Tatlo na lamang kaming naiwan, ako na nag-aayos ng gamit, si Cindy ang council secretary na siyang nag-reretouch, at si Marc... na nakatayo malapit sa table ko.
Inangat ko ang aking tingin para salubungin si Marc na nakatayo malapit sa table ko. Nakatingin lamang ito saakin habang nakasukbit sa kanyang balikat ang kanyang bag. Ngumiti ako rito bilang pagbati.
"Yes?" Tanong ko rito sa aakalain na may kailangan itong sabihin. Umiling naman ito bago ininguso ang mga gamit ko.
"Ayos ka na?" Pagtatanong nito saakin. Binaba ko naman ang tingin ko sa lamesa ko. Binabalik ko na lang naman na ang mga gamit ko sa bag ko.
May kailangan ba siya? Something important kaya hinihintay ako?
Ibinalik ko sa kanya ang aking tingin. "Why? May kailangan ka pa?" Pagtatanong ko rito. Itinikom naman nito ang kanyang bibig. Pinanood ko lamang ang kanyang ekspresyon. Ang mata niyang muling bumagsak sa aking lamesa. Nanatili ito ng isang segundo roon bago muling ibalik ang kanyang mata saakin.
Nanatiling titig ito sa aking mata bago niya iniwas. "Wala, sabay lang ako sayo," sabi nito na siyang nakapagtataka saakin, ngunit sa huli ay naisipan ko na rin pumayag.
"Oh... sige," sabi ko rito na siyang nakapagpangiti sa kanya. Mabilis kong inayos ang gamit ko at sabay kaming naglakad pauwi.
Hindi ganun kadaldal si Marc, pero entertaining pa rin siyang kausap. Siya mismo kusang nag-bribring up ng topic, pero hindi siya ang nagpapatuloy, sa halip ay hinahayaan niya lang ako magsalita samantalang nakikinig naman siya.
Saktong pagkarating namin sa gate ang pag-aantay ng sundo ko. Nagpaalam na ako kay Marc. Kinawayan ko ito at nginitian na siyang ginantihan niya.
"Una nako, bye!" Pagpapaalam ko rito. Tinitigan naman ako nito. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan dahil baka may dumi sa mukha ko.
"Bye," iniwas nito ang kanyang tingin kasabay ng tahimik niyang pag papaalam.
Dumiretso na agad ako sa sasakyan kung saan nag-aabang si Manong Lucio saakin. Pagbukas ko nito ay bumungad saakin si Manong Lucio na nakatingin sa malayo, or more like sa pinanggalingan ko kanina. Binati ko muna si Manong bago ako pumasok.
"Sino yun Grace?" Paunang tanong niya saakin bago sinimulan ang makina ng sasakyan. Taka ko naman siyang tiningnan.
"Yung lalaki po kanina? Ah si Marc po yun, yung kasama ko po sa student council," pagpapaliwanag nito. Nagtataka kung bakit siya nagkakaroon ng interest kay Marc.
"Ganun ba, akala ko boyfriend mo," tahimik na sabi nito bago magsimulang magmaneho. Ang pagkakasabi nito ay parang wala lang. Na akala mo nagtanong lang siya kung anong ulam para sa araw na iyon. Agad na kumalabog ang aking puso kasabay ng pag-init ng aking mga pisngi. Ang aking hiya ay mabilis na gumapang sa aking sistema na wala akong ibang magawa kung hindi ipaawang ang aking mga labi. Hanapin ang mga nararapat na salita.
"Hindi po Manong, kaibigan ko lang po iyon," sagot ko rito. Kinakabahan pa sa biglaang pagsabi ni Manong Lucio. Nagkibit balikat naman ito at nagsimula ng magbilin ng mga bagay. Wala akong iba nagawa kung hindi tahimik na makinig.
"Pwede namang mag-boyfriend, basta kilala mo talaga ng maayos yung tao at kilala rin ng Mama at Lola mo. Mahirap na sa panahon ngayon, iyong iba nang bubuntis lang ng babae," pagpapabala nito sa akin. Hindi ko naman mapigilang mapanguso sa sinabi ni Manong.
Paanong boyfriend eh ayoko nga sa lalaki? Buntis eh wala nga akong boyfriend! At, si Marc? Malabong magkaroon kami ng relasyon dahil kaibigan ko lamang siya.
Alam ko naman na sinasabi lamang iyon sa akin ni Manong Lucio dahil nag-aalala ito saakin, thankful ako roon dahil sa kanya ay nararamdaman ko na may tatay ako. Pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili na maramdaman na tila ba isang malaking kalokohan ang sinasabi niya, kasi nga wala naman akong balak magka-boyfriend.

BINABASA MO ANG
All with you ( With You Series 1)
Teen FictionMirasol Grace G. Tolintino, a smart and responsible student leader who is also known for her beauty, calmness and grace. In every situation she is in, she always finds a way to find a solution. She always knows how to control her emotions. Always pu...
Chapter 6
Magsimula sa umpisa