Terrence
“Oh? Where are you going, Rence?”
Napahinto ako at napatingin sa taong nakasandal sa pinto. It's still 6 in the morning, tulog pa halos ang mga kaibigan ko dahil na rin sa pagod at pagi-inom kagabi. This is also our second day here in Baguio, maraming ganap kaya kailangang bumawi ng enerhiya.
“May kukuhanin lang." Napataas naman ang kilay ni Marvin. Kailan pa naging maaga ang gising nito? Hindi rin naman ako maagang nagigising, saktong sinuwerte na nagising lang ako sa alarm ko at sa hampas ni Matteo dahil naiingayan siya ro'n. Hindi pa sana ako babangon kung hindi lang importante ang araw na ’to.
“Ang aga naman? May naiwan ka ba sa sasakyan mo?” Palihim akong napaungot dahil doon. Kamuntik ko ring makalimutan na chismoso nga pala si Marvin, walang pinapalagpas basta mapansin niya ang isang bagay.
And what is he doing here? Nakakapanibago talaga na maaga siyang nagising. Sinulyapan mo rin ang kabuuan niya. He's wearing his pajama, magulo pa ang buhok habang nakatingin sa 'kin. Hawak din nito ang phone na bahagya pang nakabukas. Nakalagay pa sa contact.
“I can't sleep." Muling pagdadahilan ko. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito habang nanunuyang nakatingin sa 'kin. Tuluyan na akong napaungot at umiling dito. Kailan pa siya naging sobrang kuryoso patungkol sa buhay ko?
“I can't sleep? Halata ngang antok na antok ka pa!" Akmang tatama ang kamay ko sa kaniya noong mabilis itong umilag. Natatawang lumayo siya sa 'kin ngunit hinihinaan din ang boses dahil kaming dalawa palang ang gising. “Oo na! Umalis kana! Huwag kanang babalik ha?”
“Fuck you." Tinawanan lang ako nito lalo. Naiiling nalang ako na umalis doon. Naririnig ko pa hagikhik niya habang sinasara ang pinto. Sinabihan pa ako na huwag kalimutang isara ang gate para hindi ako mahuli. Ano namang ibig sabihin no'n? Hindi naman ako akyat-bahay. Wala ring akyat-bahay na sa mismong pinto dadaan.
Habang naglalakad ay ipinasok ko sa bulsa ng hoodie ang kamay ko. Malamig talaga ang klima. I am already wearing my inner shirt and hoodie paired with my pants ngunit damang-dama ko pa rin ang lamig. I am also wearing my beanie.
When I saw a familiar gate not far from Wade's Aunt’s house, I picked up my phone to check something.
Blue gate, left side, near the CES Farm.
Ibinalik ko sa bulsa ang phone noong matapos basahin iyon. Dahil makakalimutin din ako ay inilagay ko iyon sa notes. Iba-iba kasi ang kulay ng gate rito at baka maligaw pa ako, mahirap na. Hindi pa rin gaanong kaliwanag pero nakikita ko naman ng malinaw ang paligid.
Naglakad akong muli hanggang sa makatapat ako rito. Tumingin-tingin pa ako sa paligid dahil baka may ibang makakita sa 'kin at isipin na akyat-bahay. Napailing nalang ako dahil doon. Really, Terrence? Akyat-bahay sa hitsura mong 'yan?
Kaagad din akong napahinto noong masilayan ang lalaking tumatakbo patungo sa gate. Mababa lang iyon kaya makikita mo siya ng malinaw.
He's smiling while running towards my direction. Bahagya pang magulo ang may kahabaan nitong buhok ngunit bumagay din iyon sa kaniya. I can also hear his little giggles.
Fuck.
Mas maganda pa siya sa umaga.
Cheddery.
“Kuya!” Automatikong gumuhit ang ngiti sa labi ko dahil doon. Nakaangat ang tingin nito sa ’kin habang ako ay bahagyang nakababa. He's small, mas maliit talaga ito sa ’kin kaya kailangan nitong tumingala habang ako naman ay yumuko.
“Good morning." Mas lalong lumawak ang ngiti niya. Hindi rin nakalagpas sa 'kin ang suot niya. He's just wearing an oversized shirt and pants ngunit bagay na bagay iyon sa kaniya. Mukha siyang sigang babae na may anghel na mukha.

YOU ARE READING
Under His Grip ( Under Series # 2 )
RomanceTerrence Howard Cojuangco, a Manila boy who fell in love with Cheddery Fragaria Yebes, a Baguio boy who's as sweet as his name, strawberry.