抖阴社区

                                    

“Are you sure?”

Oo nga, tanga.”

“I just want to—

“Shut up, frien”

Mabilis kong naitulak ang binata nang marinig iyon. Mabilis akong tumayo at kabadong naglakad patungong pasilyo papasok ng gusali.
Nilingon ko sya. Gulat siyang nakaupo sa damuhan habang nakaawang ang bibig. Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya nang agad itong umayo at bumaling sa'kin.

Umayos ako ng tayu at itinuon ang tingin sa pinto ng gusali. Naroon na ang dalawa. Hindi ko alam kung nagkaayos na ba sila pero basi sa marinig ko kanikanina lamang, Matino na ang pag-uusap nila.
Nakangiti si frie habang busangot naman ang itsura ng isa.

Mabilis akong nag lakad palapit sa kanila. Damang-dama kong may mga yabag na sumusunod sa'kin.
Sinalubong ako ni ate Jean at ni frie.

“A-ayus na kayo?” Pilit akong ngumiti kahit na halos sumabog na ang dibdib ko dahil sa kaba.

“Are you okay, Akira?” Hinila ako nito palapit sa kanya.

“O-Oo!”

“eh bat para kang nakakita ng multo?” Natatawang tanong nito tsaka hinila ang damit ni frie.

“Kyros?” Napabaling ako kay Frie na dali-daling umalis sa banda namin.

“Kilan ka pa?” Tanong nito tsaka hinawakan sa magkabilang balikat ang binata.

“Yesterday.” Sempling sagot ng isa.

Natatawang niyakap siya ni frie habang hinahampas ang balikat nito.

“Why? I thought next week ka pa?” Humiwalay siya sa binata ngunit nanatiling nasa balikat nito ang mga kamay niya.

“Let's say...” Umangat ang tingin niya sa'kin tsaka ngumiti ng kaluko-luko.

“I just missed someone.” Nanatili ang tingin niya sa'kin ngunit sa pagkakataong ito, wala na siyang emosyon.

“Hmmm... Ikaw ah?” Malisyusong tukso nito habang kinukurot ang tagiliran ng binata.

Kusang lumipat ng direksyon ang mga mata ko nang ngitian niya si frie.
Tumukhim si ate jean kaya napalingon sa'min si frieren.

“Ohh!!!” Agad nitong hinila ang binata at nangingiting iniharap sa'min.

“Here! They're my friends...” Nakangiting pakilala niya sa'min.

“ok, this one...” Turo niya kay Ate Jean.

“She's my...” Saglit siyang Nag-iwas ng tingin at tumukhim.

“She's my old friend.” Hindi niya binalingan ng tingin si Ate Jean, Sa halip ay itinuon niya ang mga mata sa'kin.

Ngumiti siya ng matamis at lumipat sa pwesto ko. Hinila niya paalis sa tapat ko si kerosene at maiingat na hinawakan ang braso ko.

“And sheeee...” Hagikhik niya.

“She's so pretty! Aren't she?” Nakangiting baling niya sa binata.

Tanging tango lamang ang sagot ng binata habang hindi inaalis ang tingin sa'kin.

“kyros.” Nag-lahad siya ng kamay habang nakatutok parin ang mga mata sa'kin.

Nag-baba ako ng tingin sa nakalahad niyang kamay. Inangat ko ang sa'kin at tinanggap ang kanya.

“Nyphzgyrie Akira Vulier!” Sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya.

Hinugot ko ang kamay ko mula sa kanya ngunit Hindi ako nagtagumpay.
Napaangat ako ng tingin sa kanya at sinubukang kunin muli ang kamay.
Ngunit sa halip na bitawan ay mas lalo lang niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko at hinila ito palapit sa kanya. Madilim ang tingin nito sa'kin tsaka binaliktad ang mga kamay namin.

Nasa baba ang kamay ko habang nasa taas naman ang sa kanya. Dahan-dahan nitong pinadusos ang kamay nya papunta sa dulo ng mga daliri ko. Itinuwid niya ang mga daliri ko habang sinusuri iyon.

“Hoyy? Ano yan?” Laking pasasalamat ko nang hilain ni Ate Jean ang kamay ko mula sa kanya.

Tumuwid siya ng tayu habang madilim padin ang ekspresyon. Masama ang tingin sa kanya ni Ate Jean habang palipat-lipat naman ang tingin ni frie sa aming tatlo.

“Do you know each other?” Turo niya sa aming dalawa ni kerosene.

“H-hindi—

“Yes—

Pareho kaming natigilan sa sabay naming pag-sagot. Mas lalong kumunot ang noo nito at nag tiim bagang.

Ginigisa kami ng tanong ng dalawa habang naglalakad kaming apat sa daan. Hindi ko alam kung bakit nag lalakad kami, ih may sasakyan naman itong isa.

Nagkaayaan silang dalawa na dumaan sa isang napakalaking gusali. Namamangha akong tumingin sa mga taong nakasakay sa tumatakbong hagdanan. Mayroon din iyong kuwadradong silid na umaakyat at bumababa.

Panay ang lakad ko habang nakatingala sa itaas. Naka bukas ang bibig habang kumikinang ang mga mata. Ang laki talaga ng pinagkaiba ng siyudad sa probensya.

Nasa harap ako ng silid na hindi ko alam kung ano ang tawag. May dingding naman siya pero bakit nakikita parin iyong nasa loob?. Inantay kong bumukas iyon at iluwa ang mga taong nasa loob. Mangha akong pumasok roon ngunit mabilis na naglaho ang sayang nararamdaman ko nang bigla itong umalog. Nanlaki ang mata ko at mabilis na kumapit sa dingding. Umiikot ang sekmura ko kasabay ng pag-angat ng silid.

Pakiramdam ko'y para akong maduduwal habang pinapakiramdaman ang umaalog na silid. Naiiyak akong lumingon sa kinakapitang dingding ngunit kinapos ako ng hininga nang parang wala akong kinakapitan. Pakiramdam ko'y maaari akong mahulog ano mang oras. Kahit naiiyak na'y nanatili akong nakakapit doon. Ipinikit ko ang mga mata. Pinipigilan ang sariling tumakbo sa kabilang bahagi ng silid.

Nanghihina akong pumadusos sa malinaw na dingding nang tumigil sa paggalaw ang silid. Mabilis akong tumayo nang bumukas ang pinto nito. Kahit nahihilo'y pinilit kong lumabas. Ayaw ko na!

Halos masubsob ako sa sahig nang makababa roon. Ganon ba talaga roon?
Umiikot ang paningin ko. Para akong lumulutang at hindi ko maramdamang lumalapat sa sahig ang mga paa ko. Tuloy-tuloy lang ang pag hakbang ko kahit hindi ko alam kung saan ako papunta.

Tumigil ako sa pag-lalakad nang hindi ko na talaga kaya. Ang bilis ng pagdaan ng mga tao sa paligid. Ipinikit ko ang mga mata at hinayaang matumba ang sarili. Inaantay kong bumagsak ang katawan ko sa sahig ngunit bago pa mangyari iyon ay umangat na ako sa ire.






🍵
Tea?

Relying On You (AC Series #1) Where stories live. Discover now