抖阴社区

Chapter 36

620 21 0
                                    

Passenger seat

Tumigil ako sa tapat ng pinto ng kwarto ko, hawak ang bag na dapat dadalhin ko sa practice. Napabuntong-hininga ako at tinapon na lang ang bag sa kama at nagbihis na lang ulit ng pambahay. Sa bawat hakbang palabas ng kwarto ko, nagiging mas malinaw sa isip ko ang pasya ko—hindi ako pupunta sa practice ngayon.

Nagpaalam na rin ako kay Alli para hindi 'yon mag-aalala kapag nakita na hindi ako dumating. Rason ko na lang ay may kailangan akong tatapusin na plates ko at deadline na bukas ng lunes.

Yun lang, walang partner si Chloe pero sigurado naman ako na kaya niya na 'yon kahit wala ako.

Pagdating ko sa sala, naroon pa rin si Papa. Mahimbing ang tulog niya sa lumang sofa, ang hilik niya umaalingawngaw sa buong bahay. May mga bakas pa ng nangyari kagabi—ang basag na bote sa tabi ng pinto na hindi pa nalilinis, at ang mga upuang naitumba.

Sa kusina, abala na si Mama sa paghuhugas ng mga pinagkainan. Hindi siya nagsalita nang makita niya ako, pero mababasa sa mga mata niya ang pagod at pagkabalisa. Masyado nang marami ang dinadala niya.

"Ma, ako na diyan," sabi ko, lumapit at kinuha ang mga basing plato mula sa kamay niya. Patapos na rin naman siya pero inako ko na, "Magpahinga ka muna, ma."

Nagulat siya, pero hindi na rin tumutol. Umupo siya sa gilid ng mesa at pinunasan ang pawis sa noo. "Bakit hindi ka pupunta sa practice? Hindi ba importante 'yon?"

"Importante rin 'to," sagot ko. Sinimulan kong linisin ang sahig, dinampot ang mga nahulog na gamit. "Hindi ko kayang mag-focus doon habang ganito pa ang sitwasyon dito sa bahay. Tsaka... ayaw mo no'n, makakatulong ako sa'yo?" ngisi ko.

Tahimik siyang nagmasid habang nagwawalis ako. Maya-maya pa'y bumangon siya para ipagpatuloy ang gawaing-bahay sa tabi ko.

Habang tinutupi namin ang mga natirang damit sa labahan, bigla niyang sinabi, "Salamat, anak. Alam kong mahirap 'to para sa'yo."

Hindi ako kaagad nakahanap ng isasagot. Pero sa loob ko, alam kong kahit papaano, kahit isang araw lang, gusto kong iparamdam na hindi siya nag-iisa.

I can't imagine kung paano tinitiis ni mama ang lahat lalo na pag bumabalik na ako sa syudad, siya lang ang naiiwan dito kasama si papa. Mabuti lang din at ni kailanman ay hindi sinubukan ni papa pagtaasan ng kamay si mama. Subukan niya lang at ako ang makakahrap niya at baka dito lang ako hindi na makapagpigil.

"Ma, kain tayo sa labas maya," anyaya ko kay mama. Nagbubungkal ako ngayon ng lupa habang si mama ay tinataniman iyon ng kaniyang halaman.

Naalala ko lang bigla kasi na hindi pa kami lumabas simula nung birthday ko. Pangako ko pa naman sa kaniya na kakain kami sa labas pag-uwi ko. Pinag-ipunan ko talaga 'to.

Hindi pa nakakababa ang araw ay lumakad na kami ni mama palabas. It was around five in the afternoon. Early dinner ang plano namin dahil kailangan ko ng bumalik sa syudad pagkatapos. Nakasuot lang ako ng makapal na hoodie, anticipating the cold winds I have to endure later going back to the city while commuting.

Nagpunta kaming dalawa sa isang maliit na seafood restaurant, na isang commute lang mula sa aming bahay at katabi lang nito ang malawak na dagat, kita ang iilang maliliit na bangka na pumapalaot sa hindi kalayuan.

Naglalakad na ang waiter papalapit sa amin dala ang aming pagkain nang may umagaw ng atensyon sa akin sa labas ng restaurant.

Pumarada ang bagong dating na Ford Branco sa parking area.

I instantly let out a deep sigh as Kaiden swiftly stepped down from his car at bihis na bihis ang hitsura. Diretso lang ang lakad niya papasok. Nilingon ko si mama na abala pa rin sa pagkain, kaya bumalik din ako sa pagkain, nagkukunwaring walang nakita.

Hands IntertwinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon