抖阴社区

                                    

May maliit na note na nakaipit sa cup:

"Para sa prinsesa naming laging umiiyak. Don't skip breakfast, okay?"

Narinig ko na naman ang tunog ng doorbell.

Lumabas ulit ako, at tulad kanina, isang delivery rider na naman ang bumungad sa akin.

Dalawang pint ng strawberry ice cream ang laman ng maliit na paper bag.

Hindi pa man ako nakakapasok, may isa na namang dumating. Isa na namang rider—this time, may bouquet ng red roses sa kamay.

Napatingin na lang ako sa langit. Anong meron? Birthday ko ba?

Eve and Pets

You:

Anong meron? Bakit ang dami?

Pierce:

Nagtanong na naman sya.

You:

Sent a photo.

I took a selfie with the red roses in my hand and showed the other things they sent with it.

Atlas react ❤️ to your photo.

A heart. That's it. No words, no message. Just one tiny heart that left me sighing like an idiot.

Pagkarating ni Lola, agad ko siyang sinalubong. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko—hindi ko alam kung tama ba ang timing, pero kailangan ko na talagang sabihin.

"'La…" nagsimula ako, halos pabulong. "May nag-email po kasi sa akin. An opportunity... to be a painter abroad."

Napatingin siya sa akin, mapanatag ang mga mata, kaya lalo akong ninerbyos.

"Pero hindi ko pa po nirereplyan," patuloy ko. "Gusto ko muna po kayong makausap."

Umupo siya sa paborito niyang lumang upuang kahoy, sabay tapik sa tabi niya. Umupo rin ako, at sandaling katahimikan ang namagitan sa amin bago siya nagsalita.

"Makausap? Para saan pa, apo? Basta para sa pangarap mo 'yan, okay lang sa akin. Alam mo namang susuportahan kita palagi. Kahit ano pa 'yan."

Kumirot ang puso ko.

"Lola kasi…" humugot ako ng malalim na hininga. "Kapag umalis po ako… kayo na lang ang maiiwan dito. Sa email po kasi, kailangan munang tapusin 'yong tatlong taon na kontrata bago ako makakauwi."

Tahimik siya. Sandaling hindi ko alam kung naiintindihan niya o nasasaktan siya.

Pero maya-maya, ngumiti siya.

"Ano ka ba, apo…" bulong niya habang hinahaplos ang likod ng kamay ko. "Wag mo na ‘kong isipin. Ang mahalaga, marating mo kung saan ka itinadhana. Huwag mong sayangin ang biyayang 'yan dahil lang sa akin. Tatanda't tatanda rin naman ako kahit wala ka rito."

Napaluha ako, pero pinilit kong ngumiti.

"Pero 'La…"

Tumawa siya ng bahagya. "Ang tagal ko nang buhay, apo. At sa tagal na 'yon, ang tanging hindi ko pa nasusubukan… ay makita kang lumipad."

I'll Always Be Your Safe Haven (Unwritten Paths #1)Where stories live. Discover now