Crush
Joaquin and I both arrived on time. Our instructors were already getting everyone's attention, so medyo napabilis ang lakad naming dalawa para makaabot sa iba na lumalakad at tumitipon na sa gitna.
We were then introduced to the background music na sasayawan namin. The soft strains of the waltz echoed through the large covered garage, the sound slightly bouncing off the high ceiling. It felt a little out of place at first—such an elegant melody playing in a space usually meant for cars and storage—but as the notes filled the air, it became easier to picture how it would all come together on the actual night.
The instructors clapped their hands, urging us to get into position, and soon, we were moving to the rhythm, trying to match the gracefulness of the music despite the occasional misstep and awkward turns. Sumasakit ang likod ko, kaya maya't-maya ay napapahinto ako.
Pagdating ng hapon, nagpahinga kami sa bahay ni Alli at nag-merienda. Maya-maya, unti-unti sa amin ang may mga nagsilisan. Ang iba ay umalis para mag-relax na sa kani-kanilang bahay habang ang iba sa amin ay nagpaiwan sandali para magpahinga at magkuwentuhan.
"Close kayo ni Joaquin?" si Selene na tinabihan ako sa loob ng gazebo na nasa harapan lang ng malawak na hardin nina Alli. Dito na ako tumambay saglit dahil mas presko ang hangin na umiihip dito.
Sumunod na pumasok si Tristan at umupo siya sa harapan namin, kunot ang noo at abala agad sa kaniyang cellphone.
Si Jun, Owen, Felix, Lucio, at Sander ay kasama sa grupo nina Chloe, halatang nagpapabango sa mga kasama niyang babae.
Pumasok naman si Alli saglit sa bahay nila kasama ang mga pinsan niya. Aniya'y pinapatawag silang lahat ng kanilang tiyuhin na nasa California para makapag videocall at kakamustahin lang daw sila.
"Hindi ah," iling ko sa tanong ni Selene.
"Eh sabi niya close daw kayo."
"Nakausap mo?"
"Oo. Kaninang lunch."
I nodded at hindi na nagulat.
Tuwing breaktime kasi ay unti-unti na kaming lahat nagkakilala, lalo na't ilang buwan din kami magkakasama pag weekends so then it was brought up to us na mas maganda kung magiging komportable kami lahat sa presensya ng bawat isa.
Si Alli rin mismo ang nanguna sa pagpapakilala, kasama ang mga pinsan niya, kaya mabuti na rin iyon para mas mapadali ang dance rehearsals namin.
It worked naman, kasi we would often see ourselves mingling with Alli's cousins and Chloe's friends. Nakikipag-mabutihan naman ako sa lahat, pwera lang sa isa.
Sinandal ko pa lalo ang likod sa backrest ng gazebo. Nakatingin si Selene sa malayo, kung nasaan sina Alli at ang mga pinsan niya. Pati ako ay napasulyap doon at napako ang mga mata.
They are all gathered now sa lanai sa gilid lang ng malaking bahay nila, kung saan may malawak na garden na nakapalibot. Nagtatawanan silang lahat habang kinakausap na ang kanilang tiyuhin.
Si Kaiden at Joaquin lang ang hindi masyadong sumasali sa kanila kasi abala din sila kay Avery, yung pinakabata sa kanilang magpipinsan at bunsong kapatid mismo ni Kaiden.
She's four years old, at sobrang cute niya. She's wearing a pink puffy dress, and her hair is tied into neat pigtails. Her bright eyes sparkle with curiosity, and her playful smile adds to her charm. Marami sa kaniyang features ang pareho sa kuya niyang si Kaiden. Hindi maikakaila na magkapatid talaga sila—para siyang mini version niya, lalo na sa ilang facial expressions at paraan ng pagtawa. Even the way they furrow their brows when thinking or slightly tilt their heads when hearing something interesting is exactly the same.

BINABASA MO ANG
Hands Intertwined
RomanceBabala. Slowburn. Patience will be needed. BL? Opo Mascxmasc? Opo Light story? Hmm. May angst po. Kulit kasi ng isip T.T Completed? On-going po Mahal mo pa rin ba siya? Opo. Ay sorry