Alan Kirby Cera POV
Sinunod ko ang payo sa akin ni Sem, Pumikit ako para makapagpahinga, Pero nang mahimbing na ang tulog ko ay sunod sunod naman ang pag ubo ko kaya nawala na yung antok ko, Agad pumasok si Sem para tabihan ako sa kama.
" Nilalagnat ka na tuloy " Sabi ni Sem, Nilabas nito ang Cellphone nya.
" Sorry, Nagkasakit pa ako, Baka mahawaan pa kita ng lagnat " Sabi ko dito habang pinipigilan ang maubo.
" Wala yun, Sandali pupunasan kita ng maligamgam " Sabi nito kaya tumango ako, Umupo ako ng dahan dahan sa kama ko tsaka hinipo ang noo ko, Lagot ako kay Mom kapag nalaman nyang nagkasakit ako.
Bumalik si Sem na mag dalang tela na basa, Napapikit ako ng maramdaman ko yung lamig na sinamahan ng mainit, Sinandal ni Sem ang ulo ko sa balikat nya para mas maging kumportable ako.
" Pagtapos natin kumain, Iinom ka ng gamot " Sabi nito, Tumango ako at hindi na nagsalita, Nang masiguro nyang okay ako ay lumabas ulit sya ng kwarto para kumuha ng pagkain namin, Dinala nya ang Lamesa na maliit para dito kami makakain sa loob ng kwarto, Napangiti ako.
Feeling ko tuloy may Boyfriend ako.
Hindi naman bawal maging feelingera diba??
Sinusubuan muna ako ni Sem bago siya kakain ng sarili nya, Chinecheck din nya ang noo ko kung mainit pa, Hindi naman agad agad bababa yung Init ng katawan, After naming kumain ng sabay ay niligpit na nya ang pinagkainan namin tsaka ako pinainom ng gamot.
" May Cool fever ako sa Ref, Sem " Sabi ko dito.
" Sige, Kukunin ko lang " Sabi nito tsaka lumabas ulit ng kwarto, Parang imbis na mag enjoy kami ngayong weekend na magkasama ay mauudlot pa dahil sa pagkakasakit ko.
Bumalik si Sem na tinatanggal ang dikit ng cool fever tsaka siya tumabi sa akin, Para hawiin yung buhok na tumatabing sa noo ko, Nagkatinginan kami matapos nyang mailagay ng ayos ito sa noo ko, Hinawakan nya ang kamay ko na nasa kama.
" Pagaling ka " Sabi nito, Ngumiti ako.
" Sorry " Sabi ko dito, Agad nya akong kinabig ng marahan bago ako halikan sa noo sunod sa ilong at huli sa labi.
" Nursing student pero hindi naaalagaan ang sarili, Mabuti at nandito ako ngayon, May Mag aalaga sayo " Sabi nito, Agad akong yumakap sa kanya ng nakapikit, Ang sarap pala sa feeling na may nag aalaga sayo bukod sa magulang ko, sinarado nya ang pinto ng kwarto tsaka humiga na sa tabi ko.
" Baka mahawaan kita ng lagnat " Nag aalala kong sabi dito, Tsaka bahagyang lumayo sa kanya.
" Hindi yan, Lika na dito " Sem, Kaya lumapit ako tsaka niyakap nya ako ulit, Ipinikit ko ang mga mata ko habang pinapat ni Sem ang likod ko, Tsaka mahina ang boses na kinakantahan ako ng Lullaby.
" You really have a nice voice, Ha? " Puri ko dito habang nakapikit sa bisig nya.
" Don't judge me " Natatawa nitong sabi.
" I'm not, Ang lamig nga ng boses mo " Sabi ko dito, Kaya napatakip sya ng mata gamit ang palad nya.
" Bakit? Seryoso nga ako, Ang lamig ng boses mo " Sabi ko dito, Dahil mukhang hindi sya sanay sa mga compliments ng ibang tao.
" Don't say that while looking at me, Baka hindi kita patulugin ngayong gabi " Sabi nito, Natawa naman ako at tumahimik nalang, Baka magkasakit pa ako lalo kapag hindi pa ako nagpahinga.
Ipinikit ko na ang mga mata ko habang si Sem naman ay pinagpatuloy ang pagsuklay sa buhok ko tsaka paghum ng paborito nyang mga kanta, Yung iba hindi ko alam, Yung iba naman alam ko.

BINABASA MO ANG
D'Application [BL]
ChickLitAlan Kirby Cera is a Nursing Student in Cavite, He's one of the Charming Bisexual you'll ever known, Masyado siyang tago sa kasarian nya pagdating sa ibang tao, Never had a Chance to date a Guy, Dahil sa pagiging busy sa kanyang Kurso. He Install 5...