抖阴社区

Chapter 8

7 0 0
                                    

"Please, no. Don't hurt me," pagmamakaawa ko sa mga taong humila sa akin mula sa sasakyan ko. Nakangiti pa sila kanina nang lumapit sa akin, na nagbibigay sa akin ng pag-asa na tutulungan nila ako. Ngunit, ang aking pag-aakala ay nagkamali. Sila ay mga armadong sibilyan. Hindi ko makita ang kanilang mga mukha, ngunit ang kanilang mga boses ay nagpapahiwatig ng kanilang layunin.

"Hindi ka namon pag tandugon. Basta amon na ni sarakyan mo!," sabi ng isang babae na tila lider nila, habang nakatutok sa akin ang isang shotgun. Halata na taga-Iloilo lang sila sa paraan ng pananalita niya. Ang takot na aking naramdaman mula sa posibleng panganib ay tumindi pa. Hindi ako makapagsalita habang dahan-dahan akong bumababa sa sasakyan. Itinaas ko ang aking dalawang kamay. Sa sandaling nakalabas na ako sa sasakyan at nasa harapan nila, agad akong napalibutan ng takot sa paraan ng kanilang mga tingin sa akin.

Lumapit ang isang babae sa akin at hinila ako papasok sa gubat. Naka sunod lang sa likod namin ang mga kasama niya. Puro armado. Yung iba may mga dalang sibat at pana.  Ang mga  mata ko ay namimirot na sa pagod sa pag iyak halos wala na akong luhang mailabas. ramdam ko na din ang pag dry ng bibig ko dahil sa sobrang uhaw. and as i can remember mag iisang araw na din akong hindi kumakain.

" Please, spare me. kailangan kong bumalik sa parents ko. Delikado po yung buhay nila." humihikbi ako habang nagsasalita, pero sinampal lang ako ng babae at pinagtawanan nila akong lahat na tila ba ako ako ang tigreng alila nila sa circus na ginagamit nila para sa sariling kasiyahan.  Marahas na napabaling ang ulo ko sa kabila kasabay ng pagdugo ng ilong ko.

" Hinugay ka wangal! Di moko ma dala sa englis englis mo. Gaga ka karon a " matigas niyang sigaw mismo sa taenga ko. tumalsik pa ang amoy isda niyang laway sa mukha ko pero hindi ko na nagawang punasan pa ng bigla niya akong tindyakan ng tatlong beses sa likod at sa tiyan. Napadaing ako sa sobrang sakit ng ginawa niya pero wala akong magawa at wala akong kalaban laban.

"Parang awa niyo na po" iyak ko sa kanila. Nagbabakasakali na pakawalan nila ako at hayaan nalang.

Tahimik akong nanalangin na sana ay may tumulong manlang sakin.

" Pabay-e niyo na da sa, " pigil nong isa nilang kasama na kanina pa nakatingin saakin. Mukhang naaawa pero ngayon lang naglakas loob na magsalita.

Tiningnan lang siya ng  masakit ng lider nilang lalaki na kakababa lang sa sasakyan ko  at bitbit ang susi. Binangga siya nito habang naglalakad papunta sa lugar ko.

" Indi ka nagay pasilabot di, Eron. Basi pati bagul mo palukpon ko " banta ng lider sa kaniya. Napayuko nalang ang lalaki at hindi na sumabat pang muli. Naiintindihan ko ang pananalita nila. Minsan ko na din narinig sina yaya na ginagamit ang dialect na iyan. Pero gusto nang parents ko english at tagalog lang yung gamitin ko sa pakikipag-usap kahit kanino.

" Ikaw miss. Di ka magkabalaka. Bisan dunot ka na, ang sarakyan mo halungan ko gid ni a.  Salamat ha" sabi pa niya at sarkastikong tumawa na ginaya din ng iba.  Napahawak pa siya sa tiyan na at parang baliw na tumalon talon na parang nanalo sa lotto.

Ang paghikbi ko ay biglang huminto nang maramdaman ko ang matinding paghampas ng shotgun sa aking ulo. Ang sakit ay sumalubong sa akin, at unti-unting nawalan ng kulay ang aking paningin hanggang sa tuluyan ng mawalan ng liwanag. Sa huling sandali ng aking malay, nagbalik sa akin ang mga alaala ng mga taong nagbigay sa akin ng ligaya at pag-asa sa loob ng labingwalong taon. Sila ang naging tanglaw at kalakasan ko sa gitna ng dilim at lungkot. Ngunit sa kasawiang-palad, ang pag-asa ng pagtakas ay tila isang pangarap na hindi na matutupad. Ang katotohanang kinaharap ko ay hindi kayang labanan ng kahit anong lakas ng loob, lalo na't ang kapalaran ay tila nakatakdang maganap.

Is this my last escape?

_____________________________________________________________________________________

Last Escape For Aia ( Under Revision)Where stories live. Discover now