抖阴社区

                                    

"Sungit..." natatawang sabi nito.

"Tsk," pagsusuplada ko rito. Kabanas kausap. Humarap nalang ako muli sa board.

"Hmm... Di ko rin alam pinagkaiba, baka nga masyado akong makulit pagdating sayo. Baka nga masyado akong masayahin pagdating sayo..." nilingon ko ulit ito. Hindi na ito muling tumatawa, sa halip ay kalmado na ulit ito habang nagsasalita. Ang mga mata niya ay muling bumigat, mas mabigat pa kung ikukumpara ito sa kanina. Confident akong tao, pero sa kanyang mga tingin ay parang nawawala ito.

"Baka nga matigas ulo ko at lagi ko ginugulo iyo... pero isa lang alam ko," seryosong sabi nito. Hindi ko rin mapigilang kabahan at magtaka kung ano ang nais niya sabihin.

"Ano?" Matigas na bigkas ko.

Muling bumalik ang kanyang nakakalokong ngiti. Gumulo ang aking sistema ng mapansin ang pag-iiba ng expression at mood niya.

"Na wala ka nang ibang pwedeng makapares kung hindi ako," proud na sabi nito. Agad na nagsalubong ang aking kilay. Agad kong inilibot ang tingin sa aking paligid at duon ko napansin na lahat nga sila ay busy sa pagsagot kasama ang mga pair nila.

Mabilis kong inangat ang aking kamay upang mapansin ni Ma'am Mary. "Ma'am! Wala pa po akong ka-pair," pagrereklamo ko rito. Nakaupo na ngayon si Ma'am Mary, inangat niya ang aking tingin at inilibot sa kanyang paligid.

"Sinong maaaring maka-pair ni Ms Tolentino?" Pagtatanong ni Ma'am Mary. Kita ko sa gilid ng aking mata ang pagtaas ng kamay ng hinayupak sa aking gilid.

"Ako po Ma'am!" Malakas na pagkakasabi nito. Marahas kong nilingon ito habang nakakunot ang noo, ngunit proud lamang akong nginitian ni Kyle na animo nagyayabang dahil nasunod sa kagustuhan niya ang nangyari.

I freaking hate his guts!

"Oh, then Ms. Tolentino, you can pair with Mr. Ramos," sabi ni Ma'am Mary na siyang nakapagpahina sa akin.

"Gawa na tayo partner!" Masayang sabi ni Kyle. Marahas ko itong tiningnan at sinaksak gamit ng matutulis na tingin.

"Bwisit ka!" Inis na bulong ko rito. Lumawak lamang ang ngiti niya.

"Cute mo," natatawang sabi nito na siyang nakapagpatigil sa akin. Binaliwala ko na lamang ito at sinagot ito ng irap.

"Magsagot na tayo." masungit na sabi ko rito.

"Okay po Ma'am!" Masayang sabi nito.

Sinagutan na namin ang activity na binigay sa amin. Pair activity siya na kung saan kailangan both person's ay kumilos at sumagot.

Akala ko ay mahihirapan ako sa pagsagot lalo na at ka-pair ko si Kyle. Hindi sa panghahamak o ano, pero kadalasan kasi nakakadagdag hirap sa gawain ang ka-partner mo instead of makatulong. Paminsan kasi 'di nila alam ang mga simple definition and such, kung saan need pa i-explain sakanila. In the end, idea mo lang din ang gagamitin at kumain pa ito ng oras.

Ayos lang naman sa akin naturuan, tulungan, at bigyan sila ng idea, pero kasi kung ang tao ay walang sariling opinyon o pananaw sa mga bagay at tanging tumatanggap ng kaalaman sa iba ng hindi man lang inaaral ang impormasyon na iyon, they will just follow it blindly. They won't check whether you are right or wrong, basta ang thinking nila na dahil matalino ka, ikaw na palaging tama; Which is not true.

At isa yun sa napapansin kong mali sa panahon ngayon.

Makulit si Kyle, palagi rin siyang tulog kapag may klase at hindi rin siya pasok sa honor list. Kahit na ganun, alam niya ang basic structure ng sentence, grammar at punctuation. Kahit na ganun ay wala siyang gaanong idea. Nakakaisip naman siya kahit papaano ng ideya na may substance which is good.

All with you ( With You Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon