Wound
Dumaan kami sa isang gusali. Ipinarada nya ang sasakyan sa gilid ng daan. Mabilis itong bumaba ng kotse at iniwan ako sa loob.
Tsk. Hindi man lang ako nilingon.
Kaya ayaw ko sa tao eh. Masama ugali.
Makalipas ang ilang menutong pag-aantay ay wala parin ang ginoo. Halos mabali na ang leeg ko kakalingon sa pinto ng gusali.
Naiirita kong hinampas ang salamin ng sasakyan. Kung may kikitain man sana siyang magandang binibini, Sana ay hindi niya na lang ako sinama sa kanya.
Ano 'ko, taga bantay ng kotse?
Muli akong bumaling sa gusali. Maraming taong pumapasok at lumalabas do'n. Bumuga ako ng hangin at dahan-dahang tinulak ang pinto. Ngunit mas lalong lumalim ang gitla ng noo ko ng hindi ko ito mabuksan.
Muli ko itong inalog at buong lakas na tinulak. Pero ayaw talaga eh...
“P-paano ba ito?”
Napabaling ako sa manobela, Mabilis na hinanap ng mga mata ko ang bagay na nakakabit doon.
Mabilis ko iyong kinuha at muling humarap sa pintuan. Nagsalubong ang kilay ko nang wala akong makitang pweding pasakan ng Susi do'n upang mabuksan ang pinto. Sumasama na ang loob ko habang naka tingin sa hawak na Susi.
Saglit kong pinaglaruan ang maliit na pusang nakasabit dito.Hindi ko na alam kung papaano ako makakalabas.
Pwede palang gawing kulungan ang sasakyan? Ang galing! Nakakaputi ng buhok.
Matamlay ko ipinasak ng Susi sa kung saan sya nakasiksik kanina. Napasandal ako sa upuan. Gusto ko nang tumangis! Draculaaaa, Nasaan ka? Tulungan mo'ko!
Nilingon ko ang gusali, humihikbi habang tinatanaw ang mga taong malayang nakakapag lakad-lakad sa labas. Nakapalumbaba ako sa pinto ng sasakyan habang tumatangis. Pinihit ko ang naka-usling kulay itim na bagay na kanadikit sa pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla itong bumukas at halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa gulat. Muntik na'kong malaglag.
Mangha akong nakatanaw sa naka bukas na pinto. Pinahirapan mo'ko ahh!
Nangingiti ako habang tinatanaw ang gusali. Kala mo ahh? Matalino siguro ako! Nanggaling ako sa kahariang puno ng mahika. Hindi nyo'ko maiisahan.Nagkukumahog akong bumaba ng sasakyan, handa nang lumisan. Ngunit napatili ako nang bigla akong hilain papasok. Napadaing ako ng tumama ang balakang ko sa kanto ng upuan. Nasa baba na ang isa kung paa habang dahan-dahan namang inaangat ang isa.
Mas lalo akong napadaing ng naitukod ko ang palad ko sa upuan. Tsaka ko lang naalalang may mga sugat palang gawa ng bubog do'n.
Maingat kong inangat ang sarili upang muling maka-upo. Napakapit ako sa taling nasa ibabaw ng katawan ko.Bat niya kasi ako tinali dito?
“Kung S-sana ay alam ko lang na may masama ka palang h-hangarin, Sana ay hindi kita hinayaang itali ako d-dito!” nag-simula nang mag unahan ang mga luha ko pababa.
Tahimik akong humihikbi do'n habang inaalalayan ang sarili. Nanginginig ang katawan ko habang tinatanaw ang mga taong kuryusong naka tingin sa'kin. May iba pang pinagkakatuwaan ang Sitwasyon ko.
Napayuko na lamang ako at hinayaang umagos ang mga luha.“What the fvck?” Malulutong na mura at mabibigat na yapak ang pumukaw sa atensyon ko.
Nanatili akong nakayuko at ipinikit ang mga mata.
Isang malapad at mainit na kamay ang lumapat sa braso ko. Hindi ko iyon pinagbigyan ng pansin, sa halip ay marahas kong binawi ang braso ko mula sa kanya.

YOU ARE READING
Relying On You (AC Series #1)
RandomRelying On You: Nyphzgyrie Akira Vulier one of the most mapantasyang nilalang sa mundong ibabaw, charrr... Isang dalagang nasanay sa buhay brobensya, isang dalagang Hindi kilan man nasilayan ang kanyang ama't, ina. Tumayo sa sariling mga paa. Tingg...