抖阴社区

                                    

Nakangiwi nalang akong nanonood. Nasa gitna na sila ng court at nag tama ang mata namin ni Daze. Kinikilabutan na agad ako sa ipakto ja ito. Pinakyuhan ko sya pero ang loko kinindatan lang ako.



Partida, may sama ng loob sakin yan ha.



"AT ANG MAKAKALABAN! ANG TEAM RED TEAM!"



Ilang minuto pa ang lumipas at pinakilala din ang Red Team. Hindi na nag sigawan ang mga kasama ko kaya naman kumakain lang kaming lahat habang nanonood.



"Thank you, south! You know that i love footlongg!!"


(--__--)



Ngumiwi ako kay Klayklay. Kung ano ano na naman ang sinasabi nya. Nakakatakot!! Grrr!. Kinuha ko nalang ang cellphone ko ng mag vibrate ito.


DEMIAN😈
Message: Anak ka ng nanay mo! Bakit hindi ka man lang mag chat?! Mag lalayas kana? Mag rerebelde kana?! Ano?! Kanina pa ako natawag tapos walang nasagot! Anong ginagawa mo?! May jowa kana? Iiwan mo na kami?! Aba na naman!

Message: Kumain na u??

Tangina. Hindi ko alam kung bakit pinalilibutan ako ng masasamang nilalang. Nag chat nalang ako at nanood na ng basketball.

"At inabot na nga kay Travis! BAAAANGGGGG! 3 POINTS!"

"Wah! Go Travis!" Agad akong napatayo at sumigaw sigaw ng maka 3 points sa Travis! Tumalon talon kami nina Spade at Klayklay na parang nanalo sa Lotto. Ang galing ni Travis! Kenekeleg ake!

"Inabot kay Harry!--naagaw ng pula!.. Hayan na! Hayan na! Hinagis at naabot ni Daze!... BANNNGGG! 3 Points!"

Bangenangyan.

Natulala ako doon. Half court?! HALF COURT! na shoot iyun ni Daze. Wow! Hindi ko alam na magaling din pala ang demunyitong ito.

Naka ilang time out pa hanggang sa nag fourth quarter. All 87 ang score, tie ang parehong grupo. May moment na sumisigaw kami kasi nakakalamang at may moment na nakabusangot lang kami para mang judge. Ganun kami kalala.

"At para sa ating last quarter! Sino kaya ang mananalo?! Ang Team Maroon o ang Team Red! Mag kaalaman na! Alam nyo ja ba?!, syempre hindi pa! Kaya let's start the fourth quarter!!"

"Omg! Napaka OA!" napatigil ako ng marinig na naman ang boses ni Hannah.

"Omg! Napaka pangit!" balik ko at ginaya pa ang maarte nyang boses. Agad na nag tawanan ang mga kasama ko.

Masama nya akong tiningnan at umalis na. Ano ka ngayon? Aanuhin ko ganda mo kung ugali mo naman barado.

"CHIKIRO! 3 POINTS!"

Wow! Napaka galing.

"5, 4, 3, 2, 1...BANGGG!3 POINTS! TINAPOS NI DAZE! PANALO ANG MAROON TEAM!"

Malakas na nagsigawan ang buong section namin pati ang dalawa pa na kasama namin!. Panalo kami! Panalo kami! Grabe! Hindi ako makapaniwala! I don't know if it is true or false! Wah!.

Agad kaming bumaba para makapunta sa kanila. Maraming pumunta kina Daze at Chikiro pero aL akong pake sa kanila. Agad akong pumunta kay Travis at Duke na mag kasama.

"Congrats! Ang galing mo!" sabi ko at nag apir kami.

Ngumiti sakin si Travis. "Thank you!"
Ginulo nya ang buhok ko kaya bumusangot ako. "Hindi kita mayayakap, pawisan ako" ok lang! Ok na ok lang sakin!.

Tumango naman ako bago tumingin kay Duke na nag pupunas ng buhok.
"Uy, congrats din sayo, ang galing mo ha!"

Napatingin sakin si Duke. Kasama sya lagi nina Daze, pero hindi ko naman makita sa kanya na masama din sya.
Ngumiti sya sakin.

"Thank you.."

"Ako? Hindi mo ako babatiin?"

Kapal talaga ng mukha nito.

Tumingin ako sa likuran ko. Nakangisi si Daze at Chikiro ng lingunin ko. Heto na naman po tayo.
Agad syang lumapit sakin at pinantayan ang mukha ko.

Peke akong ngumiti. Bati ba kamo?.
"Condolences sayo" malaki pa akong ngumiti para ipakita sa kanyang sincere ako sa sinabi ko. Bati diba? O hayan, pang matagalan!.

Masama nya agad akong tiningnan.
"Ibili mo ako ng pagkain. Nagugutom ako" utos nya sakin.

May magagawa ba ako? Syempre wala!. Tumango nalang ako. "Anong pagkain?" baka mag kamali pa ako, masuntok ko lang to kapag pinabalik nya sakin.

"Anything-" ngumisi sya sakin. Anything tapos baka mag reklamo to mamaya! Hay naku!.

"King*na mo talaga" bulong ko sa inis. Naiinis ako! Nag papaloko ako sa lokong ito!.

"May sinasabi ka?" tanong nya sakin. Nakataas na ang kilay nya para mag taray. "What is it? Your cursing?"

"Wala" umiwas ako. Tumingin din ako kay Chikiro na seryosong nakatingin sakin. "Ikaw. Baka may ipapabili ka, sabihin nyo na para isahan nalang. Nakakapagod mag pabalik balik"

Umiling sya. "Sasamahan kita"

"Huh?!" pareho naming anis ni Daze. Nagkatinginan pa kami. Teka. Sasamahan nya ako?.

"Kami na ang sasama kay South-" singit ni Travis. Agad na tumango si Klayklay na nasa gilid nya. "Bibili din kami"

"Sasama ako" walang awat si Chikiro. "Ayaw nyo ba?" Masama nyang tiningnan sina Travis.

"Hehe! Syempre gusto namin! Ikaw naman oh! Badtrip kana agad! Tara na! Gutom kana ba? Kakain tayo!" agad na lumapit si klayklay kay Chikiro at inalog alog ito. Kunwari nya pang sinuri si Chikiro na akala mo may sugat sa katawan.

Tumingin ako kay Daze. Pumayag silang lahat na sumama. Sya nalang ang pala utos." "Saan ka ba para doon ko nalang dadalhin pagkain mo?" tanong ko.

Kunot ang noo nya ngayon sakin.
"Huwag na...sasama ako" pagkasabi nya nun ay nag lakad na sya at nauna na. Anyare doon?.

"Tara kakain! Gutom na ako!"

"Palagi ka namang gutom e!"

"Gusto ko itlog!"

"Nakakita ako ng fries doon! Tara na!"

"Let's go" Agad akong hinigit ni Chikiro. Wala namang nagawa sina Travis kungdi ang sumunod.

Jusko po. Makakasama ko pa kumain ang mga ito!.



SUNSHINEWEB

Hello everyone! Please don't forget to vote, comment and follow! Thank you!

You've reached the end of published parts.

? Last updated: 3 days ago ?

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Only girl in Section E |? (Part one: Beginning) Where stories live. Discover now