Lumapit naman agad sya sakin. "Gusto mo dagdagan ko yan?" tanong nya bago pinantay ang mukha sa akin. Kumunot agad ang noo ko at bahagyang umatras ang ulo.
Matapang ko syang tiningnan. Kahit gwapo ka wala akong pake. "Bahala kang an*mal ka"
"Huh?.."
"Wala!--" inis kong sigaw. Nilahad ko agad ang kamay ko. "Pera, Ano bibili ako ng walang pera?, Isang daan lang nasa wallet ko!"
May kinuha sya sa bulsa nya. Isang wallet at may hinalwat pa sya. Nang sumilip ako, Halos manlaki ang mata ko sa dami ng card. Pucha! Ang daming card! Pwede bang humingi?! Baka pwedeng mapakinabangan yan!.
"May laman lahat yan?" parang chismosa na tanong ko.
Tiningnan nya agad ako. Tumaas ang kilay nya sakin bago tinuro ang mga card nya. "Of course, Anong tingin mo sakin? Mag lalagay lang ng card sa wallet para mukhang may laman?". Sa tono nya. Akala mo may regla sya. Inutil lang ba.
Inabutan nya ako ng..... 1...2....3....4....5?. Five thousand?!, FIVE THOUSAND!.
"Oh!" kinuha nya ang kamay ko at binigay sakin ang pera nya. Agad nyamg tinulak ang likod ko papalayo.
"Bilisan mo, Ayokong nag hihintay dito".Gag* ka pala eh! Adi sana ikaw na bumili para makita mo pila at daming bumibili!. Minsan talaga iisipin ko na nahamugan ang utak nya. Tsk.
Eh ano paba?.... Padabog akong umalis sa court. Ng lingunin kopa sina klayklay nakita ko silang nag lalaro ng basketball doon. Ngumuso nalang ako hanggang makalabas.
Habang nag lalakad papunta sa Canteen ay tiningnan ko yung punyemas na makapal na papel na kasing kapal ng may ari. Halos manlumo ako sa nakasulat.
* 4 spaghetti
*6 Palabok
*5 ham and cheese burger
*2 rice and menudo-Naka Styrofoam dapat lahat, ayoko ng nasa plastic.
Ampaka arte!. Lahat Styrofoam ang inutil!. Kapag ikaw binigwasan ko tulog ka.
Habang nag lalakad. Napahinto ako ng may maalala. Halos sabunutan ko ang sarili ko. "Bawal pa nga pala kami sa canteen!". Bwisit!.
Sabi ni ma'am pwede na kaming bumalik sa canteen kapag nakita nyang nag babago ang section namin-- eh paano mag babago baka pati utak ko mag bago ng landas kapag nag tagal pa ko dito!. Kahit ata anong ritwal at dasal ko hindi na mag babago ang mga sira ulo na yun!. Isama mopa yung leader! Ubod ng yabang!.
Kumaliwa nalang ako. Sa labas ako ng school bibili, Meron karenderya sa likod ng school at mamimili ka nalang talaga. Mura pa. Kapag sa canteen namin akala mo kinuha pa sa ibang bansa yung pagkain. Napaka mahal, akala mo ginto.
"Ayoko na! Please tama na!".
Kusa akong huminto ng makarinig ng boses ng lalaki. Kumunot ang noo ko at Napatingin sa sulok malapit sa building ng section namin.

YOU ARE READING
The Only girl in Section E |? (Part one: Beginning)
RomanceWelcome to section E, Kung saan Walang babae,puro lalaking,pala away, Masungit at isang tingin mo palang ay nakakatakot na.... Section na kinatatakutan nang ibang section sa loob at labas nang paaralan.... pero mag babago ang lahat nang dumating at...
CHAPTER #26
Start from the beginning