Tinaasan ko sya ng kilay. "Sopas ng madaling araw?" pero masarap yun. Huhu, nahihilo ako, hingi nga ako mamaya. "Meron ba akong kahit isang mangkok dyan?"
Napangiwi agad sya. "Ang kapal ng mukha mo pemangkis ha! Napaka kapal!. Ni wala ka ngang tinulong, hindi ka manlang nag gayat ng repolyo o carrot man lang tapos isang mangkok hihingin mo?! Ako pa nga nag bukas ng gasul tapos hihingi ka!".
"Bakit ka ba nasigaw?! Nahingi lang naman ako!"
"Inamo kasi pemangkis! Walang ambag walang pagkain!Maging babae ka! Nirereglang tao ang tamad!" sigaw nya sakin kaya lalo akong nainis.
"Tsk, Akala mo naman special sopas" parinig ko sa kanya. Ayoko sigawan at baka mapektusan ko lang to ng wala sa lugar at oras. Hinangin na baka lalo lang hanginin.
"Aba'y oo naman! Basta gwapo nag luto special sopas na agad ang tawag, samahan ba naman ng kagwapuhan tingnan nalang natin kung hindi ka masarapan" proud na proud sya sa kahibangan nya. Kunwari hindi ko nalang sya kilala.
Umiling nalang ako at hinayaan syang mag salita sa harap ko. Katatapos ko lang mag sagot ng worktext ko. Piga na yung utak ko, lalo lang napiga dahil sa tambak na gawain na iyan! Napipilitan ako kasi pasahan na bukas! Oo bukas na!. Ang bait ni sir, Kanina lang nag sabi.
Nagising nalang ako ng 5:20. Six pa naman ang start ng klase namin ngayon pero medyo malayo ang school dito sa bahay namin. Buti kung araw araw akong hinahatid. Isa lang kasi ang driver samin, minsan hinahatid si kuya luis o demian sa opisina kaya naman walang choice ang ate nyo kungdi mag lakad o mag bike. Kapag literal na tinamaan ako ng katamaran ay mag co-commute ako kahit hindi ako sanay.
Pag baba ko palang sa hagdan ay naamoy ko agad ang almusal namin.
Ito ang maganda, Almusal sa umaga!.
Mabilis akong tumakbo sa kusina pero mabilis din akong napahinto ng makita doon si kuya luis, Nakaupo sya sa pinaka unahan habang may dyaryong binabasa. Tiningnan nya agad ako bago napabuntong hininga.
"Morning" simpleng sabi nya. "Mag almusal kana".
Tumango agad ako, kinakabahan ako kay kuya luis, halos lahat ng lamang loob ko nanginginig sa sobrang stress.
Ewan ko ba, Lalo na ngayon at galit sya kahapon sakin dahil sa katarantaduhan ko! Yan! Sabong pa!.

YOU ARE READING
The Only girl in Section E |? (Part one: Beginning)
RomanceWelcome to section E, Kung saan Walang babae,puro lalaking,pala away, Masungit at isang tingin mo palang ay nakakatakot na.... Section na kinatatakutan nang ibang section sa loob at labas nang paaralan.... pero mag babago ang lahat nang dumating at...
CHAPTER #25
Start from the beginning