Chapter Eighteen
"IT was an adlib direk," Mateo said, his lips curling into a mischievous grin. Hindi man lang naging tense ang pagmumukha nito habang ang mga kilay ni Direk ay nagdugtong na, nakakunot ang noo nito at matalim na tiningnan si Mateo.
Mabilis ang tibok ng puso ko, na parang may drum na bumabayo sa loob ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi dahil sa nanlilisik na tingin ni Direk. Bumalik sa isip ko 'yung sandaling halos maglapat ang labi ni Mateo sa akin-napasinghap ako nang bahagya, at parang may kung anong kiliti sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag.
I shrugged the feeling. This is not good, and will never be! Argh! I hate this!
At isa pa ano bang gusto niya? Paulit- ulit naming e take ang scene dahil sa kabobohan niya?! Di kasi nag- iisip. He just ruin the atmosphere! Kami tuloy lahat ngayon ang napapagalitan.
Sinamaan ko siya ng tingin at nagtaas ng kilay, bago ako tumalikod at lumapit kay Mare. His presence is literally stressing me out.
Si Mare ay parang napako sa kinatatayuan niya, nakanganga at hindi makagalaw. Nang mapalapit ako, para siyang natauhan bigla, at mabilis na nagpaypay sa sarili, halos hindi mapigilan ang pamumula ng pisngi niya. "Kalurks kayo, te!" bulalas niya, halos hindi makapaniwala sa nakita.
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Kami? Wala naman akong kasalanan!" giit ko.
Muli kong pinagmasdan ang nagmamagaling na si Mateo at ang director naming pulang- pula na. Namayani ang katahimikan sa buong set, at walang naglakas ng loob na magsalita bukod sa nag- iisang lalaking kinaiinisan ko.
"Direk okay lang 'yon, mas kikiligin ang mga audience," dagdag niya.
Nag-igting ang kamao ni Direk habang nakaturo kay Mateo, halos umuusok ang galit sa kanyang mga mata. "Mateo, anong akala mo sa eksenang 'to? Binubuo pa lang natin ang character development ng bawat karakter!" Bumibigat ang bawat salita niya, puno ito ng inis. "Hindi pwedeng sa unang limang episodes pa lang, may feelings na agad ang bida! Mawawala ang excitement!"
Ang tingin ni Direk ay matalim na dumaan sa bawat isa sa set, halos nanginginig pa sa galit. Saglit itong tumigil sa akin, at muli siyang madilim na tiningnan si Mateo. "Wala akong sinabi na halikan mo siya agad!"
"Pero hindi ko naman siya hinalikan," mahinang wika ni Mateo.
Nakakaloka siya, tanga ba siya? Mas lalo niya lang pinapagalit ang direktor namin.
"Kayo, kayo!" Tinuro ni Direk si Mare at Oliver. "Ayusin niyo ang mga alaga niyo!!!" singhal niya bago lumabas ng room. Nabingi kami ng malakas nitong binalibag ang pintuan, nang tuluyang makaalis si Direk saka palang umugoy ang ingay sa loob ng set.
Mare tap may shoulder. "Kaloka, nadamay pa ako!" Mare is now sweating at malakas nitong pinaypayan ang sarili.
Hindi ko naman siya tinugon bagkus, mas pinili ko ang humakbang patungo sa kinaroroonan ni Mateo. When he saw me, agad na nagshift ang atensyon niya sa 'kin.
Tiningala ko siya, ang mga mata ko'y punung-puno ng pang-uuyam. I eyed him, ang mga tingin ko sa kanya ay parang nagsasabing siya ang pinakakinaiinisan kong nilalang sa buong mundo. "Nakakahiya ka," binitiwan ko ang mga salitang parang tinaga sa hangin, at walang sabi-sabing umalis sa set.
Mabilis akong tumakbo patungo sa labas ng shooting area, at umupo sa katabing bench, napahilamos sa mukha sa inis.
Napasigaw ako, "Nakakainis ka! Inaraw-araw mo na ang pambubulabog sa buhay ko!" I shouted in the air, hindi ko na inaalala kung may makakarinig man sa akin. Nang mailabas ko na lahat ang hinanakit napahawak ako sa tuhod at napaupo. Ilang minuto ang lumipas narinig ko ang pagring ng phone. When I open it, nagpop up ang name ni Mare.
Bumuntong hininga ako bago ito sinagot. "Ano na?"
"Te, bumalik ka na rito. Nandito na ulit si Direk," aniya.
"Okay, I'm on my way," tipid kong wika saka pinatay ang tawag.
I was quietly walking in the hallway. Nakakainis dahil para na naman kaming sirang plaka nito, pero anong magagawa ko? Hobby yata ng lalaking 'yon ang manira ng mood.
Nang makarating sa set, the glam team immediately freshen me up at walang sinayang na oras ang team.
Nasa harap ako ni Mateo, pilit na nire-recover ang focus ko matapos ang gulo kanina.Tumawag si Direk ng "Action," kaya handa na akong mag-react bilang karakter ko.
Huminga nang malalim si Mateo, bahagyang nag-shift ng posisyon, tapos binuksan ang bibig niya para sabihin ang linya niya. Pero may mali... parang may kulang. Walang buhay ang boses niya, para bang binabasa lang niya mula sa script na ngayon lang nakita. Ang mga mata niya, walang kislap, halos hindi makatingin sa akin. 'Yung usual na intensity niya, 'yung apoy na dala niya sa bawat take, parang biglang naglaho.
He slam the door. "You are so desperate." Bumagsak ang linya niya na parang bato. Walang damdamin, walang lakas-puro salita lang na nakabitin sa hangin, walang laman.
Hinintay kong magpatuloy siya, umaasang maglalagay siya ng kahit konting emosyon sa bawat linya niya, pero wala. Halos hindi man lang siya kumurap, at ang mukha niya'y parang blangko. Pati katawan niya, parang nawalan ng sigla, nakalawit ang mga braso sa gilid niya.
Sa gilid ng mata ko, nakita ko si Direk na nakakunot ang noo, halatang naiinis sa kinauupuan niya. Naramdaman ko rin ang tensyon sa buong set, halatang lahat kami ay nagtataka sa kakaibang shift ng energy ni Mateo.
"Cut!!!" Muling sigaw ng direktor sa ere.
I just glare at Mateo, what the hell happened to him?! Is he out of his mind?
Muli naming inulit ang eksena, hanggang sa ma- satisfy na si Direk.
I make it sure to roll my eyes bago lumayo sa kanya. Mabilis namang lumapit sa 'kin si Mare. "Kaloka te! Dinamdam yata ng Mr. Right mo ang nangyari sa kanya kanina."
Inirapan ko siya. "Hindi ko naman siya Mr Righ! Yuck, never mangyayari 'yon." Instead of looking at Mare, sa taong nasa likod niya ako nakatanaw. It was Mateo, Oliver is talking to him in a low voice, Mateo is not wearing his usual grin- and what the fuck! It bothers me to the core!
Look I should be happy right now! Kasi tapos na ang taping, bukas ko na naman siya haharapin. But damn it! Lord bakit ko ba siya inaalala?
Kinagabihan bumalik na kami sa hotel. I am on my pajamas, at nakaharap ako sa screen ng laptop. Nasa likod ko si Mare habang kumakaway naman siya kay Andra. Nagvivideo call kami to inform Andra about the happenings, since hindi kami makachika face to face.
"Sis, hows the plan?" tanong niya.
Naalala ko naman bigla ang naging usapan namin ni Andra. I shrugged my mind bago siya sinagot. "Not planning to do it," aniko.
"Kalurks kayo te! Mga others, anong plano plano ba 'yan?!" Pagmamarites ni Mare. Mas lumapit pa ito sa 'kin para makita ang buong mukha ni Andra sa screen.
"Not that important te," I stated to devert their attention.
Pero maloko namang ngumisi si Andra sa kabilang linya. "It's about Mateo, her darling," wika niya sabay ng pagtawa.
When Andra mentioned the endearment 'darling' bigla kong naramdaman ang pagkabog ng puso. Ito na naman ang horror episode na hindi ko alam kong kailan matatapos.
"Te! Gusto mo na ba siya?!" Umalingawngaw sa buong sulok ng room ang boses ni Mare, nanlaki ang mga mata nito at napataas ang tingin sa kisame. "Di ako makapaniwala!" aniya.
Kinutusan ko naman siya at tinaasan ng kilay. "Susupalpalin ko talaga 'yang bunganga mo! Sinong nagsabi niyan?!" Tumaas ang boses katulad ng kung papaano tumaas ang balahibi ko, at naramdaman ang panlalamig ng batok.
Napatakip ito sa labi. "Omg! Confirm ate mo girl!" singhal niya at nag- apir kay Andra na animo nandito talaga si Andra. "You should reply 'Yuck! Never!' te alam ko na tumatakbo sa utak mo!"
Malokong tumawa si Andra sa screen, and suddenly I feel my face flustered. Mabilis kong sinirado ang laptop at padabog na iniwan si Mare. "Te wag kang lalapit! Baka di kana makita sa set bukas!" Banta ko saka mabilis na tumakbo patungong kwarto.
What the hell?! Ano ba 'tong nangyayari sakin?! I'm afraid this horror feelings will continue to bother me!

BINABASA MO ANG
Romcom: Not a Love Story
RomanceCan reel turn into real? Can opposite really attracts? Can loathing turn into love? ??? Lindsey San Agustin, is an actress with a confident and strong personality when she is paired with the man she hates the most- Mateo Ocampo. Everyday becomes a...