghingi nito ng tawad sa ginawa, Tsaka kumuha nalang ng karayom.

" Wala ng mas sasakit pa sa pagtatraydor ng isa dyan " Pagpaparinig ko sa kanya, Kaya napatigil siya sa ginagawa, Nilingon ko siya dahil para siyang naistatwa lang sa gedli, Agad din naalis ang tingin ko sa kanya ng lumapit ang prof namin para gabayan siya sa pagtuturok sa akin.

" Hingang malalim, Cera Then itusok mo na Mr.Barangan " Sabi ni sir.

" Ang alin, sir?? " Nalilitong sabi ni Benjo kay Sir.

" Yang karayom na hawak mo, Ano pa bang ituturok mo sa pasyente mo? " Paliwanag ni Sir kaya napatingin duon si Benjo sabay tingin din sa akin, Napailing ako sa naging resulta ng kalokohan nya, " Magfocus ka sa pasyente mo, Mr.Barangan kailangan kumportable siya kapag itinusok mo na "

" Ang Alin, sir? " Benjo.

" Yang Karayom? Ano ka ba naman, Barangan? " Inis na sabi ni Sir, Kaya napakamot na din ako sa braso ko, Medyo naiipit na kasi yung kilikili ko.

" Pwede bang itusok mo na? " Sabi ko kay Benjo.

" Ang Alin? " Tanong nito.

" Yang Karayom, Masakit na braso ko " sabi ko dito.

" Ay, Sorry, Sorry, Sorry po sir " Benjo.

" Anong sorry sorry? hindi pwedeng ganyan, Barangan kailangan kapag nasa Actual ka na, You have to focus on your patient hindi yung uulaga ulaga ka, Tandaan mo buhay ng tao ang hawak mo, Hindi pwedeng papetiks petiks ka lang sa trabaho dahil bawat buhay ay mahalaga, Kesyo masamang tao pa yan, Ang buhay ay buhay hindi tayo ang magdidikta ng kamatayan nila, Tutulungan lang natin silang mapahaba pa ang mga buhay nila, Understand, Mr.Barangan? " Pangaral ni Sir kay Benjo.

" Opo, Sir " Benjo, Mabuti nalang at maayos nyang nagawa ang pagtusok ng karayom sa braso ko, Naku!! Naku, Benjo!! Mamaminus ka talaga sa langit.

After ng turukan session ay naglunch na kami ng dalawa kong kaibigan, Ako na ang umorder ng para sa kanila, Kaya lang sa pila ay siningitan ako ng mga tropa ni Benjo, Kung sinuswerte ka nga naman oh!!

" Huy, May nakapila hindi nyo ba kita " Reklamo ng nasa unahan ko.

" Sorry, Akala ko si Kokey " Nang aasar na sabi nung isa.

" Oorder ba kayo? " Tanong ng tindera sa canteen.

" Kita nyong pila sisingit singit kayo " Pagrereklamo pa din nung nasa unahan ko, Tama!! Mga Mukhang singit!! Itong mga sumingit ay mukhang mga pasyente na.

After silang mabigyan ng pagkain ng tindera ay umoder na din ako, Dalawang tray yung kailangan kong bitbitin, Dahil nga tatlo ang inorder ko na pagkain, Pagkakuha ko ng isang tray ay may kumuha din ng isa pang tray na nilalagyan ng order ko, Pagtingin ko sa tumulong sa akin ay si Benjo pala, Kumunot ang noo ko.

" Tulungan na kita " Sabi nito ng nakangiti.

" Whatever " Sabi ko nalang dito at umalis na sa harap nya, Kahit hindi ko siya lingunin ay alam kong nakasunod sya sakin, Nilapag ko ang tray sa mga naglalandian kong kaibigan at nang mapalingon sila sa amin ay sumama agad ang tingin nila sa naglapag ng isa pang tray.

" At bakit nagsama ka ng makapal ang mukha, Alan? " Sita ni Marlie.

" Tinulungan lang ako " Sabi ko dito, wala akong balak ipagtanggol ang isang ito sa kaibigan ko pero parang iyon ang lumabas sa kanila.

D'Application [BL] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon