抖阴社区

                                    

"And because of that, I will list you among those who will join valleyball.." diretsong sabi nya at mabillis na isinulat ang buong pangalan ko sa sasali ng valleyball.

----------------------------
VALLEYBALL PLAYER'S

-THALIANA SOUTH MARQUEZ
----------------------------

O, M,G..... Napakurap kurap ako nang ilang saglit at kita ko talaga ang pangalan ko sa whiteboard!. Malakas na tumawa si klayklay sa tabi ko kaya masama ko syang tiningnan. Lalo akong nanlumo dahil tinatawanan na din ako ni Travis at spade na nasa likod kona! Buset!.


Hanggang sa matapos ay tumahimik na ako. Valleyball lang yan! Manlalaro ka nan south! Tama tama! MVP ako dyan dati baka hindi nyo alam!. Tamang spike ganun! Block dito, serve doon tapos Boom! Spike!.

"And this is where our meeting ends, the meeting will be held again the next day and thank you very much for cooperating..."


Nang matapos ay umalis na ang ibang section.nakaupo pa din ako sa sahig habang ang iba ay tumatayo na para umalis. Iniwan din ako ni klayklay! Traydor yun! Nasunod lang sakin kapag May dala akong pagkain tapos ngayon makikita kong may kaharutang taga section G! Naku! Walang forever!.


"Aray!..."  napahawak agad ako sa ulo ko nang may biglang tumama mula sa likod ko. Kingina!-.


Pag ka lingon ako ay si--(--__--) agad ang nakita ko.

"Ano na naman ba?Problema mo? Maka bato ka akala mo hindi masakit ah!,Ano ka ng ano!.. Hindi ka naman inaano!."
Sibat ko sa kanya at mabilis na tumayo. Pinag pagan ko ang palda ko bago tumingin sa Engot.


Nakatayo si Daze sa likod ko habang hawak ang isang maliit na bolang kulay green at pinag lalaruan iyun. Naka bulsa naman ang isang kamay nya habang bored na nakatingin sakin.


"Ingay mo!... Huwag ka kasi dyan, Pahara hara ka eh, Tsk tanga.." sabi pa nya sakin at mas nilakasan ang huling sinabi nya.


"Mas tanga ka, Alam mong may tao dito mag babato ka?..." sabat ko naman sa kanya.


"Pinaka tanga ka... Malay ko bang may tao? Akala ko trash can.." pag bawi naman nya bago pinag laruan ulit ang bola. "Mas mukha kang basurahan..."


Edi wow... Nag reklamo ba ako nang maging hawig mo yung inidoro sa Cr?


Sympre hindi ko sinabi yan, ayoko pang ibaon nang maaga,Baka gawin ako nang bananaque nang wala sa oras ewan ko nalang! Amen nalang talaga!.




Ganan din sinabi nya nung nasa room namin, Hays!."Punta ka EO, malabo na ata mata mo,baka maduling ka mahirap na.. Mas magiging super tanga ka." pang raratrat ko sa kanya.


"What are you two doing here?" boses agad ni cihikiro ang narinig ko.



Mabilis akong lumingon sa kanya at tinuro itong Engot na nasa harap ko.
"Heto!.. Inaaway ako ng kalahi mo!.." sumbong ko agad sa kanya.


"What? Kalahi?.." biglang nainis ang boses nya sakin.



"Oo!" tumango tango pa ako. "Kalahi mo, tutal pareho naman kayong mukhang galit sa mundo at dinamay nyo pa ko...."



Parehas silang masamang tumingin sakin. Totoo naman pero... Napalunok agad ako nang makitang naiinis na ang mukha nila sakin. Sorry kayo! Nauna kayo eh! Malay ko bang maigsi yang pasensya nyo? Kasing igsi ng buhay nyo!!

" Shut your fvcking mouth, Kung ano ano ang sinasabi mo, ang ingay ng bibig mo..." inis na sabi sakin ni daze.

Dinilaan ko naman sya. "Edi wow! Ikaw nga Asar talo nag reklamo ba ako? Maya maya mag kamukha na kayong dalawa..." sabi ko naman bago tinuro si chikiro.

"Excuse me---"

"Dadaan ka? Hindi dito ang daang highway, Doon ang papuntang PITX...." putol ko bago tinuro ang exit ng court

Parehas silang napabuntong hininga at rinig ko pa ang malutong na mura.

Napatingin naman ako kay chikiro nang ituro nya ako...


" Run.... When I catch you, You won't be able to go home..." nag titimping sabi sakin ni chikiro bago tinuro ang exit ng court.


Hala sya.


"Run... Or I'll kiss you again!" isa pa itong si daze na masama din ang----Huh? Ano daw?...

.......................

......................

TAKBO! sabi ko nga tatakbo na eh! Susko naman hindi mabiro ang mga ginoong walang modo....Wala akong nagawa kungdi ang tumakbo papalabas ng court.

"Bye! STAY STROKE!, Sunduin na Sana kayo ni san Pedro...." nagawa kopang sumigaw sa kanilang dalawa bago tuluyan nakalabas...

Iispin ko nalang yung gwapong president kanina! Mas ok lang isipin yun kesa problemahin ang dalawang Engot na yan! Mang aaway tapos unang magagalit! Abat! Hindi pwede sa asaran ang dalawang to, Baka mag kaabutan pa kayo sa presinto.



Iispin ko nalang yung napaagang blessing ko kanina... HEHE,Saan ko kaya mahahanap yun?.


SUNSHINESWEB3178

HI GUYS PLEASE DON'T FORGET TO VOTE COMMENT AND FOLLOW
THANKS EVERYONE :)

The Only girl in Section E |? (Part one: Beginning) Where stories live. Discover now