抖阴社区

                                    

"I'm sorry," sabi ni Haris sa kanyang malalim na boses. Seryoso siya ngayon. Palagi naman siyang seryoso. "Pero, sa susunod huwag kang yumakap kahit niyakap ka na," matigas niyang sabi na parang babala.

Nakita ko ang dahan-dahang pagtango ng lalaki kaya nginitian ko na rin siya at humingi ng paumanhin.

Dinala ko si Haris palayo mula sa lugar na iyon upang umalis na. Nagulat siya sa aking galaw kaya patuloy lang siyang sumunod sa akin. Dinala ko siya sa second floor ng mall kung saan may mga mini sofas na nakalagay na exclusive sa lahat ng tao. Pinaupo ko siya at pinaharap sa akin.

Nakikita ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata habang tinitingnan niya ako, parang walang nangyaring masama. "What you did is not good, Haris," simula kong magsalita nang mariin. "You should not do that to other people. Paano kung napuruhan? Mukhang nag-aaral pa siya. Paano niya magtatrabaho at mag-suporta sa kanyang pag-aaral kung magkasakit?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Gusto kong maintindihan niya na ang pagiging mabagsik at marahas sa ibang tao ay hindi tama.

Tumango siya at hawak ang aking kamay. Napansin ko ang kanyang ginagawa. Nagkausap kami ng mata at ngumiti siya sa akin. Isang tipid na ngiti, pero totoo.

"You grow up so fast, Aia," sabi niya habang hinahaplos ang kamay ko. Nakatutok ang kanyang mga mata sa aking kamay habang ako naman ay nakatingin sa kanyang mukha. Sobrang dami ng kanyang mga ginagawa na tila hindi ko maunawaan. Sobrang dami ng pinaparamdam niya na hindi ko naman gustong intindihin.

"Yeah, I want to grow up fast, everyone treats me like a baby," sabi ko nang mahinahon habang iniroroll ang aking mga mata. Gusto ko ng mas maintindihan at ma belong sa mundo na ginagalawan ni Haris. I want to try partying. Get drunk. Dance in a club. Travel.

"Don't be so excited. I still want to see you dress with your favorite Stitch dress," sabi niya, at saka siya tumawa. Nakakatawa ba sa kanya kung isuot ko yun? Oh my God!

Namula ang pisngi ko sa kanyang sinabi kaya bigla kong hinawakan ang kanyang kamay at iniwas ang aking tingin.

"Tara na nga. Gutom na ako," bigla kong sabi habang nag-gesture sa kanya na sumunod sa akin. Baka kasi hindi niya kabisado ang mall.

Pumasok kami sa Jollibee. Sinabi niya na siya na ang mago-order at pipila. Pinabayaan ko siya at saka ako naghanap ng upuan para sa aming dalawa. Nag-scroll ako sa aking phone para magbasa ng 抖阴社区 sandali. Ngunit naabala ako ng mga bulong at tingin ng mga tao na tila may tinutukoy. Sinundan ko ang kanilang mga tingin at walang gulat. Siyempre. Haris. Ang sentro ng atensyon. Lahat ay nakatingin sa kanya. Naririnig ko ang iba't-ibang usapan na talagang humanga kay Haris, lalo na ang mga babae.

"Ampogi."
"Picturan mo! Dali, he looks like artista."
"Oh My God! So gwapo."
"Kung yan lang katabi ko every night, hindi ako magsasawang yakapin. Malaman yung pandesal!"

Napasinghap ako sa iba't-ibang narinig ko mula sa mga tao. Nakita ko siya papalapit sa aming mesa na may dalang aming orders sa kanyang matatag na mga kamay. Kitang-kita ang mga ugat doon. Halata na siyang mahilig sa pag-eexercise. Marami na akong nabasa tungkol dito.

"Why are you rolling your eyes at me, young lady?" tanong niya habang tumatawa. Pinaghiwalay niya ang kanyang pagkain at sa akin. At tulad ng dati, hinati niya ang fried chicken ko at inalis ang buto. May bitbit siyang ice tea, burger, fries, at spaghetti.

Kumain ako nang tahimik. Minsan niya akong tinitignan ng tanong. Ngunit hindi siya nagtatanong. Nagulat ako nang itabi niya ang silya niya sa akin.

Napatingin ako sa kanya, nag-aalinlangan kung pigilan siya. Subalit bago ko pa magawa iyon, naupo na siya at inilipat ang mga pagkain niya.

"Eat," utos niya na nagpabalik sa aking katinuan. Ang dami niyang ginagawa ngayong araw na ikinagulat ko.

Naka busangot pa din ako hanggang sa pauwi na kami. Hindi ko siya pinansin kahit ng pumasok na kami sa book store. Nakasunod lang siya sa likod ko. Hindi nagsasalita. Hindi din nagrereklamo.

Pagkatapos kong mamili ay siya din yung nagbayad. Iaabot ko na sana yung card ko sa sales lady pero siya ang naunang nagbihay ng nlack card niya.

" Ako na sana yung babayad. I have money naman e" I said as looked at him while furrowing my eye brows.

" I paid first." Maikli niyang sagot at binitbit na ang mga pinamili ko papunta sa sasakyan. Kahit naka busangot ay binuksan niya pa rin yung pinto ng sasakyan para saakin.

Hindi traffic sa daan pabalik sa bahay kaya madali lang din kaming nakarating sa bahay. But I was startled ng pinigilan niya akong bumaba sa sasakyan.

He hold my hand to stop me and then he look me in the eye. I was confused.

" I'm sorry, about how I acted today. I didn't mean it. I'll make it up to you, baby. Don't be mad at me." He said. I can't move by his softness right now.

Wala akong maisagot kaya binigyan ko lamang siya ng isang tipid na ngiti at bumaba na sa sasakyan. I am not mad at him. Nahihiya lang ako.

Dali-dali akong naglakad papasok ng bahay. I just smiled at aour maids who's greeting me. Ang driver na din namin yung nagdala ng pinamili ko sa loob.

I am confused,Haris. Enlighten me.

Last Escape For Aia ( Under Revision)Where stories live. Discover now