抖阴社区

                                    

Pagkarating namin ay agad naming niyakap si Chazz at binati. Wala na akong abot na regalo dahil nakalimutan ko ang kaarawan nya. Naisip ko na bumawi nalang sa susunod.

Isa isa nya kaming pinakilala ni Arran. Hindi naman kami marami pero hindi talaga ako matandain sa pangalan.

"Si Miko." Unang pakilala ni Chazz na agad namang nakipag kamay saamin. "Arron and Nicolo." Dagdag pa nito.

I don't know what's going on between Nicolo and Chazz. but the look they give to each other is different.

Medyo mag didilim na at hindi narin ako makapakali. Kaya agad kong binulungan ang dalawa kong kaibigan.

"Sasaglit lang ako dahil gig nila Nasser Ngayon." Agad naman silang tumango.

"Oo, Lima lang naman 'tong binili ko." Sabi ni Chazz sabay labas ng gin at juice, pati narin ng mga pulutan. Mayroong sisig, dinakdakan at chichirya nadin.

"S-shembot? Gipit ka ba Chazz?" I asked in disbelief.

She laughed out loud. "Diba gusto mo mabilisan lang. Kaya ito binili ko at gagawin natin samalamig ang tagayan." Humalakhak pa ito.

Dahil si Chazz ang may Birthday sya ang unang tumagay. "cheers with me!" Sigaw ni Chazz.

Napapailing nalang ako at iniisip na kung makakapag reklamo lang ang mga patay Dito ay kanina pa sya sinipa paalis sa simenteryo.

"Sayo na." Sabay abot saakin ni Miko ng tagay.

Nginitian ko sya at agad iyong tinanggap. Napangiwi ako at nakailang lagok dahil sa taas ng tagay! Akala ko nag bibiro lang si Chazz!

Madilim nadin at pinailaw nila ang ilaw ng sasakyan na dala nila Nicolo para may liwanag kame. Habang naka upo sa foldable chair ay bigla akong kinausap ni Miko.

Hindi ko din kase makausap yung dalawa at may kanya kanya silang kausap. Nararamdaman ko din na medyo tinatamaan at nahilo na ako dahil nakakailan nadin kame.

Hindi ko nadin namalayaan ang oras dahil nalilibang ako sa kwentuhan at tawanan nila.

"Kayo na pala ng Ace ng baseball team?" Kunot noong tanong nito saakin.

"Nanliligaw palang." Walang ganang sabi ko.

Medyo nagpatugtog pa sila Chazz kaya medyo umingay. Pwede ba ito sa sementeryo?

Medyo kumukulit na ang mga kaibigan ko marahil ay tinamaan nadin. Dahil maging ako at tinamaan na. Magkatabi kami ni Miko ang biglang mag video si Chazz.

May binubulong sakin si Miko pero diko maintindihan dahil Kay Chazz.

"Hi there!" Humagikgik pa ito. Medyo saglitan lang iyon dahil inagaw ni Arran ang cellphone nya at may pinag pipindot.

Halos mauubos na namin ang iinumin ng biglang sumigaw ni Arran. "Oh my god! Nasser saw my my day!"

Agad na nanlaki ang mga mata ko. Bakit ko nakalimutan na may pupuntahan pa pala akong gig!

Agad akong nilamon ng kaba at takot na isipin na baka makagalit sakin si Nasser. At nakita nya na umiinom kame!

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan Ang video ni Chazz. Agad na nanlumo ako ng makita na magkatabi kami ni Miko at mag kalapit.

Sobrang lapit Namin dahil may binubulong sya saakin. Mag papaliwanag nalang ako sa kaniya. Kailangan ko na talagang umalis dahil panigurado ay lagot talaga ako nito!

Agad kong nakita ang maraming missed call ni Nasser at ng mga kaibigan niya.

"Galit na galit si Nasser. Pakiramdam ko papatayin niya kame, pumunta ka na Dito." Halos ramdam ko Ang pag mamakaawa sa text na yon ni Matthew.

Wiped Of String (Hopeless Series #1)Where stories live. Discover now