Text
"Aba ayos ka ah?" Sinimangutan ko siya bago nag patuloy sa pagpupunas ng mesa.
"Masarap 'no?" Sinundot nito ang tagiliran ko.
"H-huh?"
"Sus, pakipot ka pa eh. Sige na, wag mo ng sagutin, alam ko namang masarap eh." Umalis ito sa pwesto ko at binalingan ang ginagawa niya.
"Ano bang sinasabi mo?" Tinitigan ko siyang mabuti habang kunot ang noo.
Humarap siya sa'kin at sumandal sa mesang kanyang nililinisan.
“Mag kasama kayo ni sir kahapon, hindi ba?”
“Oo, pero—
“Huwag mong sabihing hindi mo pa inasusuko ang perlas ng sinilangan?” Nalaglag ang panga ko sa pagtataka.
Mas lalong lumaki ang mga mata niya nang makita ang pagtataka sa aking mga mata. Pumikit siya at bumuntong hininga.
“Alam mo, kung ayaw mong iwan ka niyan, isuko mo na...” Makahulugang sabi nito tsaka ako talikuran.
Nangunot ang noo ko. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala ito sa pananaw ko. Natapos ang ginagawa ko nang maraming iniisip. Isa na roon ang hindi ko maintindihang sinabi ni Alexa.
“Hoyy, babae. May naghahanap sayo.” Napalingon ako kay Alexa sa sinabi nito.
“Sino?”
“Ewan ko. Hindi ko bet, pangit.” Ngumiwi siya tsaka ako hinila palabas.
Huminto kami sa tapat ng isang lalaking may buhat-buhat na kahon. Saglit itong tumitig sa'kin at ngumiti. Ngumiti ako pabalik.
Siniko ako ni alexa at binulungan.
“Manliligaw mo?” Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya.
Agad ko siyang nilingon at inilingan. Ngumiwi naman siya at muling bumulong.
“Ampangit!” Mabilis ko siyang siniko upang matigil.
“Ahh, Ano pong kailangan nila?” Tanong ko rito at bahagyang yumuko.
Nilahad naman nito ang kahon sa'kin na agad ko namang tinanggap. Nilingon niya ang motorsiklo at may kinuha roon. Ngumiti ito sa'kin at nilahad ang isang pumpon ng kulay puting tulips.
Umubo si Alexa sa tabi ko at nag-paalam na papasok na muna sa loob. Tumango ako at muling nilingon ang lalaki.
“Bulaklak po!”
Ngumiti ako at umiling. Nakita ko naman ang biglaang pagkataranta ng kanyang mga mata. Agad itong umiling at halos hindi mawari ang itsura.
“Ma'am, tanggapin niyo na po! Bawas po 'to sa sweldo ko kung hindi niyo tatanggapin...” Nagulat ako sa reaksyon niya.
“Kilangan ko po ng pera.” Halos isubo na nito sa akin ang bulaklak.
“A-ahh, kuya. May hawak po kasi akong kahon...” Ngiti ko rito.
“Ayy naku. Sorry po...” Agad nitong binalik ang bulaklak sa basket na nakapatong sa motorsiklo niya at kinuha ang kahon sa'kin.
Nagmadali itong pumasok sa loob at nilapag ang box sa isa sa mga mesa. Bumalik naman ito sa'kin at kabadong ngumiti. Kinuha nito ang bulaklak at muling nilahad sa'kin.
“Pansensya na po! Pinapabigay po pala.”
“Salamat!” Hindi na rin ito nag tagal at umalis na.
Akala ko'y pagbabayarin ako. jusko, wala akong pero.
“Pangit pero galanti. Ok na rin...” Salubong sa'kin ni Alexa nang makapasok.

YOU ARE READING
Relying On You (AC Series #1)
RandomRelying On You: Nyphzgyrie Akira Vulier one of the most mapantasyang nilalang sa mundong ibabaw, charrr... Isang dalagang nasanay sa buhay brobensya, isang dalagang Hindi kilan man nasilayan ang kanyang ama't, ina. Tumayo sa sariling mga paa. Tingg...