Chapter 12
Pagkagising ko, ramdam ko agad ang init at pamumugto ng mga mata ko. Wala akong gana—bumangon man o magsalita, pero napilitan akong tumayo nang kumatok si Lola sa pinto ng kuwarto ko. Nagpaalam siyang aalis daw muna sandali.
Nang lumabas si Lola, naiwan akong mag-isa sa kuwarto, nakaupo sa gilid ng kama, iniisip ang mga nangyari kagabi. Ang bigat pa rin ng dibdib ko, parang may naninikip na hindi maipaliwanag.
Habang pinipisil-pisil ko ang mga daliri ko, napatingin ako sa cellphone ko na nakahiga sa side table. Naalala ko 'yong email na natanggap ko noong nakaraang araw—About the opportunity to work as an artist painter abroad. I quickly opened the email and read it again.
From: sophia.virelli@aureumcanvasintl.com
Subject: Congratulations! Artist Residency Program OfferGood day Seraphina Everhart Herrera,
Congratulations! You have been selected for our 3-year artist residency program in Florence, Italy.
We are excited to support your growth and provide mentorship, housing, a monthly stipend, and international exhibition opportunities.
Please reply within 7 days to confirm your participation.
Looking forward to welcoming you.
Best regards,
Sophia Virelli
La Fiora Arte StudioI felt like a small light broke through the dark feelings I've had. Maybe this is the chance I've been waiting for—a chance to finally chase my dream of becoming an painter.
Hindi pa ako sigurado kung ano ang gagawin ko dahil iniisip ko si Lola Ligaya. Paano siya kung umalis ako? Natatakot akong maiwan siyang mag-isa.
Kaya hindi muna ako nag-reply sa email—gusto ko munang makausap si Lola bago magdesisyon.
Eve and Pets
Pierce:
Hoy Eve, naghihintay yung delivery rider sa labas nyo!
You:
Wala akong order.
Klai:
Ikaw wala, kami meron.
You:
Bakit sa akin naka-address?
Pierce:
Malamang, para sayo yan. 🙄
You:
Bayad na ba yon?
Pierce:
ANG DAMI MONG TANONG LUMABAS KA NA! PINAGHIHINTAY MO SI KUYA!!! pero yes, bayad na yon. ☺️
Mabilis akong bumaba mula sa kuwarto at lumabas para kunin 'yong inorder nina Pierce at Klai. Paglapit ko sa rider, kinuha ko na agad 'yong paper bag, nagpasalamat, tapos bumalik na ako sa loob.
Nasa sala na ako nang binuksan ko 'yong paper bag na may logo ng Coffee with Grace. Sa loob, may strawberry latte at strawberry croissant—paborito ko.

YOU ARE READING
I'll Always Be Your Safe Haven (Unwritten Paths #1)
General FictionSimula pagkabata, magkaibigan na sina Eve at Atlas. Habang lumilipas ang panahon, unti-unting nahulog ang puso ni Eve kay Atlas. Pinili niyang ilihim ang nararamdaman, natatakot masira ang kanilang pagkakaibigan---hanggang sa isang araw na nagbago a...