抖阴社区

Chapter 5

11 0 0
                                    

Kasama ko si Haris sa biyahe patungo sa Robinsons sa Pavia, gaya ng sinabi ng aking ama. Kahit hindi kami nag-uusap, napapansin ko ang mga tingin at ngiti ni Haris sa akin.

" You can take a nap for a while. the drive will take 25 minutes before we get there," ang sabi niya kahit hindi ko hiningi. Tumango na lang ako bilang sagot. Ayokong magsalita. Parang may pumipigil sa akin.

Isang beses ko siyang tiningnan, at nahiya ako nang makita kong tinitingnan din niya ako. Ibinaling ko ang tingin ko sa daan at hindi na ako nagsalita kahit sa loob-looban ko ay sumisigaw na ako sa hiya.

"Baby, stop that act. You're so cute," ang sabi niya habang tumatawa. Nakakatawa ang tawa niya. Nakakapanindig-balahibo. Lalo na sa endearment na itinawag niya sa akin. Hindi na ako baby. Mag e-eighteen na ako.

But somethings off. I noticed. Parang may iba. Hindi ko ngalang masabi at maipaliwanag. Haris was kind of playful today. Not the kind of him that I met 6 years ago. But, maybe that's how people change.d

"I'm not a baby anymore, Haris," pagtataray ko sa kaniya. Hindi ako galit. Ayaw ko lang talaga ng matagal na pagkakasama niya. Nakakapanibago.

Tumawa ulit siya sa sinabi ko. Joke ba sa kanya yun? " Why do you keep on laughing at me? Im just stating the truth that I'm not a baby. I'll be 18 next week," depensa ko sa sarili habang naka busangot. Nagtatampo na ako.

"Okay. I'm sorry, okay?" sabi niya habang hinahaplos ang mukha ko. "We're here na. Wait and I will open the car door for you," lambing niya sa akin. Baka ma-misunderstood kita!

Pagbukas niya ng pinto ng sasakyan para sa akin, agad kaming pumasok sa Robinsons. Isa lang ang lugar na gustong-gusto kong puntahan dito maliban sa mga Jollibee at Mcdonalds. National Book Store.

Nilibot ko ang buong lugar ng aking mga mata, at isang ngiti ang lumitaw sa aking mga labi nang makita ko ang paborito kong cartoon character na si Stitch. Isang human-sized teddy bear. Tumakbo agad ako patungo roon at niyakap ang teddy bear. Ngunit biglang nasira ang sandali nang hilahin ako ni Haris at tadyakan ang teddy bear.

"Stop, Haris! Nakakasakit ka!" sigaw ko upang pigilan siya. Tumingin agad siya sa akin, may gulat at galit sa kanyang mga mata. Hinihingal siya habang mahigpit pa rin ang hawak sa kamay ko. May tumakbo din na mga security sa pwesto namin. But,I was shocked ng makitang wala silang ginawa nang makita nila si Haris.

Pero kailan pa nanakit ng inosente si, Haris? Lahat ba sa kaniya nagbago na? Bakit parang bago lahat.

Binuksan ng mascot ang kanyang costume at humingi ng tawad sa akin at kay Haris. "Pasensya na po, Ma'am at Sir. Part lang po talaga ng trabaho ko yun. Hindi ko po inaadya," paliwanag ng lalaki. Napansin ko ang kirot sa katawan niya. May pasa at sugat siya.

Napatingin ako kay Haris na ngayon ay mapungay ang mata. Hindi siya nagsalita kaya ako na ang sumagot sa lalaki. "No. Don't be sorry. it's not your fault," sabi ko. Mukha siyang katulad ng edad ko. Lumapit ako sa kanya at hinila sa gilid para umupo. Sumunod din si Haris, may mabigat na tingin sa kanyang mukha.

Everyone was also looking at us. May nagbubulungan. May parang nanghuhusga. Meron namang kinikilig.

Wala bang boundary ang kalandian?

"Haris, say sorry to him," mariin kong sinabi. Napatingin siya sa akin, may tanong sa kanyang mga mata. Tinignan ko siya ng walang emosyon at tumingin ulit sa lalaki.

Lumapit siya sa lalaki habang ang mga kamay niya ay nasa bulsa. Hindi siya mukhang masaya sa utos ko.

"Do it," sabi ko muli.

"Okay. Okay."

Inalok niya ang kanyang kamay para sa handshake. Kabado pa rin ang lalaki at halatang nag-aalinlangan kung tatanggapin ang kamay ni Haris. Tumingin muna sa akin ang lalaki bago tanggapin ang kamay ni Haris.

Last Escape For Aia ( Under Revision)Where stories live. Discover now