Sinamaan ko siya ng tingin at pinatong ang bulaklak sa itaas ng kahon. Sabay ko itong binuhat papasok ng quarter namin.
”Anong laman?” Si alexa na naka sunod pa rin pala sa'kin.
“May pa-flowers pa ah?” Sinundot nito ang tagiliran ko at muling sinilip ang kahon.
Tamad ko naman siyang binalingan at nginuso ang pinto. Bumilog naman ang bibig niya at lumingon din doon.
“Ohhkay, privacy, sige...” Ngisi nito at dahan-dahang lumabas ng pinto. Nakahinga ako ng maluwag nang isara nito ang pinto.
Saglit pa akong napatitig sa bulaklak bago tuluyang bumaling sa kahon. Maingat kong nilapag ang pumpon ng bulaklak sa ibabaw ng mesa at dahan-dahang binuksan ang box gamit ang cutter.
Unang bumungad sa'kin ang mga may etiketa pang mga damit, karton ng mga sandals at sapatos. Namangha ako sa ganda at sosyal ng mga bestida. Mukhang mamahalin. Nagulat ako nang makita ang isang hindi lalampas sa siyam na pulgadang kahon na may nakaukit na litrato ng bagong brand ng telepono.
Sa likod na bahagi nito ay may nakadikit na sticky note.
Call me if you need something.
09****
-K
Agad kong binuksan ang kahon ng cellphone sa pananabik. Ngayon lang ako nagkaroon ng ganon. Marami akong kaidarang may mga ganito noon sa probinsiya ngunit hindi kasing mahal at kasing ganda nito.
Agad ko itong binuhay at tinipa ang numero niya sa contacts.
Kerosene
Tumawa ako habang tinitingnan ang pangalan niya sa screen ng telepono ko. Siguro ay inayos niya muna ang sistema nito bago ipinadala sa'kin. May sim card at signal na rin kasi ito. Wala pa masyadong apps, pero ok na. Marunong naman akong gumamit nito kahit papaano.
Nang sumapit ang hapon ay nakatayo na ako sa tapat ng daan upang mag-abang ng jeep. Hindi na ako sumabay kina alexa kahit pa pinipilit ako nitong isabay.
May pakiramdam din ako 'no! Nakakahiya sa nubyo niya. Kaya ko naman ang sistema sa Jeep, medyo masikip. Sari-sari ang amoy ng mga pasahero dahil hapon na at uwian narin.
Nakarating ako sa bahay pasado alas singko ng hapon. Wala pa si ate Jean. Dahil siguro lunes, maraming ginagawa.
Nagbihis ako at saglit na nagpahinga. Nagluto ako ng hapunan namin ni ate para kahit papaano'y may ambag naman ako rito. Hindi niya na ako pinagbabayad sa pagtira ko rito kaya kahit sa simpling pag-luluto ay masuklian ko man lang iyon.
Maaga ulit ako kinabukasanan. Sabay kaming lumuwas ni ate Jean upang tumungo sa kanya-kanyang trabaho. Dumating ako sa gusali ng alas sais singkuwentay uno. Wala pang masyadong tao.
Seven ang pasok ko pero dahil rush hour kapag ka ganoong oras ay mas mainam na maaga ako. Dumiritso ako sa quarter upang makapagpalit ng uniporme.
Magtatanghali na nang nagsidagsaan ang mga tao sa resto. Tirik na tirik ang sikat ng araw sa labas kaya't kahit dito sa loob ay ramdam na ramdam mo ang init.
Nagpupunas ako ng lamesa nang biglang tumili si sir rumulo. Nagmamadali itong umalis sa counter at pagiwang-giwang na tinungo ang tanggapan ng gusali. Napabaling din tuloy ako roon.
Umawang ang labi ko at mabilis na iniwas ang tingin. Narinig ko ang kabadong halakhak ng bading habang inentertain sila. Binalikan ko sila ng tingin.
Nakakapit padin ang babae sa braso niya. Nakangiti ito at mukhang ipinagmamalaki ang sarili habang yakap-yakap ang braso ni kerosene. Maganda siya, hindi ko maipagkakaila iyon. Matangkad at mestiza. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako rito kaya nang iniwas ko ang aking tingin dito at ibinaling sa kasama niya ay halos mabulunan ako ng sariling laway nang maabutang mariin ang tingin nito sa'kin.
Agad akong umiwas ng tingin at tinutukan ang ginagawa.
Ganoon ba ang mga tipo niya?
Bumaba ang tingin ko sa sariling katawan at mariing pumikit. Matangkad ako pero hindi gaano. Maputla ang kutis ko ngunit mabilis akong mamula kapag naaarawan. Sa ganda naman... Ewan ko.
Patapos na ako ng maramdaman ang presensya nito sa aking likuran. Hindi ko siya nilingon at nagmamadaling umalis roon ngunit bago pa man ako makahakbang ay hinigit na niya ang braso ko.
Mariing tingin ang ipinukol niya sa'kin. Napaiwas ako dahil roon.
“You didn't text me.” Turan nito sa matigas na english.
“Wala naman akong kailangan” Mas lalong nandilim ang paningin niya sa'kin.
“Kahit na!”
Nanatili ako nakayuko.
“Iyon naman ang nakalagay sa—
“I don't care.” Putol nito sa akin at inangat ang aking baba gamit ang kanyang hintuturo.
“Obligado kang magsabi sa'kin ng mga ginagawa mo.” He said gamit ang mababang tuno. Kumunot ang noo ko.
“Bakit?” Nag-iwas siya ng tingin at binasa ang kanyang ibabang labi.
“Nothing.” Ibinalik niya ang tingin sa akin at mabilis akong hinalikan sa labi.
Umawang ang labi ko nang tumigil siya, namumula pa ang kanyang labi galing sa pag halik. Umangat ang sulok ni labi niya habang pinapanood ang reaksyon ko. Muli niya akong hinalikan bago ako talikuran.
🍵

YOU ARE READING
Relying On You (AC Series #1)
RandomRelying On You: Nyphzgyrie Akira Vulier one of the most mapantasyang nilalang sa mundong ibabaw, charrr... Isang dalagang nasanay sa buhay brobensya, isang dalagang Hindi kilan man nasilayan ang kanyang ama't, ina. Tumayo sa sariling mga paa. Tingg...
CHAPTER 18
Start from the beginning