"G-good morning kuya" bobo! Huwag kang kabahan! Hindi ikaw yan!. "May pasok ka ngayon kuya?"
Tanong ko kay kuya bago umupo sa upuan.
"Yes" sagot nya sakin.
Sa totoo nan, Gwapo si kuya luis, Napaka gwapo nya. Hindi ko nga alam kung may girlfriend to o ano. 17 lang ako, tapos si demian ay 19,Si kuya luis naman ay 20. Ang baba lang ng numerong pagitan namin sa isat isa pero si kuya luis talaga ay halos tinuturing na naming ama. Kasi halos sa kanya na kami lumaki..
Tahimik nga lang. Laging seryoso. Pero matindi magalit kapag samin ni demian, (Sino ba namang hindi magagalit sa mga kalokohan namin? Susko).
"South" tawag sakin ni kuya luis. Napabuntong hininga sya bago ibinaba ang dyaryo at tumingin sakin.
"This past few days, Hindi ako natutuwa sa pag uwi mo ng alanganin, Tapos malalaman ko pa na nasa ibang lugar ka na hindi pa pwede sa edad mong yan" mahinahon pero may bahid ng pag aalala nyang sabi sakin.
Napayuko naman agad ako. "Sorry po, Promise hindi na ako uulit".
Nasabi kona yan dati.
"Umayos ka south. Hindi ka namin mabantayan ng maayos ni demian dahil maraming nangyayari sa kompanya, Dalaga kana, Alam mo ang tama at mali kaya naman gawin mo ang ikabubuti sayo". Dagdag pa nya. "Ayoko din na tatawagan ako ng head ng school nyo dahil sa kalokohan mo, Sa susunod na malaman kong nakikipag away ka o tatawagan ako, Tatawagan ko si lolo".
Napa angat ako ng tingin kay kuya habang nanlalaki ang mata. "Huwag! Si Tanda?!--".
"South! Bibig mo"
Napatakip agad ako ng bibig ko. Masama akong tinintnan ni kuya dahil sa sinabi ko pero mabilis syang napabuntong hininga at napailing.
"Yes, Kaya umayos ka" iyan ang sabi nya bago tumayo at halikan ako sa noo. "Papasok na ako, Ingat ka".
Tumango ako pero hinangin agad ang utak ko. Nahawa ako ni demian.
Kailangan ko bang umayos? Maayos naman ako ha?!. Sabi nga sa kanta.
'Kusang nalapit ang panganib kaya samahan na natin' o diba! So hindi ko kasalanan kasi kusang nalapit sakin ang kamalasan!.
Kaya ang una kong mission. Huwag makipag away.

YOU ARE READING
The Only girl in Section E |? (Part one: Beginning)
RomanceWelcome to section E, Kung saan Walang babae,puro lalaking,pala away, Masungit at isang tingin mo palang ay nakakatakot na.... Section na kinatatakutan nang ibang section sa loob at labas nang paaralan.... pero mag babago ang lahat nang dumating at...
CHAPTER #25
Start from the beginning