Chapter 8
"Atlas, bilisan mo!" sigaw ko mula sa sala habang hinihintay siyang matapos mag-ayos.
Nasa itaas siya, sa kwarto niya, pero parang hindi niya ako naririnig.
I was getting impatient, but I couldn't help but smile, knowing he'd eventually come running down.
Bata pa lang kami, isa na sa mga pangarap namin ni Atlas ang makatulong sa mga nangangailangan.
Kagaya ng pagtulong sa charity, pagvo-volunteer sa foundation, at pagbisita sa mga lugar na madalas nalilimutan ng iba—unti-unti naming tinutupad ang pangarap naming makapagpasaya ng ibang tao.
Kaya napag-isipan namin ni Atlas na bumisita sa isang senior center na matagal nang walang bumibisita.
Mabilis siyang bumaba ng hagdan habang isinusuot ang relo sa kaliwang pulso. Medyo magulo pa ang buhok niya, pero guwapo pa rin—'yong tipong kahit hindi mag-ayos, ang lakas pa rin ng dating.
"Teka lang," ani Atlas nang makarating sa sala, bahagyang hinihingal at halatang nagmamadali.
"Sabi ko kasi sa 'yo gumising ka ng maaga."
"'di 'ko narinig 'yung alarm ko, eh."
"Masakit ba katawan mo?" tanong ko.
"Hindi, bakit?"
"Wala, baka kasi masakit 'yung katawan mo kaya napahimbing 'yung tulog mo."
"Masakit dahil saan?"
"Dahil kagabi?" hindi siguradong sagot ko.
Napangiti siya at tumawa ng kaunti.
"Stretching ko pa nga lang 'yon, eh."
"Yabang, parang 'di nasapak, ah?" tukso ko.
"Ikaw nga nag-i love you sa 'kin, eh."
Bigla akong tinamaan ng hiya sa sinabi niya.
Parang nag-init bigla ang mukha ko at hindi ko alam kung saan ako titingin.
He probably thought that "I love you" was just part of the usual teasing—we've always been like that.
But deep down, it wasn't just something I said for fun. It carried meaning.
After everything we've been through, all the times he stayed when things got hard, I started to feel something deeper.
What we had didn't feel like just friendship anymore.
That "I love you"… It came from a place I didn't even realize I was holding back.
"Tara na nga!" aya ko sa kaniya, para makalayo sa sobrang hiya na nararamdaman ko.
Mabilis akong lumabas papunta sa kotse niya, inunahan ko siya—dahil hindi ko na kayang tiisin ang mga tingin niya na parang alam ang iniisip ko.
Pagpasok niya sa loob ng sasakyan, kunwari akong abala sa cellphone ko.
Pinasok ko rin ang earbuds ko sa tenga ko para kunwaring hindi ko siya naririnig.
"Hey..."
"Hart."
"Eve."
"Everhart."
Sunod-sunod na tawag niyang hindi ko pinapansin.
"Sige na nga, I love you too."
Nagulat ako sa sinabi niya, at bigla kong naramdaman ang init sa mukha ko.
Parang ayoko nang tumingin sa kanya, pero parang hindi ko rin kayang hindi. Nahulog ang tingin ko sa mga kamay ko, medyo kinakabahan at nahihiya sa sinabi niyang iyon.

YOU ARE READING
I'll Always Be Your Safe Haven (Unwritten Paths #1)
General FictionSimula pagkabata, magkaibigan na sina Eve at Atlas. Habang lumilipas ang panahon, unti-unting nahulog ang puso ni Eve kay Atlas. Pinili niyang ilihim ang nararamdaman, natatakot masira ang kanilang pagkakaibigan---hanggang sa isang araw na nagbago a...