Family
“Biruin mo ah, boylet mo pala si Sir!” Hagikhik niya habang hinahampas ako.
Mabilis kong tinakpan ang bibig niya at lumingon sa mga kasamahan.
“Huwag ka ngang maingay!” Sita ko rito.
“Bakit ba? Hayaan mo silang mainggit...” Sabay tingin niya rin sa iba pang naroon.
“Ikaw nga ih. Hindi ko akalaing may nobyo kang mayaman... Mukha ka pa namang inosente noong pinagtanggol mo ako mula kay Sir Rumulo!”
Imismid siya. “Of course, playing innocent para hindi mawalan ng trabaho.” Sabat niya.
“At dahil magaganda tayo. Kilangan natin ng poging boylet...” Ngisi niya.
“Hindi ko kasintahan si Kyros, Ano ka ba?”
“Asus. Ako pa lukohin mo.” Mas lalo pa niya akong pinagkatuwaan.
Siguro ay kung hindi pa kami pinagalitan ni Sir Rumulo ay hindi pa siya titigil. Magtatrabaho na kami ngunit nasa kanya parin ang mapang-asar na ngiti at malisyosong tingin sa tuwing magkakatinginan kami.
“So ano? Hindi kana namin maihahatid! Baka magalit si Idol...” Nanliit ang mata niya at sinundot ang tagiliran ko.
“Hindi kami non!” Kinagat ko ang labi ko.
“Mag ta-traysikel lang ako...” Nag-angat ako ng tingin sa kanya at ngumiti.
Umalis na sila ng kasintahan niya at naiwan akong nakatunganga sa daan. Hindi ko siguro kayang makita ngayon si kyros. Mariin akong napapikit nang maalala ang nangyari kagabi.
Mangha siyang lumingon sa'kin ngunit agad ding binalik ang tingin sa daan. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at dahan-dahan itinatabi ang sasakyan.
“What?” Umawang ang labi niya nang mag-katinginan kami.
“Anong what?” Tanong ko pabalik.
Kinagat niya naman ang labi niya upang pigilan ang pagngisi. Napayuko ako. Bigla akong namula nang mapagtanto ang sinabi.
“A-ang ibig kong sabihin do'n a-ayyy...” Bigla akong nangapa ng idadagdag sa eksplinasyon.
Nanatili ang mariing tingin niya sa'kin. May multo ng ngiti sa mga labi. Tumikhim ako.
‘Bakit ko nga ba kasi sinabi iyon?’ Wala sa sariling nahampas ko ang sariling noo at buong tapang na lumingon sa kanya. Napalunok ako.
“Ang... N-nais kong sabihin ayyy...” Tumagal sa ere ang letrang ‘Y’ habang nangangapa na naman ako ng idudugtong sa sasabihin.
Umangat naman ang kilay niya at sinundan ang tingin ko. Saglit akong tumingala at tumikhim.

YOU ARE READING
Relying On You (AC Series #1)
RandomRelying On You: Nyphzgyrie Akira Vulier one of the most mapantasyang nilalang sa mundong ibabaw, charrr... Isang dalagang nasanay sa buhay brobensya, isang dalagang Hindi kilan man nasilayan ang kanyang ama't, ina. Tumayo sa sariling mga paa. Tingg...