抖阴社区

Chapter 23

675 24 1
                                    

Hi everyone! Just a quick bacground for this Hands Intertwined(HIT) story, this may take atleast 60 chapters to finish(depending kung ano pa ang maisip ko ( ˶°ㅁ°) !!) but roughly it will have that atleast number of chapters. I'm just trying to build up the characters. So, hindi pa po tayo nakakalahati sa kwento so please bear with me and hoping for your support  to this  poor author. 

Happy Reading!!! :*


Shuttlecock

The next days were peaceful. Maliban sa hindi ako masyadong natambakan ng mga gawain sa mga subject dahil nauna ko na gawin ang iba since last week pa, ay hindi na rin ulit nagpakita si Kaiden sa oras ng trabaho ko. Mukhang naging busy nga siya sa sinasabi niyang 'school stuffs' .

Yun lang, nang malaman ni Eryx na may libreng oras ako ay kinakaladkad niya ako kung saan-saan sa loob ng campus. Aniya'y kailangan ko daw ako ma-expose sa outside world. Siguro dahil wala akong ka ide-ideya at mga kakilala maliban sa mga classmates namin. Which is...totoo naman talaga.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko na lang kay Eryx habang sinusundan siya sa likuran.

"Magpapawis tayo." aniya at lumiko sa isang hallway sa ground floor kung saan ang mga lockers namin,

Nilabas niya ang kaniyang susi at binuksan ang sariling locker. My eyes instantly went to the badminton set he pulled out. Nakangisi siyang lumingon sa akin.

Napangiti din ako kaagad, "Nice."

"Matagal na tayo hindi nakapaglaro. Kakalawangin na tayo." tawa niya at hinayaan akong bitbitin ang case ng badminton.

Matagal na nga rin pala talaga na hindi nakakapaglaro nito. Mga two months na. Routine kasi namin noon ni Eryx magpapawis bawat hapon sa isang sports complex sa labas ng university nung hindi pa naging busy. Well, ako lang naman pala naging busy sa aming dalawa. Masyadong carefree kasi si Eryx basta school-related na mga gawain.

It's Friday and it's already past three in the afternoon nang pareho naming tinahak ang daan papuntang school gym. Plano sana namin na sa sports complex dumiretso since absent ang teacher namin sa last subject pero giniit ni Eryx na dito pansamantala sa sariling school gym para maging pamilyar ako sa mga mukha ng mga estudyante dito.

Pumayag na lang ako at di na nilaban na sa sports complex sana.

"Wala namang tao doon ng ganitong oras. Mamaya pa naman." si Eryx nang matanaw na namin galing sa malayo ang school gym. Walang tao nga roon. May indoor at outdoor courts ang gym namin at parehong covered pero pag hindi official training ay outdoor lang ang pinapagamit sa amin ng paaralan.

Mabuti na lang at naalala kong may sport shoes ako sa aking locker na nakatago lang doon kaya iyon na rin ang ginamit ko. Pareho din kami ni Eryx pumalit ng dri-fit na damit at shorts para career na career ang paglalaro.

We were both invited to compete for the intramural meet men's double last year sa badminton at tsaka mabigyan ng chance para makasali sa collegiate level pero tinanggihan ko kasi nga sa pressure sa mga gawain sa acads. Si Eryx lang ang sumali doon at hinanapan lang ng partner. Nanalo naman siya kasama ang kaniyang partner nung intramural pero pagdating sa collegiate competition ay wala silang nauwi na anumang premyo.

Siguro nag-imbita 'to ngayon si Eryx para sa paparating na intrams? Sa October na rin naman kasi ang Intramural meet at pagkatapos no'n ay diretso na siya sa Interschool collegiate competition sa January.

Eryx and I planned this to be a casual game, pampalipas-oras lang kumbaga. Ayaw ko rin mapagod ng husto kasi may duty pa ako mamaya.

"Easy lang muna, Eryx. Warm-up lang baka sumeryoso ka kaagad." sabi ko kay Eryx while while twirling the racket in my hand.

Hands IntertwinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon