Title: THE HACKER (An IT Expert)
Characters: Niko Ocampo and Ghayle Nicolas
“We can’t alter the economy of the Philippines in just a glimpse of an eye but through the writer’s imagination, we can. Kahit sa imahinasyon lang, makita natin na malakas pa sa embahada ng Amerika ang bansa natin. Kahit sa imahinasyon, kahit doon lang. Samahan mo ako sa pag-saksi kasabay ang pag-ikot ng iyong imahinasyon sa pag-unlad ng ating bansang sinilangan. Sabayan mo akong isigaw ang katagang MALAKAS ang PILIPINAS!"
by: NiCholas22
PROLOGO:
Buwan ng Agosto, dalawampu’t anim taong 1998 sa syudad ng Amerika.
“The federal bureau US Intelligence Organization (CIA) hunt down the IP Address of a Filipino-cyber imposition into US Military database that holds sensitive and perceptive statistics about exposure of US barrier---”
Ito ang pahayag ng special correspondent ng CNN (Broadcasting Cable News Network) ng mga panahong iyon. Tiim-bagang na kumilos si Coco Ocampo, kwarenta y tres anyos na kasalukuyang naninirahan sa Massachusetts, Amerika kasama ang pilipinang asawa at nag-iisang anak na lalaki, labing-limang taong gulang na binatilyo at kasalukuyang nag-aaral sa Bromfield School.
Kagyat niyang sinira ang mga device electronic machine at ibang mga gadget na mayroong transmitter device at signal na maaring mag-konekta sa CIA. Naguguluhan man sa bilis ng pangyayari ngunit kailangan niyang ilayo ang kanyang pamilya.
“W-what are you doing, Dad?”gulat na salubong ng binatilyong si Niko sa ama nito na para bang nakakita ng multo sa reaksyon nito.
“We need to get out of here, son! Mag-impake ka na ngayon na. Babalik tayo sa Pilipinas!”kagyat niyang sagot sa anak.
“But Dad----“
“I said NOW!”maawtoridad niyang utos sa anak na ikinatahimik nito. Mabilis niyang tinungo ang kusina upang kausapin ang butihing-asawa. Kahit ito’y naguguluhan din sa ikinikilos niya ng mga sandaling iyon.
Natural lamang iyon dahil walang kaalam-alam ang mga ito na miyembro siya ng Special Human Act of the Philippines (SHAP). Taong 1993, na-itatag ang kanilang organisasyon sa pamumuno ng dating hinirang na heneral na si Juan Crisostomo ng Republika ng Pilipinas ngunit minabuting ilihim sa publiko ang nasabing organisasyon dahil sa lihim na pag-buway sa mga batas na ipinatutupad ng gobyerno. Batas na alam nilang hindi makakatulong sa pag-unlad ng bansa.
Hindi masama ang hangarin at layunin ng lupon ng SHAP. Ordinaryong mga aktibista sila na ginagamit ang kaalaman sa global computer networks upang mailahad ang nais iparating sa gobyerno. Gobyernong nag-bibingihan at nag-papaalipin sa mga banyagang walang hinangad kundi angkinin ang likas na yaman ng Pilipinas.
At siya bilang Pilipino na malaki ang pagmamahal sa bansa ay hindi niya hahayaan iyon kahit ikamatay pa niya o ng pamilya niya. Napilitan lamang siyang lisanin ang Pilipinas nang mabalitaan nilang pina-bubuwag ang lihim nilang organisasyon na nalaman Taong 1995. Samakatuwid ay tatlong taon na silang naninirahan sa Massachussets, America. Mahirap lalo pa’t matindi ang pagmamahal niya sa bansang sinilangan. Ngunit dahil sa takot na makulong at mahuli bilang miyembro ng SHAP ay isiniwalang bahala niya iyon nang panandalian.
Nang mapanuod niya sa telebisyon ang bagong balita tungkol sa mga USDAW (Union of Shop, Distributive and Allied Workers) na binabalak mag-import ng kahina-hinalang Produktong Agrikultural sa Pilipinas ay hindi na niya napigilan na i-scythe ang archive ng US Military na kasama sa mga planong iyon ng embahada ng Amerika. Nararamdaman niyang mayroon silang masamang motibo kaya hi-nack niya ang sensitive files at perceptive statistics na pinaka-iingatan ng White House. Sa isang ordinaryong IT Expert hindi iyon magagawa lalo pa’t secured na secured ng CIA ang mga encryption at protocol ng kanilang system. Ngunit dahil isa siyang Certified Professional Cyber-Hacker ay madali siyang nakapasok sa network ng mga ito.
“H-Honey!”pakli ng asawa niya nang makalapit siya dito. Halos pagpawisan ito dahil sa pag-aalala nang makita siyang sinisira ang mga gadgets at computer. Nagtatanong ang mga mata nito nang tingnan niya.
“A-Alam ko malaking kasalanan itong nagawa ko pero hindi ko hahayaan na madamay kayo dito, mahal ko!”para bang hirap na hirap siyang magsalita ng mga sandaling iyon lalo pa’t nakikita niyang naguguluhan ang asawa.
“What are you tryin to-------“
Pinigilan niyang iusal ng asawa niya ang nais nitong ipahayag upang mahalikan ito sa mga labi. Batid niyang iyon na lamang ang huling halik at huling alaala na maibibigay niya sa minamahal niyang asawa kaya hindi niya napigilan ang sarili. Alam niya na maya-maya lamang ay mayroon ng mga FBI (Federal Bureau of Investigation) ang tiyak na darating lalo pa’t nalaman ng CIA ang IP Address nang kanilang lokasyon.
“Mahal na mahal ko kayo ni Niko! Ayokong madamay kayo dito kaya pakiusap bumalik na kayo sa Pilipinas.”kagyat niyang hinagip ang palad nito.”Magtiwala ka lang sakin mahal ko!”punong-puno ng pagmamahal na para bang nais nang umiyak dahil sa bugso ng emosyon.
“H-Hindi ko maintindihan Coco, ano bang nangyayari?”tanong ng asawa niya.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago napilitang magsalita.
“Listen Honey!”Inilapit na niya ang mukha sa asawa.”Ang Filipino-cyber na nag-hack ng mga sensitive files at perceptive statistics ng US barriers at ako ay iisa.”
Namilog bigla ang mga mata nito sa pagkagulat na para bang hindi makapaniwala sa kanyang ipinahayag.
“God Coco!”gulat nitong reaksyon na napayakap na sa kanya. Sa higpit ng yakap nito’y para bang ayaw na siyang bitiwan pa. “B-Bakit mo ginawa ‘yun? Bakit?”ang boses nito’y animo’y yutyot kung pakinggan dahil sa pagka-bigla. Tila hindi malaman kung anong sasabihin.
Isang mahigpit na yakap ang pinadama niya sa asawa bago nagawang magsalita.
“Makinig ka Ma, tatawagan ko si Derio Cabitran. Mapagkakatiwalaan siyang tao.”dinukot niya mula sa bulsa ang tinatagong floppy diskette na kinapapalooban ng encrypted files na nakuha niya mula sa network na kanyang na-scythe.”Kunin mo ito!”inabot sa asawa ang diskette.”Ingatan mo ‘yang bagay na ‘yan! Alam ko malaki ang maitutulong niyan kungsakaliman na pag-diskitahan ng Amerika ang Pilipinas sa nangyaring ito. Wala akong kasalanan, alam ng Diyos ‘yun. At kung kamatayan ko ang kabayaran para lamang sa ikatatahimik ng ating bansa. Ikalulugod ko.”
Patuloy ang pag-agos ng luha ng kanyang asawa habang binibigkas niya ang mga salitang iyon. Yakap lamang ang itinugon nito ngunit alam niyang higit pa duon ang gusto nito.
“Naiinis ako sayo! Naiinis ako sayo!”naiiyak na sambit ng asawa. Hindi iyon paratang kundi sintimyento.
Minabuti niyang ipatatag ang kalooban kahit nasasaktan na siya. Inilayo ang katawan at matapang itong hinarap.
“Kalimutan mo pansamantala ang pangalan at katauhan ko para sa anak natin. Magbabago kayo ng identity ni Niko. Kakausapin ko si Derio sa bagay na iyon. Gusto ko mamuhay kayo ng normal. Huwag na huwag mong pahahawakan ng computer si Niko. Nakikiusap ako, mabuhay kayo kahit wala ako! Pakiusap!”udyok niya dito sa nakikiusap na tono.
Nanatili itong tahimik ngunit namumugto ang mga mata. Sa sulyap nito’y para bang gusto siyang sigawan but not putting it under.

BINABASA MO ANG
The Hacker (An IT-Expert)
ActionNiko Ocampo, ang lalaking magbabago ng ekonomiya ng Pilipinas gamit ang teknolohiya. SPG: Theme, Language, Violence, Sex and Drugs (Matured Story/Tagalog)