抖阴社区

Chapter 27

61 10 0
                                    

HIS SIDE OF THE STORY

Just like Julie Baker, the first time I laid my eyes on Lindsey—I flipped. Una ko palang siyang nakita alam ko nang mababaliw ako sa kanya.

Nakadekwatro akong nakaupo sa reading nook ko at hawak ang sketchbook na simula noong highschool ko pa ginagamit. Binuksan ko ang unang pahina, nakasulat ang pamagat dito, manilaw- nilaw na ito dahil sa katagalan.

‘Mga Guhit Para sa Magandang Dalaga

Sa ikalawang pahina nakaguhit ang portrait ni Lindsey. Mayroon ding caption na nakaattach.

She's Lindsey San Agustin, and I'm inlove with her... I always steal a glance capturing every detail of the way she looked when she laughed, or when she was so lost in thought. Even when her eyebrow knit because of me—damn! Darling (she hates this endearment) ang ganda mo. ’

Sa ikatlong pahina tumambad ang guhit ng isang nakaunipormeng babae, pinagtatanggol nito ang nakatayo at loser na lalaki; pinagtatanggol ako. Umangat ang labi ko ng mabasa ang caption gamit ang cursive na sulat.

‘I love you not because of how you look, but because of the way you made me feel that day—like I was worth something.’

I love her—not because she’s Lindsey San Agustin, not because of her smile, pretty face, or the number of followers she has. It’s something beyond that, something only a few people can truly see. Something deeper. Something that stuck with me long after that moment had passed.

Siguro nakalimutan na niya, pero hindi ko pa rin malilimutan. Grabe, ang tapang niya. She defended me when no one else would. I can still remember how she punched that guy. She is so cool, so fearless.

My smile fade nang maalala ang dahilan kung bakit ko ibinuklat ang sketchbook na 'to. Oo nga pala, iguguhit ko na ang epilogo.

Nang malaman kong siya ang makakatambal ko sa next project hindi ako nag- alangang pumayag. Kahit 'di ko pa alam kung tungkol saan ang series namin.

I flip the next page at tumambad naman ang guhit ko sa  hospital. I was arguing with my mom that time, akala ko pa bumisita siya para kumustahin ako pero senermonan niya lang ako. Nothings new, pero sa gitna ng paghikbi bumalik si Lindsey kaya natigilan ako.

Nakaguhit sa pahina ang babaeng nakahawak sa pulsuhan ko, at muling may nakasulat na caption sa ibaba nito.

‘She h-hold my hand. . . lumalakas na naman ang kabog ng puso ko.’

I was so lost in that moment, tumakbo kami papuntang rooftop upang matakasan ang mga tao. Napakaganda ng scenario, ngunit sa mga panahong iyon nalunod ako sa mga mata niya. She is starring at the sky and I was stupidly staring at her— ang ganda.

Hindi ko alam, naiboses ko pala ang mga salitang 'yon.

I continue to flip the page at tumambad sa akin ang guhit ko noong nasa stockroom kami. Lindsey is holding my neckline at ang lapit ng pagmumukha niya sa 'kin. I chuckle when I read the caption.

‘Her jaw tightened, her eyebrows knit, her eyes want me dead. But my stupid heart hammered like she's a lure that I can't resist.’

The next sketch is a splitting image of myself kasama si Lindsey sa loob ng kotse. Ito 'yong gabing naospital ang mama niya, 2 hours akong naghintay sa kanya sa labas ng condo ni Andra. I keep on calling her pero hindi siya sumasagot. I started to overthink baka may nangyaring masama sa kanya.

Nang basahin ko ang caption muling nanumbalik ang kaba ko noong gabing iyon.

‘She was uncomfortable, humigpit ang hawak nito sa jacket niya, naramdaman ko agad yung tension sa loob ng kotse. My heart skipped a beat—kinabahan ako. Hindi ko alam kung bakit, but my hand... my hand was shaking. I tried to ignore it fumbled with the stereo, trying to play her favorite song, just hoping it would somehow make everything okay. Buti nalang Lord, gumana. Kung hindi mababaliw ako.’

Habang patuloy na binubuklat ang sketchbook, bumibigat ang balikat ko. Dahil alam ko kapag matapos ko na ang huling pahina, tapos na rin ang kuwento.

Bigla kong naalala noong gabing nakita ko si Lindsey sa isang karaoke bar. Noong gabing iyon nagkaroon ng away si mama at Annika, naglayas na naman ang kapatid ko. Halos mabaliw na ako kakahanap sa kanya, at nang makita ko siya, kasama niya si Lindsey—she save my sister.

I stumble because of her presence, bahagya akong nagulat. She's really a guardian to everyone, lagi niyang pinagtatanggol ang lahat.

At dahil sa pagtatalo nila mama nalate ako sa interview namin ni Lindsey. Palaging pinipigilan ni mama ang mga hilig namin, gusto niyang kagaya ko ay pasukin din ni Annika ang pag- aartista. Kahit labag din naman sa kalooban ko 'to.

Pero nakita ko lang ang pagmumukha niya, nawawala bigla ang problema ko. I sang a song, and the moment our eyes met, all my problems melted—siya ang pahinga ko. She can devert my attention without even trying.

Ang kasunod na pahina ay guhit naming dalawa, detalyado kong ginuhit ang pagyakap niya sakin sa gitna ng ulan.

I smile bitterly when I read the caption, presko pa rin sa utak ko ang gabing iyon.

‘The rain used to paralyzed me, I cannot move—I don't feel a single thing.  But that night she stood next to me, caressing me, and humming her favorite song. Her voice is soothing, something changed—and for the first time in a long time, I didn’t feel so scared. I didn’t feel alone.’ Oh darling, I am starting to think you have super powers.

Bahagya akong natawa sa sarili ng may makaliktaang pahina, I glance at the page. Nakaguhit dito ang una at huling date namin ni Lindsey.

‘I was stupidly inlove with her, I just rented a whole mall. Ang aga kong dumating kahit 7PM pa sana, I keep on waiting for her...but there's no trace of her. Then my face suddenly lit up when I saw a figure arguing with the guard—she came.’

Isang pahina nalang ang may guhit, bumuntong hininga ako bago ito pinagmasdan. The sketch show a drawing of me and Lindsey, iniabot ko sa kanya ang jar ng fireflies.

I saw how she react when I’m with Serrah, tumaas bigla ang pag- asa ko. Kaya naisip ko ang ideyang ito. When I first glance at her at the event damn! Muli na namang umikot ang mundo ko. I already plot my plan at lalapitan na sana siya pero may nambastos sa kanya, hindi ko naramdaman noong nabasag ang baso sa kamay ko. Napangiti ako ng kaunti ng maalala iyon.

Sa ibaba ng larawan may nakasulat na caption.

‘I catch fireflies—darling nilamok pa ako dahil dito noong isang araw.’

I was smiling like crazy, even though she left me at sinungitan ako. Hindi ko namalayang isang anino ang tumakbo papunta sa akin, ang huli ko nalang naramdaman noong gabing iyon ay ang pagbagsak ko sa malamig na lupa. I am showered with my own blood— but at least if I die, she's the last person I saw.

Nagsimula ng manginig ang kamay ko ng pagbuklat ko ay wala ng guhit. I hold my pencil tightly, I started to put my emotions into art. May butil ng luhang tumulo sa pahina. The last thing I draw is just myself... sitting silently in an abandoned mansion—waiting for nothing. After the medical center accident, I realized something, it is just me. All I feel is one sided. Pagkatapos gumuhit puro blanko na ang kasunod nito, mga pahinang hindi na malalapatan.

Nanginginig ang kamay na isinulat ko ang caption ng iginuhit.

‘This is me being bewitched by the princess I can't call my own. The destiny already decided—I will forever long for her, watch her from a far. Because it is only in fairytale where the beast gets the beauty.’

I suddenly remember our character, si Marcus at Mikha. Now it make sense kung bakit kami ang napiling gumanap. Hindi dahil malakas ang chemistry namin, ngunit dahil hindi naman naging endgame si Marcus at Mikha— hindi naging sila.

Mabigat kong hiniga ang sarili. “I will give this to her tomorrow. . . the truth will hurt, but I am now ready to hear what she really feels.”  Kahit halata na sa mga kilos niyang wala akong pag- asa.

Romcom: Not a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon