抖阴社区

                                    


Napatingin naman ako kay  spade at travis nang tumayo sila. Meron ding ilang tumayo pag katapos ay inilista sila Isa isa ni Harry sa white board.
Hindi ko naman akalain na mag tatama ang mata namin ni daze kaya kita ko agad ang pag taas nang kilay nya.

Hindi sya kalayuan, Halos nasa kanya na ang lahat nang atensyon pero ang Engot ay halatang walang pakealam dahil masama itong nakatingin sakin.
Ano? Gusto mo tusukin ko nang barbecue stick yang mata mo?..meron ako sa bag,karne nalang kulang..


"Next... Valleyball, Unahin muna natin ang babae..." anunsyo agad ni clyden kaya naman maraming babaeng nag uusap na.


"South?" tawag sakin ni klayklay kaya napatingin ako sa kanya."Sumali ka sa valleyball..." sabi nito sakin.



Umiling agad ako. "Ayoko, Tinatamad ako.." magaling ako sa valleyball pero wala ayoko na muna siguro ngayon, nakakatamad na din eh---.



"Kulang ng isa?, Wala na bang sasali dyan na babae? Magaling mag valleyball?"  singit ni harry.



Napalunok tuloy ako nang marinig ang mala demonyong tawa nang batang Engot. Susko! Alam ko balak nito.


"Klay, Subukan mo, mapapa aga tuli mo..." pag babanta ko sa kanya.


"Sumali kana!Isa nalang ang kulang! Ikaw ang iniintay ng sambayanan! South, Huwag ang choosy hindi ka maganda..."


--__-- Wow. Alam ko, Huwag mo na ipag sigawan!.

"Gwapo ka, Gwapo ka?" sarkartikong tanong sa kanya. Gwapo ka? Huwag mong sabihing oo, sabi sa google hindi daw! .


Malaki naman syang ngumiti sakin.
"Since birth... Ay hindi,nasa tyan palang ako nang maganda kong nanay ay gwapo na ako, syempre gwapo tatay ko eh... Akalain mo yun, ipagsama mo ang maganda at gwapo ako agad ang mabubuo..."
Walang hintuang pang raratrat nya sakin.

"Sa lahat nang bata ikaw lang ang hindi kamukha nang magulang..."
Pang aasar ko sa kanya. "Kamukha mo si tekla na pagod.."


Ngumuso naman sya sakin. "Sabi nila si jose rizal din daw ang kamukha ko eh, sabi nang kaklase natin.." inosenteng sabi pa nya kaya nanlaki ang mata kong nakatingin sa kanya.



"Huh?" kunwari akong may hinahanap sa Mukha nya. "Saang banda? Mas hawig mo yung gate ng school natin...Haha!"


"South ang bad mo! Super bad!" Kunwari pa nyang kinurot ang tagiliran ko pero hindi masakit. Natawa nalang ako dahil ngusong nguso na sya ngayon..


"Joke lang, Gwapo ka kaya.." sabi ko naman sa kanya., "Kamukha mo yung isda---"



"Mag haharutan nalang ba kayo dyan?"


Pareho kaming natigilan ni klayklay at napatingin sa unahan nang marinig namin ang seryosong boses ni chikiro.
Masama syang nakatingin.... Sakin?, Susme, ano na naman ba ang ginawa ko? Manang mana kay daze eh!.


The Only girl in Section E |? (Part one: Beginning) Where stories live. Discover now