抖阴社区

Chapter 14

19 8 2
                                    

Chapter 14

"Lola..."

Hapon na. Maliwanag ang araw pero presko ang hangin sa garden. Nasa ilalim kami ng punong sampaguita, nakaupo sa lumang wrought iron bench.

Hawak niya ang baso ng calamansi juice habang ako naman ay abala sa pag-aayos ng mga bagong tanim naming sunflower sa paso.

"Bakit, apo?" tanong niya, hindi inaalis ang tingin sa halamang inaabot ng sinag ng araw.

"May sasabihin po ako..."

Napatingin siya sa akin, marahan ang kilos. Ako naman, pakiramdam ko para akong lalagnatin sa kaba.

"Si Atlas po... nanliligaw na sa akin."

Narinig ko pa ang pagaspas ng dahon sa hangin. Tahimik si Lola, pero may ngiting sumilay sa labi.

"Ay, 'yon lang pala."

Napakunot noo ako. "Po? Hindi po kayo nagulat?"

"Hindi na. Nakaraan ko pa alam, kilala ko kayong dalawa. Matagal ko nang inaasahan 'yon."

"Okay lang po ba 'yon?" tanong ko, may alinlangan pa rin sa tinig.

"Basta kilalanin mo nang mabuti. Hindi lang puso ang ginagamit sa gan'yang bagay, apo. Kailangan may tiwala, respeto, at tamang panahon."

Tumango ako, saka ipinahinga ang ulo sa balikat niya.

"Pero kung ako ang tatanungin mo..." bulong niya, sabay sulyap sa akin. "May tiwala ako kay Atlas."

Napangiti ako. At sakto namang dumating si Atlas, may dalang maliit na kahon ng brownies.

Lumingon si Lola, inirapan si Atlas ng pabiro. "Nandito na ang paborito mong manliligaw."

Kumunot ang noo ni Atlas habang naglalakad palapit kay Lola para magmano. "Paboritong manliligaw? May ibang manliligaw pa po ba si Hart, La?"

Natawa ako habang tumayo mula sa pagkakaupo. "Ano sa tingin mo?"

"Kung meron man, sigurado akong panandalian lang sila. Ako kasi... pangmatagalan."

"Naku, 'yan ang delikado," sabat ni Lola, pero may ngiting hindi maitago. "Marunong nang sumagot."

Tinawanan namin siya, at ilang saglit pa ay nakiyuko na rin si Atlas sa paso para tulungan akong ayusin ang sunflowers. Si Lola naman, pinagmamasdan lang kami, paminsan-minsang nagbibigay ng tips o pang-aasar.

"Ilagay niyo sa gilid 'yang maliliit, para pag lumaki, hindi sila nag-uunahan sa araw," bilin niya.

"Noted, Head Gardener," saad ni Atlas, sabay saludo.

"Hoy, respeto sa senior citizen!" sagot ni Lola pero hindi mapigilan ang tawa.

Ako naman, abalang nililinis ang lupa sa gilid ng paso.

"Atlas, 'wag mong kalimutan 'yong tabo ng tubig, baka matuyuan ulit 'yang sunflower ko tulad ng feelings mo dati."

"Grabe ka sa 'dating feelings'," sabi niya, kunwaring nasaktan habang hawak ang dibdib. "I was about to admit that I've been consistent with you since I was seven!"

"Eh bakit ngayon ka lang naglakas loob?"

"Kasi... ngayon lang ako sure na may chance ako."

Nagkatinginan kami, sabay lingon kay Lolang nakataas ang kilay sa amin. "Naku, naglalandi na kayo sa harap ng mga halaman ko!" biro ni Lola habang pinapagitna ang sarili sa aming dalawa. "Kung gan'yan kayong magharutan habang nagtatanim, baka sa susunod baby na itanim niyo!"

I'll Always Be Your Safe Haven (Unwritten Paths #1)Where stories live. Discover now