抖阴社区

CHAPTER 4

5 3 0
                                    

Strange

Nagising ako kinabukasan dahil sa ingay na hindi ko alam kung saan nag mula. Halos ayaw kong umalis sa kama sa subrang sarap ng pakiramdam ko habang nakasalampak sa malambot na kama. Hindi naman gaanong kalakihan ang kwarto. May maliit na kama na pang-isahang Tao lang at may maliit na mesa sa gilid nito. Niyakap ko ng mahigpit ang kulay puting unan at paulit-ulit na binabagsak ang katawan sa kama.

Malamyos kong hinahaplos ang kama ko habang nagmumuni-muni. Saglit akong natulala at nag isip ng maaari kong gawin ngayong araw. Sabado ngayon kaya walang pasok si ate Jean. Mabilis akong bumangon at nag madaling lumabas ng kwarto nang muling makarinig ng ingay. ‘Kalder0?

Kumaripas ako ng takbo papasok ng kusina at napakapit sa pintuan ng muntik na akong madulas. Napatitig ako sa dalagang namumula ang mata habang iniihipan ang kamay nya. Mabilis akong lumapit dito at marahang kinuha ang kamay niya.

Ngumuso ako nang makitang namumula ang pulso nito. Mabilis ko siyang hinila sa lababo, dahan-dahan kong inilapit ang kamay nya roon at binuksan ang gripo. Napangisi ako at mayabang na bumaling sa kanya. Tumulo ang mga luha nito Ngunit agad na natawa nang makitang ipinagmamalaki ko ang pagbukas ko ng lagusan ng tubig.

Ako na'ng nagpatuloy ng niluluto niya habang siya nama'y nakaupo habang ginagamot ang paso niya. Nag madali daw syang bukas ang kaldero upang makita ang niluluto pero hindi nya inaaaahang tatama ang singaw nito sa kamay nya. Mabilis nyang binitawan ang takip dahil sa gulat at the same time sa sakit na rin.

Panay ang ihip nito sa pulso nya habang kumakain kami. Panay naman ang dada ko upang mabaling sa'kin ang atensyon nya. Nabanggit kong balak kong maghanap ng mapapasukang trabaho ngayon. Mabilis naman itong sumang-ayon at sinabing sasamahan nya akong mag hanap. Nag madali akong magligpit at nag ayus ng sarili.

Simple dress and a flat sandal habang pinag-iisipan kung itatali ko ba ang buhok ko O hahayaang nakalugay.

“Anong trabaho ba ang gusto mo, Akira?”

Nakangiti ako habang naglalakad, tinitingnan ang kaibahan ng siyudad sa probensya. Puno ang matatayug na gusali at walang masyadong puno. Mainit at punong-puno ng tao.

“hmm.kahit ano. Marunong ako ng gawaing bahay. Marunong akong maglaba, maglinis, mamlansya, magluto, Hindi nga lang masyado.” Hindi matanggal ang ngiti ko kahit pa hindi mapakali. Hindi ko alam but I felt like something strange.

Nakailang subok na kami sa mga maliliit na gusali pero Hindi daw sila nag hahanap ng trabahante. Panay ang reklamo ni ate Jean dahil sa subrang init. Hindi ito nauubusan ng malamig na inumin.

Palinga-linga ako sa paligid dahil sa ibang nararamdaman. I felt like there's someone staring at me from afar.

Bumilis ang pag hinga ko nang hindi ko makita si ate Jean sa paligid. Panay ang lingon ko sa kung saan. Hindi ako umalis sa pwesto ko, bagkus panay ang ikot ko, nagbabakasakaling makita sya.

Muli akong umikot sa kabilang parte but suddenly there's someone at that side. Tumama ang mukha ko sa dibdib nito, Agad akong napaatras Ngunit agad nitong kinabig ang bewang ko palapit sa kanya. Mabilis akong napakapit sa braso nito dahil sa kaba.

His cold,strict,mysterious red eyes meet mine. Kita ko ang talim ng tingin nito sa'kin. Mabilis akong bumitaw sa kanya at bahangyang umatras. His forehead Creased and looked away.

Nakaawang ang labi ko habang nakatingin sa mata nito. Hindi ko alam kong ilang besis akong napalunok habang nakikipag titigan sa kanya. Umigting ang panga nito at mabilis akong nilagpasan. Mabilis ko siyang nilingon Ngunit wala akong naabutang imahe nya roon.

Napasigaw ako ng malakas nang may kamay na lumapat sa balikat ko. Agad akong lumingon dito at akmang hahampasin ito. Natigilan ako nang makita si ate Jean na nakaawang ang bibig habang naka taas ang kaliwang kamay. Tumingin ito sa kanang kamay nya na sinundan ko rin ng tingin.
May hawak itong milk tea na nakasilid sa malinaw na supot.

“What?” Nagtatakang tanong nya nang makitang balisa ako.

“Bakit ika'y biglang naglaho?” Tumaas ang sulok ng labi nito at bahangyang umubo.

“uh-huhh. I just buy this For you”. Sabay angat nito sa supot na hawak-hawak.

“Bakit hindi ka man lang nagpabatid?”. Nanginig ang boses ko at pinigilang hindi maiyak.

Bumilog ang bibig nito at mabilis akong inabot at niyakap.

“Ohh sorry...” alo nito sa'kin habang hinihimas ang likod ko. Bahagya akong lumayo sa kanya. Nakanguso habang nag pupunas ng sariling luha. Mas Lalong humaba ang nguso ko nang tumawa ito at tinulungan ako sa pag pahid ng luha.

Nakatitig ako sa mga taong dumadaan sa harap ko. Sumisimsim ng milk tea habang nag-aantay na bumalik si ate Jean. Umalis sya kasama ang kapwa nya guro. May pupuntahan lang daw saglit.

Bumuntong hininga ako nang Maalala ang ginoong nabangga ko kanina. He has a red eyes. Bigla akong napangisi sa iniisip.

‘What if his a vampire?’.

Napapadyak ako sa sahig at inis na hinila ang sariling buhok. Hindi ko man lang nakuha ang pangalan nya. Sumimingot ako at muling sumimsim ng tea.

“Excuse me?” Bigla akong napatalon at muntik ng mabilaukan ng lumapit ito sa'kin.

“Ohh, sorry. Can I sit here?” Napabaling ako sa ispasiyo sa tabi, nasa gitnang bahagi ako kaya mabilis akong umusog at ngumiti sa kanya.

“Thank you!” Nanatili ang mata ko sa kanya. Mula sa maamo at maganda nyang mukha hanggang sa mapuputi nyang daliri sa paa. Lumingon ito sa'kin at mabilis na ngumiti.

“Probensyana?”. Tipid akong ngumiti at nahihiyang tumango.

“Ang ganda mo!”

“M-mas maganda ka...” Marahan itong humalakhak at iniharap ang buong katawan sa'kin.

“I'm Frieren.” Bumaba ang mata ko sa nakalahad nyang kamay.

“A-akira!” nahihiyang tinanggap ang maglinis nyang kamay.

Ilang menuto kaming nag kukwentuhan, Tuwang-tuwa ako mga sinasabi nya. Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa kanya.

“Sinong inaantay mo?”. Bumilog ang bibig ko, mabilis na lumingon sa paligid. Napabuntong hininga ako nang walang makitang inahe O bakas man lang ni ate Jean sa paligid.

“Si ate Jean...”

“Ohh, you have a sister? I thought you're only child?” Mabilis akong umiling at ngumiti.

“Hindi! Kaibigan ko lamang siya. Walang kahit na anong nagdudugtong sa'ming dalwa!”.

“Natutuwa talaga ako sa accent mo... Pabago-bago!” Halakhak nya.

“Ikaw, Sino ang iyong hinihintay?” Suminghap sya at saglit na ibinaling ang kanyang tingin.

“My friends, they're going to fetch me here...”

“Malayo ba ang kanilang pinagmulan? Kanina kapa nag hihintay dito?” Napasimangot ako nang humalakhak sya.

“No!, you want to come?” Nanlaki ang mga mata ko sa paanyaya nya.

“nako,Hindi na! Ako'y mag hahanap pa ng trabaho eh!”. Bumilog ang bibig nito sa'kin.

“Naghahanap ka ng work?” Nag papaawa akong tumango habang nakanguso.

“What kind of work you want ba?” Umangat ang mga mata ko sa kanya.

“Kahit ano...” May hinalungkat ito sa loob ng isang maliit na shoulder bag.

“Here, that my calling card. Call me if you want to work in a restaurant...”

“Kapatid ko ang manager, pwede kitang ipasok”. Nanatili ang tingin ko sa matigas na papel na binigay nya sa'kin. ‘paano to?, wala akong telepono’

“A-ahh, hindi na siguro ito kailangan pa!” Nag-aalangang ibinalik sa kanya ang makinis na karton.

“Payag ako kahit anong trabaho.”

Relying On You (AC Series #1) Where stories live. Discover now