抖阴社区

CHAPTER 26

2.5K 97 32
                                        

Terrence

November ended like the wind. I just woke up one day and realized that it was already December. And unfortunately, I am still stuck in the deep trenches of work. Lubog na lubog na sa mga school works.

Putang ina lang din. Parang ako ang susunod na taga-pagmana ng buong Pilipinas. Kung parusahan kami sa schoolworks ay wagas. Malapit na ang holiday break kaya sinasagad na nila lahat ng mga kailangang gawin at ipasa.

Unang pasok palang din nang week nang December pero sinalubong na kaagad namin ng inuman. Dinadamayan na rin namin si Wade na halos magpalamon na sa condo niya. Hindi na rin halos sumasama sa ’min, e. Kapag nasa school naman ay kaonting kibuan lang din dahil sa rami ng ginagawa.

"Inom pa, Wade!"

Halos kanina pa inaabutan ni Marvin ng baso si Wade, halos punuin pa niya. Tinutungga naman kaagad ito ni Wade. Inaawat na rin namin pero ayaw magpatalo. Halatang gustong-gusto talagang makalimot kahit saglit.

Nasa balcony kami ng kuwarto ko. Request din ng girls dahil mas malamig dito. Presko rin ang hangin, kitang-kita ang buwan at ang mga bituin sa kalangitan.

Napatingin ako kay Veronica noong maupo ito sa tabi ko. Kasama rin namin ang girls na magugulo na rin. Si Vern nalang yata ang hindi gaanong nakakainom dahil galing ito sa labas, may sinagot na tawag.

"Okay pa si Wade?" Natatawang tanong nito habang nakikita ang kaibigan namin na namumula na rin. Siya lang ang kanina pa tumutungga, e.

"He's still fine. Kaya pa niyan." Susuko naman ito kapag alam niyang malakas na ang tama ng alak sa sistema niya. "Coke?" Umiling sa ’kin si Vern at iyong isa pang basong hawak ni Chiara ang kinuha nito. Nakaupo sa lapag si Chiara at ang iba pa. Nakita ko rin kung paano saglit na sumulyap si Hance sa direksiyon ni Chiara. Hmm.

"Picture tayo!" Napatingin kami kay Vienna noong itinaas nito ang phone. Kaagad naman kaming tumingin doon at ngumiti. Pupunuin nanaman nila ang timeline naming lahat. Kinakabahan na nga rin ako minsan dahil nakikita lahat ni Ched. Nagpapaalam naman ako sa kaniya. Hindi rin ako sumasama kung ayaw niya. Pero hindi pa naman siya tumututol basta raw alam ko ang limitasiyon ko. Nag-uupdate rin ako palagi kung saan ang spot, sino ang mga kasama, at anong oras ang uwi.

After taking some pictures ay bumalik na rin kami sa ginagawa. Nagkukuwentuhan lang din ng kung ano-ano.

Bumuntong-hininga si Hance at umayos ng upo. "We broke up 1 month ago. Her name is Sheikha, half Chinese siya na lumipat sa ibang bansa dahil kinuha ng parents niya. We're okay, our relationship is really fine. Hindi kami nag-aaway dahil naiintindihan namin ang isa't-isa. Libre rin kaming gawin ang lahat basta nasa limitasiyon kami. Wala naman akong bisyo dahil wala na akong oras para roon."

And that’s how we found ourselves quietly listening to Hance, who was talking about his ex-girlfriend—how she, I guess, cheated on him. Mas nakafocus din si Wade na parang interesadong-interesado sa mga sinasabi ni Hance.

Then, my guess is right. Natahimik nalang kami noong nabanggit nga ni Hance na nahuli niyang may kasamang ibang lalaki. Worst, iyon pang pinagseselosan niya. Iyong taong pabor na pabor ang pamilya ng ex-girlfriend niya.

At this point, I don’t know what to feel. He was cheated on. I just can’t think of any reason why people cheat. I understand that in relationships, there may come a time when we feel like something is missing—maybe attention, affection, or emotional connection. But instead of addressing those issues openly with our partner, some people look for fulfillment elsewhere. We shouldn't seek fulfilment from someone else and risk our relationship.

Second, this Chinese tradition continues to haunt me to this day. I still can’t understand the idea that, as parents, you have the right to decide your child’s future, particularly when it comes to choosing a spouse. What gives anyone the authority to arrange something so deeply personal without the full knowledge or consent of the person most affected?

Under His Grip ( Under Series # 2 ) Where stories live. Discover now