Chapter Twenty- two
“DAMN it! Why are you always like this!” bulalas ko, sa nakahilatang si Mateo. He is now sleeping peacefully. May bandage ang tagiliran niya dahil sa tinamo nitong saksak. Nahuli na ng pulis ang sumaksak kay Mateo, and it was the guy from the party. 'Yong extrang nambastos sa 'kin.
Tahimik dito sa loob, tanging frustration ko lang sa lalaking to ang nagpapaingay sa paligid. I hate this man! Ang tanga niya palagi!
I clench my fist saka naramdaman ang pamumula ng mukha. I shouted my heart out, at idinuro ang lalaking tulog na nasa harapan ko. “I despise you! Ang tanga mo! Hindi mo alam paano mag- ingat!” Kumakabog ng napakalakas ang dibdib ko. Ngunit iwinaksi ko ang lahat ng nararamdaman.
“Palagi mo nalang akong dinadamay sa katangahan mo! Why are you so careless! Una sa sunog tapos ngayon ito naman! Hoy gago, hindi ka pusa! Hindi siyam ang buhay mo!” Isang mainit na likido ang kumawala sa mata ko, dumaloy ito sa labi ko at nalasahan. It was salty, just like how I felt.
Umupo ako sa paanan niya at napakagat sa labi. Inilandas ko naman ang tingin sa lalaking kinamumuhian ko. “Don’t try to save my life again,” madiin kong wika.
“Darling...”
Napitlag ako at mabilis na napayo, nang lingunin ko ang loko he is now smirking. Smirking like this is the best day of his life. “Wag ka ng mag- alala, okay na ako," he said using his most disturbing voice.
I roll my eyes. “Ang kapal mo naman! Bakit kita aalahanin?!”
Napuno ng halaklak niya ang buong silid. Maloko itong nakatingin sa akin at mas sumisingkit ang mata niya. “Kasi gusto mo ako. Simple, aalahanin mo ako kasi gusto mo ako.” Pinandiinan niya ang huling tatlong salita na nagpareact na naman sa piste kong puso.
Agaran ko siyang tinapunan ng nakamamatay na tingin. “Who told you na gusto kita?!”
He lean his back in the headboard saka binigyan ako ng makahulugang tingin. “So may gusto ka talaga sa 'kin darling?”
Napapikit ako, hinigpitan ang hawak sa huling natitirang pasensya ko bago siya tinalikuran. “Argh! You are unbelievable!” Mabilis akong naglakad papunta sa pintuan, hinanda ang sarili na makalabas na, ngunit sa pagbukas ko ay tumambad sina Serrah at Oliver, napatigil at tila nagulat sa inabutan nila.
Napalingon sila mula sa akin hanggang sa lalaking nasa likuran ko, waring nagtataka kung ano ang nangyayari. Nag-init agad ang pisngi ko sa tingin nilang pareho.
“Lindsey! Good to see you, napabisita ka!” ani Oliver. Pareho silang pumasok sa kwarto ni Mateo.
Tahimik na umupo si Serrah sa gilid ni Mateo, tinitingnan siya na para bang nag-aalalang may masakit sa kanya. “May masakit pa ba?” tanong niya, mahinahon ang boses, malambot at nagmamalasakit.
Napatingin ako sa paligid, sa pag-aakalang makakalabas na ako nang tuluyan. Pero sa hindi ko maintindihan, nakita ko na lang ang sariling bumalik at naupo sa tabi ni Oliver. Pinanood ko si Mateo, nakangisi ito na parang bata, at si Oliver ay maloko ring nakatingin sa kanya. Parang may pinaguusapan silang hindi ko maintindihan.
“I am surprised, Lindsey, bumisita ka pala,” ani Oliver.
Parang umiinit ang paligid ko. Ano ba 'to, hot seat? Bakit parang nasa gitna ako ng interrogation at lahat ng mata nakatuon sa'kin? May ginawa ba akong murder case?
Iniwas ko na lamang ang tingin, pero hindi nakawala sa gilid ng mata ko ang imahe ni Serrah na nagbabalat ng orange saka inaabot ito kay Mateo. Bigla nalang nanuot sa isip ko ang nakita, I clench my teeth. Naimagine ko bigla ang isang crime scene sa movie. Naramdaman ko ang mas lalong pag- angat ng kilay ng iniangat ni Mateo ang kamay at sinubuan si Serrah ng orange. Napakalawak ng ngiti niya kay Mateo. Pansamantalang naging invisible si Oliver, nasa dalawang naglalandian lang ang tingin ko at hinintay ko ang pagkakataon na bumara sa lalamunan nila ang seed ng orange.
Bigla akong natauhan ng kinalabit ako ni Oliver. “Lindsey, bakit ikaw lang ang bumisita, si Mare? Bakit hindi siya sumama,” tanong ni Oliver. Nagpalipat- lipat ang tingin niya sa 'kin at sa dalawang taong nasa kama. “Hays, normal lang talaga 'yan. Nakakaselos talaga,” aniya.
What the hell!? Perfect match nga talaga sila ni Mare! Parehong mga baliw.
Tinapunan ko siya ng matalim na tingin. “I am not jealous, at isa pa hindi ako bumisita, hindi ko intensyon na bumisita. Mare insisted na puntahan ko siya. Since, he just risk his life for me.” Pinandiinan ko ang huling salita at sandaling tiningnan si Serrah. Nakatutok na sa 'kin ang mga mata nila ngayon.
“So nag- agree nalang ako, at gusto kong tingnan kung buhay pa ba siya,” paliwanag ko, pinilit gawing casual ang tono. I don't know if I explain it right, I just let my mouth open at hinayaan nalang kung ano man ang masabi ko.
“Kasi kung patay na siya, mamomoblema ako. Hahanap na naman ng panibagong male lead si Direk,” dugtong ko.
Does it even make sense? Maganda ba ang pagkakaconstruct ko ng sentence? Magaling ba ang pagkakaarte ko? Because damn! I hate to admit it, but it felt so scripted.
Sa puntong iyon, humagalpak ng tawa si Oliver, at sumabay sina Mateo at Serrah na parang may sariling joke silang tatlo na hindi ko maintindihan.
“Nakakatawa ka pala talaga, Lind,” ani Serrah, lumingon pa sa akin na para bang ang tagal na naming magkaibigan. Nakakunot lang ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Lind? Ang feeling close hah.
I roll my eyes bago tumayo sa kinauupuan. “Enjoy yourselves, sa labas nalang ako maghihintay kay Mare.” Hindi ko na hinintay ang itutugon nila at mabilis na lumabas.
Habang naglalakad sa hallway parang pinipitik ang utak ko. Napapakuyom ang kamao ko, at paulit- ulit na nagpa-play sa isip ang pagmumukha ni Mateo at Serrah. Argh! I hate him even more.
“Pssst!” Napahinto ako sa paglalakad ng marinig si Serrah.
I slowly turn my gaze at natanaw ko siya. Nakangisi itong lumakad papalapit sa akin. Lumiwanag ng mukha niya ng tuluyan akong makaharap.
“Are you planning to give me a warning?” Mapakla kong wika. Ngunit tinugunan niya lang ako ng ngiti.
She examine the sorrounding at nang masigurong walang tao, she lean closer kaya bahagya akong napaatras. “Wag kang magselos, it was all an act,” she playfully said.
Napakunot naman ang noo ko. Nababaliw na ba sila ni Mateo? Nakadrugs ba sila?
“He wanted to make you jealous.” She mischievously smile. “Look, just believe me.”
Mas tinaas ko pa ang kilay at mas lalong kumunot ang noo. Serrah just let a chuckle saka tinapik ang balikat ko, she slowly lean closer saka bumulong sa tainga ko. “Let me tell you a secret...I prefer girls.”
Sandali akong napako sa kinatatayuan. Lumayo na ito sa akin at nakangising itinapat ang index finger sa labi nito. “Shshshshs... secret lang 'yon.” Lumakad na siya papalayo.
What a twist! I didn't know how to react, and did she just say na nagseselos ako?! Ako magseselos sa lalaking 'yon? Ang kapal naman niya! Ngunit nakapagtataka kasi dahil sa sinabi ni Serrah bahagyang kumalma ang puso ko, para bang may naalis na tinik dito.
I fight the urge not to smile like an idiot. I hated him, I hate this feeling! Lord, ibalik mo na sa horror please.

BINABASA MO ANG
Romcom: Not a Love Story
RomanceCan reel turn into real? Can opposite really attracts? Can loathing turn into love? ??? Lindsey San Agustin, is an actress with a confident and strong personality when she is paired with the man she hates the most- Mateo Ocampo. Everyday becomes a...