抖阴社区

                                    

" Oh, Nasaan na ba ang mga nakilala mo sa Dating App? Diba wala na! Sino yung nandito? Hindi tayo nagkakilala sa Dating App, Love " Nelsa, Sabay Irap sa Girlfriend, Agad syang nakatikim sa kamay ng hampas ng isang api, Kaya natawa ako, Ayan magsisimula na naman ang pag aaway nila.

" Aray ko, Love Hindi kaya masakit " Sarkastikong sabi ni Nelsa sa Girlfriend nya.

" Hindi pala masakit, Gusto mo ng isa pa? " Pagbabanta ni Marlie, Agad umilag si Nelsa, Habang ako ito nakangiti na naman sa Relasyon ng Dalawa kong kaibigan, Ang Saya naman talagang makita ang mga ganitong relasyon.

Hindi naman masakit, Sige! Oo, Saktan nyo pa ako.

Inubos muna namin ang mga pagkain namin bago maglibot libot dito sa Department store at dahil may nagustuhan akong bagong sapatos ay binili ko na ito agad, Kaysa makuha pa ng iba.

" Naks, Ang ganda nya Bhe " Puri ni Marlie sa Binili ko.

" True, Nakikita ko na din ito sa Shopee at buti nalang meron dito sa SM " Sabi ko dito, Habang bitbit bitbit ang Paper bag na nilalagyan ng box ng sapatos ko.

" Sus, Siguro susuotin mo yan kapag nag kita ulit kayo " Mapaghinalang sabi ni Marlie kaya natawa ako.

" Baliw, Pero pwede din hahaha " Sabi ko dito, Sabay kaming tumawa habang si Nelsa ay nakikinig lang, Minsan din talaga ang moody ng girlfriend ni Marlie, But I love her.

Sa aming tatlo siya ang pinaka matured, Siya ang mahilig magbigay ng Advices, Kahit sa anong bagay pa, Sa love, Sa Family sa lahat kaya proud ako na may kaibigan akong katulad nila.

Pag uwi ko sa bahay ay Chinarge ko muna ang Cellphone ko, Bago naglinis ng paligid ko, I even watered my Baby plants sa Balcony ko, After ko mag linis ay Nagtimpla ako ng Coffee ko, Kinuha ko ang Bag ko para sa Balcony ako mag aral, Mas nakakarefresh kasi ng utak kapag nasa Open area ka.

Siguro sa Weekend bibisita ako sa bahay, Baka nagtatampo na ang Nanay ko dahil hindi ako masyadong nauwi dahil na din sa pag aaral, Lalo na at malapit na kaming bumisita sa iba't ibang Hospitals dito.

After an Hour of Studying sumandal ako sa upuan para magmuni muni, Agad din akong napalingon sa Loob ng condo ko ng tumunog ang cellphone ko, Tamad akong tumayo para tanggalin ito sa pagkaka Charge, Bumukas ang Screen tsaka lumitaw ang pangalan ni Sem.

Nanlaki ang mata ko ng magcall ended na ito, Shot!!! Hindi ko nasagot, I waited for him to call me back again pero wala ng lumabas na Sem sa Screen kaya nagchat nalang ako to see if he'll chat me back, Pero wala din, Nanghihinayang kong binaba ang cellphone sa lamesa, Hanggang sa hindi na muling umilaw ang cellphone ko, Haystt!!

Lunes na naman at nagtext ang Mom ko na baka kung pwede daw ay sa bahay naman daw muna ako matulog mamayang gabi, Kaya yung yaya sa akin ng magjowa kong bestfriend ay hindi natuloy, Balak na naman nilang mag Ikot sa SM.

" Hi, Ma " Bati ko kay Mom ng maabutan ko itong nagluluto sa kitchen namin.

" Anak, Jusko!! Namiss kita kung hindi pa talaga kita tinext wala ka talagang balak umuwi dito " Mama, Hinimas nito ang buhok ko kaya agad ko siyang niyakap para hindi na siya namermon, Nagmano din ako sa kanya, Napangiti ako ng makita ko ang Papa ko na kakalabas lang ng storage room namin.

" Oh! Nandito ka na, Alan?? " Bungad nito, Nagmano muna ako sa kanya bago yumakap.

" Opo, Kamusta ka pa?? Okay naman ba pakiramdam mo? " Tanong ko dito.

" Ito, Lumalakas lakas na din, mabuti nga at naaasikaso ako ng kuya mo, Kaya magtapos ka na kaagad para dalawa na kayong doctor ko " Papa, Ngumiti ako.

D'Application [BL] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon