Chapter 10
"Everhart, nag-uusap pa ba kayo ni Elliot?" tanong ni Lola habang nag-aalmusal kami.
"Hindi ko na po kinakausap. I-chichika ko sa 'yo kung bakit." Inubos ko muna ang laman ng bibig ko bago magpatuloy sa pagsasalita. "May girlfriend na po pala 'yon! Ang sabi pa ni Lola Adela, sabihan ko raw siya kapag magbo-boyfriend na 'ko, may girlfriend naman na pala 'yong apo niya! Gawin pa 'kong side chick Tapos ito pa, La, naaalala mo po no'ng niyaya niya 'ko sa bar? Kiniss niya 'ko sa pisngi!"
"Bakit ka naman nagpakiss?"
"Hindi po ako nagpakiss, sinampal ko nga po siya pagkatapos. Tapos alam mo ba, pilit niya pa 'kong hinihila para halikan ako, buti na lang dumating si Atlas!"
The irritation I felt earlier faded the moment his name slipped out—replaced by an unfamiliar flutter in my chest.
"Hulaan mo po kung anong ginawa ni Atlas," sabi ko halos hindi makahinga sa sobrang excitement.
"Ano?" tanong ni Lola.
"Sinapak niya!" sagot ko, halos mapatili sa tuwa.
Hindi ko mapigilang matawa sa gulat ni Lola.
"Oh, anong ginawa mo?" tanong niya, medyo nanlaki ang mga mata.
"Nanood," sagot ko, sabay ngiti.
Hindi ko agad mabasa ang reaksyon niya, pero napansin kong nakangiti siya—tila ba nalibang o naguguluhan.
"Pa'no mo nalaman na may girlfriend si Elliot?" tanong niya, mahinahon pero halatang interesado.
Umayos ako ng upo bago sumagot. "Si Atlas ang nagsabi. Half-sister daw niya 'yong babae."
"Isa lang ang kapatid niya, 'di ba?"
"Dalawa pala. Si Grace 'yong girlfriend ni Elliot, mas matanda sa kaniya ng dalawang taon. Unang anak ni Tito Adrian," I explained, slowly.
"Hindi ba't ang nanay ni Atlas ang unang asawa?" May halong pagtataka sa boses niya.
I nodded. "Nagkaroon ng affair si Tito Adrian bago sila ikasal."
Tumango-tango lang siya. Walang hininging paliwanag, walang tanong—hindi na gustong hukayin pa.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid—ang hardin ni Lola na laging buhay at laging maayos. Ang mga paso, nakalinya nang pantay-pantay. Ang mga halaman, tila inaabot ang araw. Nakaupo kami sa puting wrought iron na upuan na may mesa sa gitna, parehong may mga bakas ng kalawang pero hindi nawawala ang ganda.
"May gusto ka ba kay Atlas?"
Mabilis akong napatingin kay Lola, para akong napa-atras kahit nakaupo.
"Po?"
"Ang sabi ko, may gusto ka ba kay Atlas?" pag-uulit niya.
Hindi ko agad nasagot. Umiling ako, pero hindi rin ako makatingin nang diretso sa kaniya.
Siya naman, tumawa lang at umiling, para bang natamaan lang ng matandang kilig.
Pierce Latorre:
Hoy
Tara
You:
San?
Pierce Latorre:
Sa puso ko 😄 yieee
You:
Yuck
San nga?

YOU ARE READING
I'll Always Be Your Safe Haven (Unwritten Paths #1)
General FictionSimula pagkabata, magkaibigan na sina Eve at Atlas. Habang lumilipas ang panahon, unti-unting nahulog ang puso ni Eve kay Atlas. Pinili niyang ilihim ang nararamdaman, natatakot masira ang kanilang pagkakaibigan---hanggang sa isang araw na nagbago a...